Chapter 4 : Novice

6 0 0
                                    

DARKNESS..I'm stucked in a place where light is not welcome..Right now I can't breath properly..I rested my hands on my knees..It feels like I had just rested my body from a long long run until I lost my senses but before closing my eyes,I saw a familiar face,he had just hugged me tight and a light started to Shine towards our place..

"Gising na..tulog mantika kong anak..!!"Bigla akong nagising sa pagpasok ni mama sa kuwarto na may hawak na kaldero at tila pinaguuntog niya ito upang magamit sa paggising sakin..

"Mama naman anong trip yan..-.-" pinilit kong tumayo kahit pilit pa din akong tinatawag ng kama ko..

"Ang hirap mo kayang gisingin kaya ito nalang ang naisip kong gamitin pang gising sayo.."umupo muna ako saka walang imik na pumunta sa banyo para mag mumog..

Anyway bakit ko kaya napanaginipan si Richard..??hmm..siguro dahil ito sa paulit ulit kong naaalala ung ginawa niya sakin kahapon..pero masasabi kong gusto kong magalit kay mama dahil ginising niya ako sa kalagitnaan ng panaginip kong un..aiissh..ano ba Vhonnie bakit ka nagiisip ng ganyan dapat kainisan mo siya dahil sa ginawa niya sau..

Mabilis akong natapos sa mga ginagawa ko bago pumasok sa school..hindi ako nakakain ng maayos kaya mabilis kong natapos ang daily routine ko..

On my way school ay wala ako sa sarili ko hindi ko nalang namalayan na nakarating na ako sa school..Iniisip ko pa din kasi ung panaginip na un..

Pagpasok ko sa school ay isa lang ang agad na hinanap ng mga mata ko..si Janna baka matulungan niya akong kalimutan ung mga nangyari napapansin ko na din kasi sa sarili kong madalas na ang pananakit ng dibdib ko hindi ko lang pinapaalam kila mama..

Nabigo akong mahanap si Janna dahil bukod sa hindi ko magamit ung phone ko upang pang text sakanya ay nakalimutan ko pa palang icharge ito..kaya umupo nalang ako sa favorite seat ko..at ginamit ko nalang ang natitirang percent ng phone ko pang soundtrip ng hindi naman ako mamatay sa boring na oras..Naidlip ako saglit kaya hindi ko na napansin ang paglapit ng isang lalaki sa tabi ko..at mukhang kakatapos niya lang magsalita sa harap ng klase..Wait..!! so natulog nga ako at hindi manlang ako ginising ni Janna..wait san siya wala siya sa tabi ko..ginala ko ang paningin ko at biglang nagsalita ung katabi ko..

"Hello miss sinong hinahanap mo..??"mahinahon na tanong nito

"Hinahanap ko si Janna ung katabi ko dito.."patuloy pa din ako sa paghahanap

"Miss hindi ko siya kilala so stop turning gazes nahihilo na ako sa ginagawa mo..hahaha.."napahinto ako sa sinabi niya..Gaassh..napakaguwapo naman netong katabi ko ngayon hmm..mukhang bago lang siya..malamang vhonnie bago lang siya..siraulo talaga ako minsan eh..pero parang napakapamilyar ng mga mata niya..ung mga matang kayang paamuhin ang mabangis na lobo..:)

"Parang kilala kita.."oopps nasabi ko ung iniisip ko

"Parang kilala din kita.."bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya..

My HEART won't LIEWhere stories live. Discover now