Kabanata XXXVI

230K 8.3K 1.2K
                                    

MASAMANG masama ang loob niya ng umalis si Kaden kinagabihan papuntang Europe.


Akala niya papasok ito sa kuwarto para magpaalam sa kanya, para suyuin siya at sabihing importante lang ang sadya nito sa ibang bansa, at uuwi rin ito agad. Pero ni anino nito ay hindi na bumalik sa kuwarto.


Kung hindi niya pa narinig ang pag-alis ng sasakyan nito ay hindi niya pa malalaman na nakaalis na si Kaden.


Nakita niya sa hagdan na malungkot na nakatingin sa kanya si Lucia.


Hindi niya ito pinansin. Muli siyang bumalik sa kuwarto at doon niiya ibinuhos ang sama ng loob niya.


Dalawang araw ang lumipas na wala man lang paramdam si Kaden sa kanya. Sa huli ay si Perisha na rin ang naunang sumuko at nagbaba ng pride. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng biglang panlalamig ni Kaden sa kanya, o kung talaga bang nanlalamig ito sa kanya o baka busy lang. Clueless siya sa nangyayari. Pero hindi niya ito matiis.


Tinawagan niya ang landline ng mansiyon ng mga Vox sa Europe, kinontact niya rin ang cell phone number na ginagamit ni Kaden kapag naroon ito. Pero lahat ay walang sumasagot sa kanya. Lahat ng pagtatangka niya na makausap ito ay nauuwi sa end call.


"Baka busy lang, unawain mo..." pampapalubag niya sa sarili.


Pero hindi siya mapakali. Hindi siya makatulog at makakain nang maayos kakaisip sa kung anong dahilan bakit hindi man lang siya tinatawagan o kinukumusta ni Kaden.


Malapit na ang graduation niya, makakarating kaya ito? Nangako ito noon na hindi ito mawawala sa mahalagang araw na iyon ng buhay niya.


"Darating iyon," kausap niya sa sarili.


Pero dumating na ang graduation night ni Perisha na wala maski anino ni Kaden ang dumating. Maski tawag mula rito o kahit text message man lang ay wala siyang natanggap.


"'You okay?" tanong sa kanya ni Judas.


Tiningnan niya ang kababata. Guwapong-guwapo si Judas sa suot nitong polo na kulay asul at denim jeans. Maaga palang ay dumating na ito sa boarding house ni Perisha para sunduin siya.


"Ako na muna ang hahawak niyan." Kinuha nito sa kanya ang bouquet of red roses na dito rin galing.


Tapos na ang graduation niya. Wala maski isang Vox ang dumating. Gustuhin man niyang maging masaya ay kulang ang pakiramdam ni Perisha.


Nagtatampo siya kay Helios, kay Lourd, kay Cross at lalong-lalo na kay Kaden. Ang mga ito ang mga inaasahan niyang darating ngayong gabi. Pero wala ang mga ito.


Walang dumating na Kaden.


"Hey, smile ka naman diyan." Inakbayan siya ni Judas. "Tara kain tayo?"


Tumango siya. Nagugutom na rin kasi siya.


Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon