>Jane's POV<
"Ate, bakit tayo nandito?" Takang tanong ko kay ate. Nakita ko naman si Vick na papalapit sa amin.
"Anong ginagawa natin dito? Kakain. Kakain tayo. Bago kami bumalik sa States ni Vick. Right, Vick?" Sabi ni ate kaya napatango naman ako.
"Let's sit." Sabi ni ate at umupo kami. Nakikita ko si Vick na parang hindi mapakali.
"Vick, may problema ba?" Tanong ko. Napailing naman siya at tiningnan ang selpon niya.
"Oh! He's here. Hey! Jester!" Sabi ni ate. Nagulat naman ako nang marinig ko ang pangalan ni kuya.
"Kuya, bakit ka nandi--"
"What are you doing, Bright?" Galit na tanong ni kuya. Tumawa naman si ate Bright.
"What? We're just going to eat. Sit down." Sagot ni ate pero hindi umupo si kuya.
"Jane, let's go home." Matigas na sabi ni kuya. Hinatak niya ako patayo sa kinauupuan ko pero hinawakan ni ate ang kabilang kamay ko.
"Relax, Jester. Kakain lang tayo. Anong mali do'n?" Kalamadong tanong ni ate nang nakangiti. Napailing na si kuya. Hahatakin na sana ako ni kuya nang may tawaging pangalan si ate.
"Oh Leo! LJ! Now, we are complete!" Sabi ni ate kaya napakunot ang noo ko. Bakit nandito silang dalawa?
"Sit down. Jester, if you want to go, just go. Pero iwan mo dito si Jane. Kakain lang naman tayo bago kami bumalik ni Vick sa States." Sabi ni ate kaya walang magawa si kuya kundi umupo at umupo na rin ako.
"Let's order first. Waiter!" Pagtawag ni ate sa waiter at sinabi niya ang order namin.
"While waiting for our food, let's talk about some stuffs. Like... Hmm.. Jane!" Sabi ni ate kaya nagulat ako.
"Stop it." Matigas na sabi ni kuya.
"Ate.." Sabi naman ni Vick.
"Why? What's wrong? Itatanong ko lang naman kung anong pakiramdam niya na nandito siya sa Pinas. May mali ba do'n?" Paliwanag ni ate.
"So Jane, How's Philippines? Anong pakiramdam na nakabalik ka na dito? May naaalala ka ba?" Naaalala? May dapat ba akong maalala?
"Bright." Sabi naman ni LJ.
"What? I'm just asking. Ayaw mo bang malaman niya, LJ? Alam kong gusto mo rin. Huwag mo nang ideny." Sabi ni ate kay LJ. Napakunot na naman ang noo ko. Ano ba ang nangyayari?
"What I mean is, naguguluhan si Jane." Paliwanag naman ni LJ.
"Ma-magkakilala kayo?" Takang tanong ko.
"Yeah. We met sa States." Paliwanag naman ni ate.
"Sa States? Ba't 'di ko alam?"Takang tanong ko ulit.
"Because you didn't ask." Sabi naman ni ate at tumawa siya.
"Here's your order ma'am." Sabi ng waiter at nilapag niya sa mesa ang mga pagkaing inorder ni ate.
"Okay, let's eat." Sabi ni ate.
>Leo's POV<
Bright? Bright ang pangalan ng babaeng 'to? Bakit parang pamilyar? Saan ko nga narinig ang pangalan na Bright?
"Leo, what's wrong?" Tanong ni Bright sa akin.
"Naguguluhan ako. Akala ko ba mag-uusap tayo. Hindi mo sinabi na hindi lang pala ako ang kailangan mong kausapin." Sabi ko kay Bright. Bakit hindi ko maalala kung saan ko narinig ang pangalan na Bright?
~Flashback~
"Kuya, alam mo na ba na nandito na si ate Bright sa Pilipinas?"
"Oo, sinabihan niya ako bago siya pumunta dito."
"Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Alam mo naman 'di ba? At paano mo ba nalaman?"
"Oo. Nalaman ko no'ng nakita ko silang magkausap ni Jester sa office niya."
"Magkausap sila ni Jester?"
"Oo. Narinig ko rin na--"
"Leo?" Takang tanong ng isang lalaki.
Umalis naman ako. Hindi ko naman kasalanan na narinig ko ang pinag-uusapan nila. Nasa loob ako ng CR at hindi lang naman kanila ang CR na 'to.
~End of Flashback~
Naalala ko na. Noong nasa CR ako at may narinig akong nag-uusap. Teka, si LJ ang isa sa dalawang lalaking nag-uusap? Kaya pala pamilyar ang pangalang Bright. Ba't hindi ko manlang napansin?
BINABASA MO ANG
Good Girl's Lovelife
Teen FictionChildhood friend.... Bestfriend.... Close friend.... Masayang-masaya. Di ko akalain na sa ganitong sitwasyon ko ay sasaya ako. Pero.. Mali. Hindi dapat to ang mangyayari. Kung 'di ko siya nakilala, hindi kaya hahantong dito? Kung sinunod ko na lang...