Chapter 36: Her

163 4 1
                                    

Jane's POV

Nalaman ko na rin. Pero hindi sapat ang pagpapaliwanag ni Kirk. Sabi niya kasi may mga parte daw dun na hindi niya masabi dahil wala daw siyang karapatan. Tatanungin ko raw ang taong alam talaga ang buong istorya. At sa tingin ko ay si kuya yun pero sabi ni Kirk hindi daw. Tinanong ko kung si mama ba o si daddy pero hindi rin daw. Sinabi niya na kilalang-kilala ko raw ang taong yun.

Napaisip naman ako. Baka yung babaeng umaaway kay Miley noon? Yung sinasabing bestfriend ko raw siya. Pero parang di ko na siya nakikita dito sa school. Magtatanong-tanong na lang ako.

"Jane!" Narinig kong sigaw ni Miley.

"Jane! Okay ka lang ba?" Tanong niya. Nagulat naman ako sa tanong niya.

"Umiyak ka ba? Namumula kasi yung mata mo. Tsaka nakita ko si Jaz kanina na natataranta habang bumibili ng tubig." Dagdag niyang sabi.

"I'm okay. Masama lang ang pakiramdam ko." Maikling sabi ko kay Miley kaya napatango siya at tumahimik.

"Ammm. Miley?" Sabi ko kaya napatingin si Miley sa akin.

"Nakikita mo ba si Jaimee dito sa school?" Tanong ko sa kanya kaya napakunot ang noo niya.

"Si Jaimee? Bakit naman?" Takang tanong niya.

"W-wala. Di ko na kasi siya nakikita sa school. Ikaw ba?" Palusot ko pero totoo naman yung sinabi ko na di ko siya nakikita.

"Ahh. Ganun ba? Minsan nakikita ko siya sa garden o sa rooftop kapag lunch." Sabi niya kaya napatango ako at nagpasalamat.

"May number ka ba niya?" Tanong ko kaya napakunot na naman ang noo niya.

"May kailangan ka ba sa kanya?" Tanong niya kaya napadahan-dahan akong tumango at umiling.

"Ano ba talaga?" Takang tanong niya.

"Jane, kapag may problema ka, sabihin mo lang. Bestfriend mo ako di ba?" Nag-aalalang sabi niya kaya napahinga ako nang malalim.

"Miley kasi... Diba... Ano... Ang..." Nahihiyang sabi ko. Tinap niya naman ang balikat ko.

"Okay lang, Jane. Sabihin mo na lang sa akin kapag ready ka na. Eto, kaklase ito ni Jaimee. Itext mo na lang siya na hihingi ka ng number ni Jaimee." Sabi ni Miley at umalis. Susundan ko sana siya kaso nakita ko si Leo napapalapit sa akin.

"Jane...."Mahinang sabi ni Leo. Napatingin naman ako sa mata niya nang diretso. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Namamawis ang mga kamay ko. Nanginginig din ang tuhod ko.

"Jane? Jane?" Sabi niya habang kinakaway ang kaliwang kamay niya sa harap ng mukha ko kaya tumayo ako nang maayos at lumunok.

"Ba-bakit?" Nauutal kong tanong.

"Nalaglag mo yung panyo mo kanina habang tumatakbo tayo." Sabi niya at binigay yung panyo ko.

"Sa-salamat." Sabi ko at tumango naman siya tsaka dahan-dahang umalis. Naalala ko naman yung nangyari kanina. Nabigla niya na lang ako hinila at tumakbo. Nabigla niya ring sinabi na mahal niya ako at alalahanin ko yung mga nangyari bago ako pumunta sa states. Baka siya yung sinasabi ni Kirk. Hindi naman siguro 'di ba?

Tinext ko yung binigay na number ni Miley. Tinanong ko kung may number ba siya ni Jaimee. Binigyan niya naman ako kaya tinawagan ko na kaagad.

"Hello?" Sabi sa kabilang linya. Boses ni Jaimee.

"Hello Jaimee? Si Jane 'to. Pwe-pwede ba kitang makausap?" Diretsong tanong ko.

"Ja-jane? Ano naman ang kailangan mo?" Medyo mataray na sagot niya.

"May importanteng tanong lang sana ako." Sabi ko.

"Sige." Maikling sagot niya.

"Pwede bang sa personal na lang? Pupuntahan na lang kita. Nasaan ka ba?" Tanong ko. Sa personal ko na lang siya kakausapin para maipaliwanag nang maayos.

"Nandito ako ngayon sa rooftop." Sabi niya kaya sinabihan ko siya na pupuntahan ko siya kaagad.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon