"WHAT are you doing here?"
Dahan-dahan na nga siya pero naramdaman pa rin ni Kaden ang pagpasok niya sa study room. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng lalaki kahit kailan.
"Gusto lang kitang makita," pinagmasdan niya ang napakaseryosong anyo nito habang nakatingin sa binabasang dokumento. "Maghapon ka kasi rito, masyado kang workaholic, hindi ka pa nga nagla-lunch."
"Don't worry about me, Cara."
'Pwede ba naman akong hindi mag-alala sa'yo?' sa isip-isip niya. Pero nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang pinong kilos ni Kaden. Kahit simpleng pagbabasa nito ng dokumento ay may dating. Kahit nakaupo lang ito, kahit tahimik at hindi nagsasalita ay ramdam mo ang nag-uumapaw na kapangyarihan. Napaka-powerful ng aura.
"Ehem," lumipas na ang ilang minuto. "Kaden..."
As usual, hindi nito pinansin ang sinabi niya. Nilapitan niya ito. Tambak ang mga papeles sa ibabaw ng malapad nitong desk.Ito ang pinagkakaabalahan ni Kaden kapag nasa mansiyon ito, marami itong inaasikasong papeles. Siguro ay ang dami-daming negosyo ng lalaki dahil iba-ibang pangalan ng kompanya ang nakasulat sa mga papeles na halos lahat ay hindi naman dito nakapangalan. May ibaw raw kasing namamahala sa mga kompanya nito ayon kay Cross.
"Galaw-galaw ka, baka ma-stroke."
"Cara, marami akong ginagawa." Walang interes na sabi nito sa kanya.
"I know and I can see that." Matamlay siyang naupo sa upuan sa harapan ng desk nito. "Palagi kayong busy, palaging may ginagawa, palaging stressed. Pero bakit ganoon? Ni wala man lang kayong wrinkles? Lalo ka na? Ilang taon ka na ba ngayon, Kaden?'
"You're disturbing my work,"
Kapag talaga iyon ang usapan ay sumusungit ito lalo.
"Oo nga pala, magbi-birthday na ako sa makalawa," paalam niya. "Ganoon ba ulit ang plano? Mag-invite lang ulit ako ng isang batalyon?" Ganoon naman palagi, kahit di niya ka-close, kahit ka-eskwela lang ay ini-invite ni Perisha.
"Yes," sagot nito. "Fausto will handle everything." Tukoy nito sa isa sa mga mapagkakatiwalaan daw nitong tauhan na naka-based sa Manila.
Maraming pinagkakatiwalaang tauhan ang mga Vox. Katulad ng mga ito ay mga wirdo rin ang mga tauhang iyon. Masyadong seryoso sa mga buhay. Hindi palangiti. Kalaunan ay kinasanayan na lang niya ang mga ito.
"Okay..." Matamlay na napabuntong-hininga siya.
"Anyway, what's your wish?" Tanong nito na hindi tumitingin sa kanya.
Tuwing birthday niya ay pinaghahandaan siya ng mga Vox. Palaging bongga. Palaging wagi ang celebration, ngunit hindi sa mansiyon ginaganap. Madalas ay sa mga sikat at mamahaling hotel sa Manila, at madalas ay si Cross lang ang uma-attend. Ang weird lang dahil parehong allergic sa party sina Kaden at Lourd. At ang ama ng mga ito ay lagi ring missing in action.
BINABASA MO ANG
Fall For You
VampireHe is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde ang mga mata. Dinala siya nito sa mansiyon na pag-aari nito. Binihisan, iningatan, pinakain, pinag-a...