Chapter 38:

3 0 0
                                    

Yvonne's Pov

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil mayroon palang unexpected clean and green

"Bff kumusta naman yang nililinis mo baka naman pati yung alikabok ay naalis mo na eh dahon lang naman ung kailangang alisin dito..."bigla akong natauhan dahil sa pagdating ni Janna

"Ahm..wala lang ito..sinipag lang kasi ako.." sagot ko

"Hay naku..palusot mo bff..alam ko namang malalim ang iniisip mo.."kilalang kilala talaga ako neto

"Promise..hahaha masaya ako na nakakatulong kaya nilulubos ko na dahil huling araw na natin bukas.."sagot ko pa sakanya

"Sabagay may point ka naman bff.. By the way dun lang ako ha..tutulong na ako sakanila para mabilis na matapos yung mga gagawin" sambit ng bff ko at tumango na lamang ako

Yvonne's Pov


Naglilinis ako nun sa likod ng building dahil napansin ko na madaming kalat ang nakatambak doon..gaya nga ng sinabi ko kanina ay sinisipag akong maglinis nun kaya sinulit ko na ang pagkakataong makatulong..

Ako lang ang nag-iisang naglilinis dito pero hindi yun problema sakin dahil masaya akong naglilinis kasabay ng pakikinig ko ng favorite songs ko

Sa paglilinis ko ay natapilok ako sa isang bato at bigla nalang naramdaman ko ang pagyanig ng lupa at dahil sa napakalakas na impact nito ay napasubsob ako sa lupa at hanggang sa maramdaman ko nalang na may sunod sunod na bagay ang gumugugulong sa kinaroroonan ko and it went black



James' Pov

Hinahanap ko nun kung nasaan si Yvonne dahil gusto ko sanang samahan siya at napakasuwerte ko dahil nakita ko siya sa likod ng building na may patad na lupa na may Mistulang Banaue rice terraces dahil sa limang level nito

Nakita ko ang napakasipag na paglilinis niya kaya tinawag ko siya pero napansin kong hindi niya ako naririnig kaya naisip ko nalang siyang lapitan

Sa pagpunta ko sa kinaroroonan niya ay nakita ko kung panu siya natapilok..kaya naman agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya

Binilisan ko ang pagtakbo papunta sa kinaroroonan niya ng mapansin kong may grupo ng lalaking naghuhulog ng malalaking tipak ng bato sa kinaroroonan niya..sinubukan kong sigawan yung mga taong naghuhulog pero bigo ako dahil patuloy parin sila sa paghuhulog ng biglang.........

*******####################*******************

"Darrrlll..yuuuiiiii gumising ka naman oh..nagaalala na ako sayo lagi ka nalang nalalagay sa kapahamakan..ewan ko ba kung bakit.. siguro may balat ka sa puwet noh..?? kapag nagising kana talaga,hindi na kita hahayaang malapit sa aksidente..haiist ang bigat mo talaga..."sambit ko habang pasan pasan ko si Yvonne


Yvonne's Pov

Isang mainit na palad ang dumampi sa kamay ko.. pagkamulat ko ng mata ko ay nakita ko si Janna at sa pagupo ko ay naramdaman ko ang mahapdi sa noo ko..

My HEART won't LIEWhere stories live. Discover now