Pumunta kami nina Kirk at Jaz sa restaurant nakita namin sina mama at dad na nakaupo sa isang table na may 4 na upuan ang libre.
"Hello ma, dad." Sabi ko at kiniss sila sa pisngi at umupo. Binati naman ni Kirk at Jaz sina dad.
"Let's eat?" Tanong ko. Nagsenyas si mama na wait.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"May hinihintay tayo. In any minute nandito na siya." Sabi ni dad kaya pala 4 ang libreng upuan kahit tatlo lang kami. May isa pa pala silang bisita.
"Actually, I'm here. Sorry I'm late." Sabi ng tao na nasa likod ko ngumiti naman sina dad. I know that voice. I will not forget that voice.
"Hello, Kirk, Jaz, and.... Shinee." Sabi niya at umupo. Tiningnan ko lang siya na parang di makapaniwala na nandito siya.
"Hello rin, my dear. Nakaorder na kami kaya ilalagay na lang ang orders natin dito maya-maya lang." Rinig kong sabi ni mama. Di pa rin nakuha ang tingin ko sa kanya.
"Hey!" Sabi niya at nagsnap.
"You don't want me here?" Tanong niya habang pilit ngumiti.
"N-no! I mean no. I just can't believe you're here." Sabi ko at pilit na ngumiti.
"It's okay. I'll stay here with you." Sabi niya at ngumiti. Ngumiti rin ako.
"Here's our order. Let's eat?" Sabi ni mama at kumain na kami. Nag-usap-usap lang sina mama at dad about sa business. Sina Kirk at Jaz naman ay nag-uusap. D ko lang alam kung ano.
"Hey, I'm going to your school later because I want to see the place. Will you join me?" Sabi niya.
"I'll try. May klase kasi ako." Sabi ko at sumubo.
"Jane, pinaexcuse nga pala kita para masamahan mo si Jester sa paglibot-libot sa school niyo." Pagsulpot ni mama sa usapan. Di talaga ako makakalusot dito.
"That's great!" Sabi ni Jester na naeexcite. Tiningnan ko naman si Kirk pero patuloy lang siya sa pagkain. Si Jaz tiningnan ko rin, parang worried siya. Ngitian ko lang siya ng pilit.
Nang matapos kaming kumain ay umalis na sina mama at dad para daw makapagready sila sa pag-alis nila mamaya. Sumabay na lang kami papunta sa parking lot. Nang makarating kami sa parking lot ay umalis agad sina dad at mama.
"Sa akin ka sasabay?" Tanong ni Jester. Tiningnan ko naman si Kirk at Jaz na binibigyan nang 'pigilan niyo siya look'.
"Kina Kirk na lang ako sasabay." Sagot ko at tipid na ngumiti.
"Yeah. Sa amin siya sasabay." Sabay na sabi ni Kirk at Jaz
"Are you sure? Baka madistorbo mo sila?" Sabi ni Jester. Tiningnan ko sina Kirk at Jaz at nagsabi nang 'help' na walang sound. Umiling naman si Jaz dahil wala siyang magawa.
"So ano na guys?" Tanong ni Jester. Walang sumagot.
"Okay then. I have no choice. Sasama ka sa akin. May pag-uusapan tayo." Sabi niya na parang nagagalit dahil sa inasal naming tatlo.
"Let's go." Sabi ni Jester at hinila ako papunta sa sasakyan niya.
"Ye-yeah." Sabi ko naman. Nilingon ko sina Kirk at Jaz. Nagmouth sila nang 'Sorry' at sumakay sa kotse nila.
"How are you? Parang may problema ka ah?" Tanong niya habang nagmamaneho siya. Medyo nashock ako sa tanong niya. Actually parang ang weird nga niya ngayon.
"I'm fine. Ikaw? Kamusta ka na kuya?" Tanong ko sa kanya. Yeah. Kuya ko si Jester. At hindi talaga ako makapaniwala na nandito siya dahil hindi naman siya pumupunta dito. Siguro sinabi naman ni mama ang tungkol sa gamot at sa friends ko. Tsaka medyo di kami close ni kuya dahil busy siya sa pagtatrabaho. At kung kakausapin ko naman siya ay minsan nagagalit, minsan di niya ako sinasagot, minsan sinisigawan at minsan tinitingnan lang na parang di niya ako kilala kaya grabe ako magreact kanina na nandito siya at may pa 'I'll stay here with you.' pa siyang sinasabi.
"Okay lang din ako. Nagbabakasyon para makarelax." Sagot naman niya.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.
"Bawal ba ako dito? Di mo ba na mimiss si kuya?" Tanong niya naman sa akin. At oo nga pala, marunong siyang magtagalog dahil nung nasa states kami ay minsan nagtatagalog kami mag-usap nina dad at mama. Hindi niya kami maintindihan kaya nagpaturo siya.
"Pwe-pwede naman kuya. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka." Sagot ko.
"Oh? I'm going to work at school for the mean time. I will handle the school until you graduate." Sabi niya. Babantayan lang naman ako ni kuya.
"Ahh. Ok po. Hanggang kelan?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako sandali tsaka binalik sa daan ang tingin niya.
"Ganun mo ba ako kaayaw? Ayaw mo ba ako dahil sa ginagawa ko sayo sa states? Sorry nga pala dun. Busy lang talaga ako nun at mas mahirap ang trabaho dun kaya madali akong magalit tsaka dito ako para atleast kasama mo ako at babawi ako sayo." Pag-aarte ni kuya.
"Kuya, sabihin mo na lang kasi na babantayan mo ako dito." Pagconfront ko sa kanya.
"Okay. Alright. Tama ka. Hindi alam ni dad na hindi mo iniinom ang gamot mo kaya please? Can you drink your medicine? And dad asked me to handle the school while you're studying." Bored na sabi niya.
"Sa bahay ka magstastay?" Takang tanong ko.
"Yeah. Ikaw rin. Pagkahatid natin kina dad at mama sa airport ay didiretso tayo sa condo mo at kukunin mo ang mga mahahalagang gamit mo dahil sa bahay ka rin magstastay." Paliwanag niya.
"Ayaw ko." Diretsong sabi ko. Hindi ako komportableng kasama siya kaya nga pumunta ako rito para iwasan siya dahil sa pagturing niya sa akin ay parang di niya ako kapatid. Masasabi ko pang mas kuya ko pa si Kirk kesa sa kanya.
"Do what I say. Kuya mo pa rin ako Marie!" Sabi ni kuya. Yan na naman siya sa Marie niya.
"Mary nga kuya MA-RY! Hindi Marie. Ewan ko sayo!" Dabog kong sabi. Tumahimik si kuya.
"Parang hindi mo ako kapatid dahil kahit pangalan ko di mo alam! Ang pagturing mo sa akin ay parang may nagawa akong malaking kasalanan sayo! Ginagawa ko naman ang lahat ah? All my life ginawa ko gusto mong sabihin kasi akala ko kapag gagawin ko yon ay ituturing mo ako na kapatid mo. Ang sakit na kuya eh. Ang sakit-sakit." Sabi ko at lumabas sa sasakyan niya dahil nakarating na kami sa school.
BINABASA MO ANG
Good Girl's Lovelife
Dla nastolatkówChildhood friend.... Bestfriend.... Close friend.... Masayang-masaya. Di ko akalain na sa ganitong sitwasyon ko ay sasaya ako. Pero.. Mali. Hindi dapat to ang mangyayari. Kung 'di ko siya nakilala, hindi kaya hahantong dito? Kung sinunod ko na lang...
