"Byy, umupo ka sa tabi ko ah?" Sabi ko kay Kirk kaya tumango siya at umupo sa tabi ko.
"Good morning class!" Sabi ng teacher namin nakararating lang kaya binati rin siya namin.
"We have a transfer student. Please come." Sabi ulit ng teacher kaya tumayo si Kirk .
"I'm Kirk from states. Nice meeting you all." Sabi niya at akmang aalis ngunit pinigilan siya ng guro dahil may itatanong daw yung mga kaklase namin.
"Kirk, single ka ba?" Tanong ng isang girl.
"Hindi." Sagot naman niya. Tinanong siya ulit ng same girl kung sino at tinuro niya ako kaya natahimik siya. Tumawa naman nang mahina si LJ. Alam niya ang totoo eh. At may gf yan. Sa states nga lang.
May narinig naman kaming tunog na parang sinuntok yung arm chair at napalingon ako dahil sa likod ang tunog. Nakita ko namang si Leo na nakayukom ang kamao. Problema nun? Nabalik ang atensyon ko kay Kirk na pabalik sa upuan niya at nag-apir kami sabay ngiti. Naiisip ko rin kung bakit di makita ng mga classmates at schoolmates ko ang pagkaparehong itsura namin ni Kirk. Ang pinagkaiba lang naman namin ay ang mata at bibig.
Nagsimula naman si ma'am maglesson. Nakakaexcite rin dahil nagkwekwento si ma'am tungkol sa mga nangyayari noon. Hindi ko nga gets ang mga taong ayaw makinig sa mga kwento ng guro.
*riiiiinnggg*
Nilagay ko yung notebook at libro ko sa bag ko. Tinulungan naman ako ni Kirk.
"What's your problem?" Biglang sabi ni Kirk dahil may bumangga ata sa kanya. Tiningnan ko naman kung sino ang bumangga sa kanya. Si Leo? Baka nagmamadali lang siya. Inirapan lang ni Leo si Kirk. Pagkatapos namin ni Kirk ay pumunta kami sa canteen. Nakita naman namin sina Miley at LJ na nakaupo at pinuntahan namin sila.
"Nauna ka ata sa amin ah." Kantyaw ko kay LJ.
"Ang bagal niyo kasi. Nagugutom kaya ako." Sabi niya at nagcontinue sa pagkain.
"Byy, Me na lang ang magbubuy ng foods." Sabi ni Kirk kaya tumango ako. Bigla namang tumawa sina Miley at LJ kaya napataas ako ng isang kilay.
"Bagay kasi magconyo si Kirk." Sabi ni Miley habang tumatawa.
"Para ngang bakla eh." Sabi naman ni LJ at nag-apir sila ni Miley.
"Bakla? Sino ang gay?" Biglang tanong ni Kirk habang nagdadala ng tray na may pagkain.
"Gay? Si LJ. Oo si LJ." Sabi ni Miley kaya binatukan siya ni LJ.
"Hindi ako bakla noh. Halikan ko pa si Kirk." Sabi niya habang tumatawa kaya natawa kami. Umiling-iling naman si Kirk at umupo.
"Why do you have friends like this byy? They're crazy." Sabi ni Kirk at nagsimulang kumain.
"Okay lang yung baliw wag lang plastik." Sabi ni LJ at natawa.
"What did you say?" Tanong ni Jaimee na sumulpot sa usapan namin kaya nagulat ako.
"Bakit ko sasabihin sayo? Close ba tayo?" Tanong naman ni LJ na may malawak na ngiti.
"Whatever." Sabi ni Jaimee.
"Sulpot nang sulpot. Parang kabute. KSP pa." Sabi ni LJ kaya napalingon naman si Jaimee na parang nagtitimpi ng galit.
"Ano? Ba't ka lumingon? Natamaan ka ba?" Tanong ni LJ. Inirapan lang siya ni Jaime at umalis na siya. Tawa ng tawa naman si Miley kaya tumawa na rin ako.
"Anong problema nun?" Tanong ko habang natatawa.
"At bakit kayo tumatawa?" Dagdag ko kaya napatigil sila sa pagtawa
"Hala? Hindi mo alam?" Gulat na tanong ni LJ. Tinakpan ni Kirk ang tenga ko at parang may sinabi siya kina LJ at Miley at ang narinig ko lang ay amnesia. Pinilit ko namang tinanggal yung kamay ni Kirk.
"Alam niyo. Ang weird niyo." Sabi ko sa kanila at ngumisi lang sila.
"Tapusin na natin ang pagkain natin para makabalik na tayo sa rooms natin." Sabi ko at nagpatuloy kaming kumain.
Nang matapos kaming kumain ay hinatid namin ulit si Miley sa classroom niya at pumunta na kami pagkatapos sa room.
Pagpasok namin ay ang gulo ng mga kaklase namin. May nagbabatuhan ng papel, may nang bubully, at iba pa. Hinampas naman ni Kirk yung mesa kaya natahimik ang iba at ang iba ay nagulat. Di naman ako nagulat dahil alam kong naiirita siya sa gulo. Umupo naman si LJ sa upuan niya na para bang walang nangyari. Hinila ko naman si Kirk sa upuan namin at umupo. Sakto namang dumating ang guro."Goo--. Wow! Himala! Ang tahimik niyo ngunit ang gulo ng room niyo. Pero may improvement. Btw, good morning class." Sabi ng guro. Tama naman siya eh. Kung wala pa ang guro, magulo at maingay ang room. Bilib din naman ako kay Kirk. Siguro sabihan ko to na sitain niya ang mga kaklase namin na huwag nang magulo at huwag nang gagawa ng kalokohan sa loob ng classroom para di na mahirapan ang cleaners sa paglinis ng room. Ang genius ko talaga.
"Oy! Anyare sa'yo?" Tanong ni Kirk. Umiling lang ako at tinuon na namin ang atensyon sa gurong nagsasalita.
^Leo's POV^
Fvck! Hindi ko alam na may boyfriend siya. Umagang-umaga kanina sira na ang araw ko dahil sila agad nakita ko sa school ground. Nakaakbay yung lalaki sa kanya tapos ang saya-saya pa nila. At nung natapos ang 1st subject namin ay tinulungan siya ng lalaki sa pagligpit ng gamit niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya binangga ko ang lalaki. Sa canteen naman ay hindi ko maiwasang mainggit dahil masayang-masaya si Jane sa piling ng lalaki. Hindi ko alam na sasaya pa pala siya sa piling ng iba. Pero di ko pa rin isusuko ang narardaman ko para sa kanya. Ipaglalaban ko to. Bahala na si batman.

BINABASA MO ANG
Good Girl's Lovelife
Genç KurguChildhood friend.... Bestfriend.... Close friend.... Masayang-masaya. Di ko akalain na sa ganitong sitwasyon ko ay sasaya ako. Pero.. Mali. Hindi dapat to ang mangyayari. Kung 'di ko siya nakilala, hindi kaya hahantong dito? Kung sinunod ko na lang...