"Jane, sumama ka na lang sa akin papuntang school." Sabi ni kuya kaya tumango na lang ako.
"Jane, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni kuya. Umiling naman ako at tumingin sa labas.
Gusto ko mang aminin kay kuya na may problema ako ay hindi ko magawang sabihin sa kaniya. Natatakot ako. Baka kasi hindi ko kaya ang katotohanan. Hindi ko pa kayang malaman pero gusto kong malaman. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Ewan ko ba.
"Nandito na tayo. Sasabay ka sakin mamaya pag-uwi." Sabi ni kuya at bumaba na siya sa sasakyan at bumaba rin ako.
"Mauna na ako kuya." Sabi ko at dumiretsong lumakad.
"Jane!" Narinig kong sumigaw a likuran ko. Sina LJ at Wayne pala. Kasama nila si Miley.
"O-oy. Good morning." Bati ko sa kanila at pinilit na ngumiti. Tumawa naman silang tatlo kaya napakunot ang noo ko.
"HAHAHAHAH! Ang panget!" Sabi ni Wayne. Nakita ko naman na siniko siya ni LJ. Sinapak naman siya ni Miley kaya napatawa ako nang mahina.
"Aray naman!" Sabi ni Wayne kaya napatawa na kaming sabay.
"Oh? Medyo okay ka na?"Tanong ni LJ.
"Oo. Salamat sa inyo." Sabi ko at ngumiti.
"Ayon!Nakangiti rin nang maayos. HAHAHAH!" Sabi ni Miley at hinakawan ang balikat ko.
Nagsimula kaming maglakad papunta sa classroom namin. Nagkwento naman nang kung anu-ano ni Wayne habang naglalakad kami hanggang sa nakita naming papalapit si Leo.
"Uhmmm.. Jane..." Napahinto naman kami sa paglalakad.
"Ba-bakit?" Tanong ko. Tumingin naman siya kina LJ at Wayne.
"Wa-wala. Sa susunod na lang." Sabi niya at umalis.
"Anyare don?" Tanong ni Miley.
"H-hindi ko alam." Sagot ko sa kanya. Agad ko namang tiningnan sina LJ at Wayne. Napailing naman silang dalawa.
Napaisip naman ako kung may kahulugan ba ang pagtingin ni Leo sa kanilang dalawa.
"Oy! Tulala ka? Halika na nga!" Sabi ni Miley at hinila ako.
Nadagdagan naman ang pagkalito ko sa mga bagay-bagay na nangyayari.
Nang makarating kami sa classroom ay umupo na ako sa upuan ko. Ganon din silang tatlo. Nag-umpisa rin ang klase nang dumating ang prof namin. Hangang sa uwian na.
"Jane, punta tayong cafe. Malapit lang naman dito sa school." Sabi ni Miley. Nagtinginan naman kaming apat.
"Hindi ako pwede ngayon Miley eh. Sasama kasi ako kay kuya sa pag-uwi ngayon. Kayo na lang. Sorry talaga." Sagot ko kay Miley. Hinintay naman ni Miley ang sagot ng dalawa.
"Sorry din Miley." Sabay nilang sabi.
"May pupuntahan kasi kaming dalawa ngayon." Sabi ni Wayne.
"Sama na lang ako sa inyo." Sabi ni Miley. Umiling naman silang dalawa.
"Sige na." Sabi niya.
"Hindi kasi pwede Miley eh." Sabi ni LJ.
"Bakit naman? Sama niyo na ako. Wala kasi akong gagawin." Pagpupumilit niya.
"Hindi talaga pwede eh. Bilin kasi to ni mommy saming dalawa." Sagot naman ni LJ kaya napahinto sa pagpipilit si Miley.
"Bawi na lang kayo bukas ha?" Sabi ni Miley at ngumiti.
"Sige una na ako." Dagdag niya at kumaway paalis. Nagtinginginan na naman kaming tatlo.
"Kayo? Di pa aalis?" Tanong ko sa kanila.
"Bakit? Pinapaalis mo na kami?" Tanong ni Wayne at nagpacute.
"Hi-hindi naman. Sabi niyo kasi may pupuntahan kayo 'di ba?" Sabi ko naman. Sinapak naman ni LJ si Wayne.
"Ang kulit mo talaga." Saway ni LJ kay Wayne. Sinapak naman ni Wayne si LJ.
"Nanakit ka talaga." Sabi ni Wayne kay LJ.
"HAHAHA! Tama na nga yan. Baka pupunta talaga yan sa away." Pagpipigil ko sa kanila habang tumatawa.
Napahinto naman ako sa pagtatawa nang makita si Jaimee na nag-iisa sa isang sulok na nakaupo.
"Uhmm.. Jane?" Sabi ni LJ kaya napatingin ako sa kanya. Napansin niya siguro kung sino ang tiningnan ko.
"Wa-wala to. HA-HA-HA!" Sabi ko.
"Punta na ako kay kuya." Sabi ko at kumaway paalis. Kumaway rin sila pabalik at nagsimulang maglakad paalis. Habang tinatanaw sila paalis ay nakita ko si Leo na parang may hinihintay sa gate pero nagsimula siyang maglakad nang nakita niya sina LJ at Wayne.
Hindi ko alam kung 'yon talaga ang nakita ko pero parang ganon talaga eh. Gumulo na naman ang isip ko dahil sa kung anu-anong iniisip ko. May kahulugan kaya 'yon o namamalikmata lang ako?
"Jane, nandito ka na pala." Sabi ni kuya nang makarating ako sa office niya.
"Kumain ka muna jan. Tatapusin ko lang to." Dagdag niya kaya umupo ako at kumain.
Nakalipas ng ilang minuto ay natapos niya rin ang gawain niya. Pumunta naman kami sa sasakyan at umuwi na.
"Jane, anong alam mo kina LJ at Wayne?" Tanong ni kuya kaya napakunot ang noo ko.
"Anong ibigsabihin ng tanong mo kuya?" Takang tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan ang tanong niya.
"Nevermind." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Good Girl's Lovelife
Roman pour AdolescentsChildhood friend.... Bestfriend.... Close friend.... Masayang-masaya. Di ko akalain na sa ganitong sitwasyon ko ay sasaya ako. Pero.. Mali. Hindi dapat to ang mangyayari. Kung 'di ko siya nakilala, hindi kaya hahantong dito? Kung sinunod ko na lang...