Chapter 25: Kuya

253 5 0
                                    

*ring!ring!ring!ring!*

Ano ba yan? Ang aga-aga pa ah? Disturbo sa pagtulog!

"Wrong number ka!" sabi ko sa tumawag at natulog ulit.

"Wait!" sabi ng kabilang linya. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. 'Unregistered number'

"Sino to?" Mahinang tanong ko dahil sa antok.

"Daniyel to. President ako ng klase natin. Walang klase dahil sa malakas na ulan. Bye." Sabi ng kabilang linya kaya nawala yung antok ko dahil sa sinabi niya.

Wala daw klase dahil sa malakas na ulan. Tumingin ako sa bintana. Tama nga siya. Malakas ang ulan.

*ring!ring!ring!ring!*

"Jane! Punta ako jan sa condo mo!" Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Miley. Sasagot na sana ako pero inendcall niya na pala.

*dingdongdingdong*

Ang bilis naman niya.

"Good morning! Tinawagan ka rin ba ni Ms. Pres? Grabe! Sana tinext niya na lang. Disturbo sa tulog. Yan tuloy hindi na ako makatulog ulit." Diretsong sabi niya.

"May foods akong dala! Movie marathon tayo! Tara! Tinawagan ko na sina LJ at Wayne! Tawagan mo na sina Jaz at Kirk! Daliii! Para kompleto tayo!" Dagdag niya.

"Nag-enervon ka ba? Ang hyper mo! Ohh! Selpon ko! Ikaw tumawag sa kanila!"  Sabi ko. Kinuha niya naman yung selpon ko tsaka tinawagan sina Kirk. Naghanap naman ako ng CDs na panunuorin namin.

"Pupunta daw sila. Eh yung kuya mo? Hindi mo ba iimbitahin?" Napatigil naman ako sa tanong ni Miley.

"Ikaw kaya mag-imbita kay kuya tsaka hindi kami close nun noh!" Sagot ko at naghalungkat ulit.

"Pasalamat ka nga kasi may kuya ka eh!" Sabi niya sa akin.

"Kuya? Ikaw kaya magkakuya ng ganun. Nakakatakot kaya si kuya!" Sabi ko sa kanya.

"Kahit na. Kuya mo kaya siya!" Sabi ni Miley na nakapout.

"Sabi ni mama at papa close daw kami ni kuya noon. Yung parang hindi daw kami mahiwalay. Ewan ko nga bakit natatakot na ako sa kanya." Sagot ko na parang nacucurious.

"Talaga? Ano ginagawa niyo noon dahil hindi kayo mahiwalay?" Takang tanong ni Miley.

"Hmmmm. Ano ba?" Sabi ko at nag-isip. Si Miley naman ay hinihintay yung sagot ko.

*dingdongdingdong*

Saved by the bell tayo dun ah. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko kay Miley. Di ko kasi matandaan.

"Baka sina LJ na yun!" Excited na sabi ni Miley kaya binuksan niya agad yung pintuan.

"Salamat naman dahil dumating kayo kahit umuulan." Masiglang sabi niya kina LJ at Wayne.

"Dadating talaga kami noh! Dito rin kami kaya sa building nato nakatira!" Natatawang sabi ni Wayne.

"Yeah-yeah! Tumahimik ka!" Sigaw ni Miley kay Wayne. Napahiya kasi.

"Aba't!" Papatulan na sana ni Wayne si Miley ngunit pinigilan siya ni LJ.

"Awat na." Malumanay na sabi ni LJ kaya napapout si Wayne tsaka si Miley ay nagbehlat kay Wayne. Natawa naman ako dun ng mahina.

"Andyan ka pala Future!" Pagbasag ni Wayne ng katahimikan habang tumatakbo papunta sa akin at akmang yayakap. Binantaan ko naman siya ng suntok kaya napaatras.

"Sungit mo naman." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Ano yung papanuorin natin?" Tanong niya. Umupo naman sina Miley at LJ sa harap naming upuan.

"Eto!" Sabi ko sabay abot sa kanya ng CD.

"Ba-bakit eto?" Utal na sabi niya.

"Hindi ko pa kasi to napapanood tsaka binili ko to kasi sabi nila ang ganda daw ng story." Paliwanag ko.

"A-ahh." Sabi niya. Nacurious naman sina LJ at Miley kaya kinuha yung CD kay Wayne.

"Hindi ko rin to napanood!" Sabi ni Miley.

"Drama? Cool!" Bibong sabi ni LJ kaya napatingin ako sa kanya at napatulala.

"Ba-bakit?" Utal na sabi niya.

"Wa-wala! Na-nagulat lang ako sa reaksyon mo." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Ga-ganun ba? Hehehe!" Nahihiyang sabi niya.

"Yuuuck!" Sigaw ni Miley kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi bagay kay LJ ang pahiya-hiya!" Natatawang dugtong niya kaya natawa naman si Wayne.

*dingdongdingdong*

"Oh! Baka sina Kirk at Jaz na yun!" Sabi ko at binuksan yung pintuan.

"Oy! Sorry nadisturbo pa kayo!" Bungad ko sa kanila.

"Si Miley kasi!" Dagdag ko.

"Okay lang!" Natatawang sabi ni Jaz pero si Kirk poker face lang. Napansin ko naman na kinurot siya ni Jaz kaya nagnod siya at pumasok sa loob.

"Anyare dun?" Takang tanong ko.

"Ahh. Yun? Kinulang ng tulog. Yaan mo na." Sabi ni Jaz kaya sumunod kami kay Kirk.

*dingdongdingdong*

"May bisita pa ba tayo?"  Kunot noong tanong ko sa kanila. Nagkibit balikat lng sila.

"Titingnan ko lang." Sabi ko at pumunta sa pintuan. Pagbukas ko ay nakita ko si kuya.

"Ku-kuya." Utal kong sabi. Pumasok lang siya sa condo ko kaya sumunod ako sa kanya.

"Pinuntahan kita dito para sabihan ka na walang klase pero obyus na obyus na alam mo na pala." Sabi ni kuya nang makita niya sina Miley sa living room. Yumuko lang ako.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni kuya at umupo sa gilid ni Kirk.

"M-magmomovie ma-marathon po." Utal-utal na sagot ni Miley. Tumingin naman si kuya sa akin.

"Hindi mo man lang ako inimbita Jane?" Tanong ni kuya.

"S-sorry. Akala ko kasi busy ka." Palusot ko kay kuya.

"Really? It's okay. Busy nga talaga ako." Sabi ni kuya at tumayo.

"Aalis na ako. At Jane?" Sabi ni kuya.

"Nagpunta rin pala ako dito para sabihin sayo na mag-impake ka. Mamayang hapon susunduin kita para sa bahay ka na titira." Sabi ni kuya. Tumango naman ako.

"O-opo." Sabi ko.

"Hindi ka ba magpalaalam kay kuya? Hug?" Sabi niya habang aakmang yumakap. Nagloading pa yung utak ko kaya yayakap na sana ako nung tumalikod na siya. Tumakbo ako papalapit kay kuya at niyakap siya.

"Ingat ka kuya. I missed you tsaka sorry nung nakaraang araw." Sabi ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Bye kuya!" Sabi ko at bumalik sa living room. Ang mga mukha naman nila Miley ay hindi maipinta.

"Oh? Tara na! Magmovie marathon na tayo!" Sabi ko kaya natauhan sila.

"O-okay!" Sabay nilang sabi.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon