Chapter 47: Really?

21 2 0
                                    

>Leo's POV<

"Yeah. I said that I have something to tell you but I didn't say na ikaw lang ang kakausapin ko." Paliwanag ni Bright.

"Ate, ano ba ang sasabihin mo kay Leo. I mean sa amin?" Takang tanong ni Jane.

"Before that, let's finish our food first." Sabi ni Bright.



*Baam!*

"Jane, let's go home." Sabi ni Jester at hinila niya patayo si Jane.

"Kuya, what's wrong? Kumakain pa ako at may sasabihin pa si ate Bright." Sabi ni Jane. Napailing naman si Jester.

"No. We need to go home. Now!" Galit na sabi ni Jester. Nakita ko naman na pumupumiglas si Jane sa hawak ni Jester. Namumula na ang kanyang pulso. Pipigilan ko na sana si Jester sa paghawak kay Jane nang biglang hinawakan ni Vick ang balikat ni Jester.





>Vick's POV<

"Bro, let go. Nasasaktan si Jane." Awat ko kay kuya Jester at binitawan niya si Jane.

"I'm sorry." Mahinang sambit ni kuya Jester.

"I'll just finish my food kuya tsaka tayo uuwi." Sambit ni Jane at tinapos niya ang pagkain niya.

Tiningnan ko naman si ate Bright. Nakikita kong nasisiyahan siya sa mga nangyayari. Naiintindihan ko kung bakit nandito si Leo pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nandito si LJ. Anong kinalaman ni LJ sa mga nangyari?





>Jane's POV<

"Pasensya na po ate. Mauuna kaming uuwi. Ingat po kayo sa pagbalik sa States. Ate Bright, Vick, Salamat." Sabi ko at naunang umalis. Inunahan ko sa paglalakad si kuya.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa 'yon. Nakakahiya kay ate Bright.

"Jane, wait. Hintayin mo ako." Sabi ni kuya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad at binilisan ko pa.

"Jane!" Sabi ni kuya. Nahawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Anong bang problema, Jane?" Takang tanong ni kuya.

"Hindi kuya. Dapat ako ang tatanong sa'yo niyan. Ano ba ang problema mo?" Inis kong tanong sa kaniya. Napayuko naman siya.

"Right. Wala pala akong karapatang tanungin ka ng mga ganyang klaseng tanong. Pasensya na ha? Iintindihin ko na lang kasi kuya kita." Sabi ko at pumasok sa taxi na nakaparada sa harap ng Resto.




>Miley's POV<

"Ja-jane? Bakit ka nandito?" Takang tanong ko nang makita ko si Jane pagbukas ko ng pinto.

"Pwede bang dito muna ako matutulog? Kahit isang gabi lang." Sabi niya. Nataranta naman ako kasi umiiyak siya.

"Pa-pasok ka." Dagdag ko.

"Jane, a-ano ba ang nangyari?" Tanong ko sa kanya pero umiiyak pa rin siya. Kumuha naman ako ng tubig tsaka tissue at ibinigay sa kanya.

"Pasensya na sa abala Miley ha?" Sabi niya habang umiiyak.

"Ma-magpahinga ka na lang. Doon ka sa kwarto ko." Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Huwag na. Dito na lang ako sa sofa." Maktol niya.

"Pupunta ka sa kwarto o bubuhatin kita papunta doon?" Maotoridad kong sabi kaya nag-umpisa siyang lumakad papunta sa kwarto ko. Sinabayan ko naman siya at kumuha ako ng unan at kumot.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako ha?" Sabi ko sa kaniya.

"Pasensya na talaga Miley ha? Tsaka salamat na rin. Hindi ko masabi ang problema ko sa'yo dahil hindi ko pa kaya." Paliwanag ni Jane.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Importante makapagpahinga ka muna." Sabi ko sa kaniya.

"Nasa labas lang ako ha?" Dagdag ko at lumabas.

May kinalaman kaya 'to sa nangyari kanina? Kay Leo? Kay LJ? o 'di ka sa babaeng tinawag niyang ate? Arrghh! Anong gagawin ko? Hindi ako makatulog.



>Wayne's POV<

Si Jane 'yon ah? Bakit siya umiiyak?
Tatawagin ko na sana siya nang pumasok na siya sa condo ni Miley. Papasok na lang ako sa condo namin.

"Ku-kuya!" Sabi ko nang makita ko si kuya papasok sa condo namin.

"Anong balita?" Tanong ko.

"Hindi maganda. Nakakaasar si Bright pero mas lalong nakakaasar si Jester." Paliwanag niya.

"Ano ba ang nangyari? Nakita kong umiiyak si Jane papasok sa condo ni Miley." Sabi ko kaya napakunot ang noo ni kuya.

"Sa condo ni Miley?" Takang tanong niya. Kinuha naman niya ang selpon niya.

"Kuya bakit?" Tanong ko pero binigyan niya lang ako nang tahimik na sign.



Kuya: Miley, nandiyan ba si Jane?
Miley: O-oo. Nandito siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi umiiyak siya.
Kuya: Gano'n ba? Sige mag-ingat kayo. Alagan mo siya.
Miley: Si-sige.


"Sabi sa'yo eh. Tinawagan mo pa." Sabi ko kay kuya.

"Ano ba ang nangyari kuya?" Takang tanong ko.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon