Chapter 7: Friendly Date

419 10 0
                                    

*Ringgggg

Agad kong pinatay yung alarm clock ko at bumangon. Magsisimba ako. May malapit rin namang simbahan dito kaya nagligo at nagbihis ako. Sa labas nalang ako kakain.

^Cafe

"Isa nga pong pancake and white coffee." Kinuha ko na yung order ko at pumunta sa table. Habang kumakain ako ay nakita ko ang lalakeng nabangga ko noon sa mall na papasok sa cafe at umorder.

"Can I sit with you? Wala na kasing table. Okay lang ba?" Sabi niya kaya tumango ako. Kawawa eh. Pinagmasdan ko naman nang maigi ang mukha niya. Parang pamilyar eh. Saan ko nga ba siya nakita?

"Wh-what's wrong?" Oh! Rooftop! Garden! Natatandaan ko na. Skya ang lalake sa rooftop at sa garden. Leo ang oangalan niya.

"Leo, right?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya.

"I'm Jane. Njce to meet you." Sabi ko at nilahad ang kamay ko.

"Nice to meet you too." Sabi niya at tinanggap ang kamay ko. Nagsimula naman kaming kumain.

"Ammm. Jane. Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong ni Leo. Naguluhan naman ako sa tinanong niya. Ganoon din ang tanong niya noon.

"Hindi eh. At sa States ako nagstastay noon. Minsan lang ako pumunta dito." Paliwanag ko sa kaniya.

"Ahh. Ganun ba?" Sabi niya at tumango ako. Tumahimik naman kami ng mga ilang minuto.

"May pupuntahan kaba?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Oo. Magsisimba kasi ako. Bakit?" sabi ko.

"Ahh. Gusto ko sanang iinvite ka magmall eh. Magdate. I mean friendly date. Pwede ba? F-friends naman tayo?" Sabi niya na parang nahihiya at kumakamot pa sa ulo.

"Oh Sige. After kong magsimba." Sabi ko at tumingin sa relo ko.

"Text mo na lang ako. Aalis na ako eh." Sabi ko sabay abot ng calling card ko at umalis.

"Thank you." Sabi niya at kumaway.

Pagkatapos kong magsimba ay pumunta muna ako sa Mcdo katapat ng simbahan at kumain ng lunch. Pagkatapos kong kumain ay nakatanggap ako ng text kay Leo na nandoon na siya sa mall. Sa Starbucks siya naghihintay kaya puumunta na ako dun. Hindi ko na siya nireplyan.

*Mall, Starbucks*

"Hi." Sabi ko nang makarating ako.

"Hello. May gusto ka? Oorder ako." Alok niya.

"Huwag na. Kakatapos ko lang kasi maglunch. Hmmm. By the way, bakit naisipan mong mag-ayang magmall?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Gusto lang kitang makilala at gusto ko rin na makilala mo ako." Sabi niya at nagsip sa kanyang iniinum. Bigla namang tumibok nang mabilis ang puso ko. Anong ibigsabihin nito?

"Ah-ahh. And by the way, sabi mo noon sa rooftop, kaibigan kita hindi ba? Bakit hindi kita kilala o matandaan?" Tanong ko sa kanya.

"Huwag mong isipin yun. May kamukha ka lang kasi." Sabi niya at ngumiti. Parang nadismaya naman ako sa sinagot niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Tara na. Maglibot-libot na tayo dito." Sabi niya at inalalayan niya akong tumayo.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Nood tayo ng sine. Gusto mo?" Tanong niya.

"Sige. Matagal na rin kasi akong hindi nanonood sa sinehan." Sabi ko at pumunta na kami dun.


"Ano ang panunuorin natin?" Tanong ko kay Leo.

"Hmmm. Depende sayo." Sabi niya sabay ngiti.

"Yung kay KathNiel nalang. Yung Barcelona." Sabi ko at ngumiti rin.

"Sie ako na yung bibili ng tickets." Sabi niya.

"Ako nalang sa foods." Sabi ko.

"Oh Sige. Hintayin mo na lang ako pagkatapos mong bumili sa entrance ng sinehan." Sabi niya at ngumiti. Tumango naman ako.

"Okay!" Sabi ko at bumili na ng foods. Pagkatapos kong bumili ay dumiretso ako sa entrance ng sinehan.

"Halika na." Sabi ni Leo at binigay niya sa akin yung isang ticket at kinuha niya yung mga pagkain at pumasok na.

Nanood at kumain lang kami sa sinehan. Walang imikan at parang napapansin ko na hindi nakafocus si Leo sa movie parang may iniisip. Bahala na nga. Baka guni-guni ko lang yun.

Pagkatapos namin sa sinehan ay ininvite niya naman ako pumunta sa parke.

*Park*

Umupo kami sa swing.

"Presko naman dito." Sabi ko nang nakapikit.

"Memorable ang parke na ito." Sabi niya nang nakangiti. Ang genuine ng ngiti niya. Parang masasabi mo na ang saya-saya niya.

Tumingin-tingin naman ako sa paligid. Parang pamilyar amg parke o baka guni-guni ko na naman ito.

"Bakit naman?" Tanong ko at tumingin sa kaniya.

"Kasi dito kami naglalaro ng childhood friends ko noon." Kaya pala ang saya niya tingnan ngayon dahil pala sa mga naaalala niya.

"Noon? Bakit noon?" Tanong ko at nagswing.

"Umalis kasi yung isa kong kaibigan dahil sa akin. Ang tanga-tanga ko kasi." sabi niya. Parang maluluha na siya. Parang nasasaktan din ako habang tinitingnan siya.

"Bakit? Ano ba ang nagawa mo?" Tanong ko.

*riiing riiing*

"Gusto mo nang icecream?" Pag-iiba niya ng topic.

"Sige ba. Keso ha?" Sabi ko naman. Paborito ko kasi ang keso pagdating sa icecream.

"Asdfghjkl" Sabi niya. Mahina kaya hindi ko maintindihan. Umalis na siya at bumili.


*Leo's POV

"Sige ba. Keso ha?" Sabi niya.

"Oo. Alam ko. Favorite natin yan eh." Mahinang sabi ko at umalis.

Pagkatapos kong bumili ay bumalik ako kaagad at binigay yung icecream niya. Kinain niya naman. Ang ganda niya pa rin. Hindi parin siya nagbabago. Siya parin ang Jane na minahal at minamahal ko.


*Jane's POV*

"Salamat pala Leo ha. Sa pag-invite na mamasyal." Sabi ko at ngumiti.

"Wala yun. Sa uulitin." Sabi niya at ngumiti rin. Nagnod na lang ako.

"Uuwi na ako Leo. Parang didilim na eh." Sabi ko sa kanya.

"Sige. Hatid na kita." Sabi ni Leo at pumayag na rin ako.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon