Chapter 59: Are you okay?

19 3 0
                                    

>Kirk's POV<

Dinala ni Leo, Jaimee, at Miley sa kwarto si Jane. Ilang minuto rin ang naglipas at ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik. Ni isa sa amin ay walang masabi.

"Kirk, ito 'yong kinakatakutan ko." Naiiyak na sabi ni Jaz kaya niyakap ko siya at pinatahan.

"Matinding sakit na naman ang kaniyang mararamdaman. Hindi pa nakaabot sa kalagitnaan ang kwento nagkaganyan na siya. Itutuloy pa ba natin 'to?" Humihikbi na siya habang sinasabi ang mga salita.

"Yes. Karapatan niyang malaman ang lahat." Sabi naman ni ate Bright.

"Hindi mo ba nakikita ang nangyari? Hindi niya kinaya!" Galit na sabi ni kuya Jester pero tinawanan lang siya ni ate Bright.

"Really, Jester? Are you dumb? Sa palagay mo ba mas gugustuhin ni Jane na hindi malaman ang mga nangyari? At si Jaimee pa ang unang nagsalita? Hindi ba dapat ikaw?" Sabi ni ate Bright kaya napakunot ako ng noo.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"Tama na. Hintayin na lang natin si Jane na gumising." Pag-awat ni LJ.

"Isa ka pa. Ano? Tatahimik ka na lang ba diyan? Titingin? Mag-oobserba sa mga nangyayari? LJ, alam kong alam mong may karapatan ka dito. Karapatan mong sabihin kay Jane kung ano ka sa buhay niya. Kung ano kayo ni Wayne sa buhay niya!" Pasigaw na sabi ni ate Bright kay LJ. Napayuko naman si LJ.

"Oo, may karapatan si kuya. Pero alam mo naman na si kuya Jester ang dapat na magsabi kay Jane 'di ba?" Sabi naman ni Wayne. Hinawakan naman siya ni LJ.

"A-anong ibig niyong sabihin? Anong dapat sabihin ni kuya?" Nagulat naman kami nang makita namin sina Jane at Miley na pababa sa hagdan. Tatakbo sana si Jane pababa pero pinigilan siya ni Miley.

"Dahan-dahan lang." Sabi ni Miley at patuloy niyang inalalayan si Jane.



>Jester's POV<

"Kuya, anong sinasabi ni ate Bright?" Takang tanong ni Jane nang makaupo siya.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Pagtanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.

"Kuya, sagutin mo ako. Magiging okay lang ako kapag nasabi mo na ang ibig sabihin ni ate Bright." Pagmamaktol niya kaya napahinga ako nang malalim.

"Jane.." Mahinang sabi ko. hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Kuya, okay lang. Natatandaan ko na lahat pero kailangan kong marinig ang mga nangyari galing sa'yo para paniwalaan na nangyari nga ang mga ito." Himihikbing sabi ni Jane kaya nagulat kaming lahat.

"Natatandaan mo na?" Gulat na tanong ko. Dahan-dahan naman niyang tinango ang ulo niya. Agad ko siyang niyakap. Kumalas naman siya sa pagyakap ko mga ilang minuto ang lumipas at tiningnan ako sa mata.

"Kuya.." Sabi niya kaya tumango ako.



*Flashback*

"Anong sinabi niyo? Hi-hindi niyo ako totoong anak?" Sabi ni Jane habang nag-uusap kami nina mom at dad. Nagulat kami sa pagdating niya.

"A-anak, let us explain." Naiiyak na sabi ni mom. Umiyak naman nang umiyak si Jane. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Jane, alam kong nasasaktan ka pero sana pakinggan mo kami." Sabi ko at hinigpitan ang pagkayakap sa kaniya. Umupo naman kami sa sofa at nag-usap.

"Ibinilin ka sa amin ng mga totoo mong mga magulang dahil may naghahanap sa kanila na mga masasamang tao. Hindi namin alam kung bakit pero nabigla kami nang sabihin ng iyong ina na alagaan ka namin at kami ang magpapalaki sa iyo. Sinabi rin nila na babalikan ka nila kapag na sulosyunan na ang problema nila." Paliwanag ni mama.

"Tinanggap naman kita dahil sa aking sariling kapakanan. Kamamatay lang ng babaeng anak ko na kasing edad mo lang noon. Pinagalitan ako ng dad mo dahil sa ginawa ko pero naintindihan niya rin ang nararamdaman ko." Dagdag ni mama.

"Ba-bakit hindi nila ako binalikan? Ba-bakit tuluyan nila akong iniwan?" Nauutal na tanong ni Jane. Agad naman umiyak si mom at hindi nakapagsalita.

"Pumunta kami sa Pilipinas nang malaman namin na babawiin ka nila sa amin. Napamahal ka na sa akin. Sa amin. Kaya nagmakaawa ako sa dad niyo na tumakas at tumira sa Pilipinas." Pinilit ni mom na tapusin ang kaniyang pagpapaliwanag. Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Inalalayan naman siya ni dad.

"Pinahanap nila ako kaya nagpalit kami ng dad niyo ng pangalan. Pinalitan din ng dad niyo ang mga pangalan niyo para hindi tayo madaling mahanap pero nagkamali kami. Si LJ ang nakahanap sa akin habang nagtatrabaho sa opisina ko. Sinasabihan ko siya na hindi ako ang babaeng hinahanap niya pero nakikita ko sa mga mata niya na sigurado siya." Dagdag ni mom at humikbi nang humikbi.

"Ba-bakit niyo nagawa 'yon? Sana man lang sinabi niyo sa akin 'to noon pa. Hindi naman ako magagalit kapag sasabihin niyo ang totoo." Sabi ni Jane.

"Natatakot akong mawala ka. Natatakot akong babalewalain mo kami kapag nakilala mo ang totoo mong pamilya." Sagot ni mom. Tumayo naman si Jane.

"Hindi ko gagawin 'yon. Sa tingin niyo ba magagawa ko 'yon? Maiiwan ko ba ang pamilyang nagpalaki sa akin?" Tanong ni Jane at tumakbo paalis ng bahay.

*End of Flashback*

"Hindi namin siya naabutan. Hinanap namin siya kung saan-saan hanggang sa tumawag si Leo at sinabi na nasa ospital siya." Sabi ko habang humihikbi. Naiiyak naman si Jane sa sinabi ko.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon