Chapter 61: Forgive Me

18 3 0
                                    

>Jane's POV<

"Ta-tahan na." Sabi ni kuya habang hinahaplos ang likod ko pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Ja-jane, may hindi pa ako sinasabi sa'yo." Utal na sabi ni kuya kaya napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"Alam kong mabibigla ka. Alam ko rin na magagalit ka pero dapat ko itong sabihin sa'yo." Sabi ni kuya at huminga siya nang malalim.

"Jane, ang pinapainom namin na gamot sa'yo ay hindi para gumaling ka, kundi para hindi ka makaalala." Naiiyak na sabi ni kuya. Umiling-iling naman ako.

"Natatakot kami na baka maalala mo ang mga nangyari, ay magbabago ka at magagalit sa amin." Dagdag na paliwanag ni kuya.

"Ayaw kong ipainom sa'yo 'yon pero nadala ako nang takot na iwanan mo kami. Pa-pasensya na talaga, Jane." Sabi ni kuya at yumuko. Niyakap ko naman siya. Nagulat siya sa ginawa ko. Alam kong masakit ang sinabi niya at alam kong mali 'yon pero naintindihan ko ang punto niya at nagpapasalamat ako na sinabi niya.

"Salamat kuya. Salamat dahil sinabi mo. Naiintindihan ko kung bakit mo 'yon nagawa. Alam kong alam mong hindi mo 'yon dapat ginawa pero alam ko rin na kapakanan ko lang ang iniisip mo." Sabi ko habang humahagulgol.

"Pasensya na, Jane. Hindi ako naging mabuting kuya. Hindi kita inalagaan nang maayos. Naging masama akong kuya." Sabi ni kuya at humiwalay sa yakap ko. Tiningnan ko naman siya sa mata.

"Kuya, huwag mong sabihin 'yan. Naging karamay kita sa mga panahong kailangan kita. Pinasaya mo ako sa mga panahong malungkot ako. Huwag mong sabihin na naging masama kang kuya." Paliwanag ko sa kaniya. Tumango naman si kuya nang dahan-dahan.

"Pe-pero kuya, may itatanong lang sana ako." Nahihiyang sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

"A-ano 'yon? Magtanong ka lang. Sasagutin ko." Sabi ni kuya kaya napatango ako.

"Ang mga totoo kong pamilya. Na-nasaan sila? Gu-gusto kong malaman kung--" Hindi ko na natapos ang sinabi ko nang biglang may yumakap sa likuran ko.

"Jane, I'm so sorry. I'm sorry kung wala ako sa mga oras na kailangan mo ako."

"Jane, sorry kung tinago namin ang relasyon namin sa'yo."

Sabay na sabi ni LJ at Wayne kaya napangiti ako habang umaagos ang luha sa mga mata ko. Nakita ko naman na ngumiti si kuya Jester.

"Pasensya na kung nagsinungaling kami para lang mapalapit sa'yo." Paliwanag ni LJ.

"Sa-sandali lang." Sabi ko at tumawa nang mahina.

"Ka-kapatid ko kayo?" Natatawang tanong ko.

"Ku-kuya mo kami." Nahihiyang sabi ni Wayne.

"Ta-talaga?" Masayang sabi ko.

"Parang mahirap kayong tawaging kuya kasi nakasanayan na ang pagtawag ko sa mga pangalan niyo." Natatawa kong sabi at pinunasan ko ang mga luha ko. Tumawa rin silang dalawa.

"Marami pa namang panahon para mag-adjust." Sabi ni LJ. I mean kuya LJ?

"Wala akong pakealam kung magtatawag ka ng kuya o hindi." Sabi naman ni Wayne kaya napatawa kami nang malakas.





"Okay! That's it! Meryanda muna!" Sigaw ni ate Bright na may dalang tray na puno ng baso. Kasama niya sina Leo, Jaimee, Vick at Miley na may kanya-kanya ring dalang tray na may iba't-ibang laman.







"See? I told you, right? Gagaan ang mga pakiramdam kapag walang tinatago." Sabi ni ate Bright at ngumiti.

"Iyon lang talaga ang gusto mo. Prangka ka kasi." Sabi ni kuya LJ habang kumakain. Hindi talaga ako sanay na tawaging kuya si LJ.

"Excuse me?! Before you say that, why don't you chew your food first?" Malditang sabi ni ate Bright. Ginaya-gaya naman siya ni kuya LJ.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon