Yey! Nagsimula na ang Foundation Week at naglilibot kami ngayon ni James sa Ground dahil maraming booth ang nakatayo dito and hindi pala namin kasama si Janna ngayon dahil busy siya sa Arts club dahil in charge sila sa ibang design ng stage kung saan gaganapin ang pageant at Hindi ko nga pala nabanggit na Arts Club President ang bestfriend ko kaya ayun hindi siya makakasama samin ni James na magikot sa iba't ibang booth..
Sa paglalakad namin ay nagutom ako kaya niyaya ko si James sa isang booth na nagooffer ng free taste..hinila ko siya
"Hmm..ang bango naman ng fruit jelly na to.."saka ako kumuha at kinain ko agad ito..
"Hahahaha..ganyan ka pala pag gutom..mukhang timang..xD" Hindi na ako nagulat sa sinabi ni James dahil sanay na ako..Comportable na kami sa isat isa kaya hindi ko lang pinansin ang sinabi niya..
"Hmm..kaya ka pala nagkakaganyan.."lumingon ako sakanya at nakita kong may hawak siyang malaking bowl ng Fruit Jelly..
"Waahh..!!James penge naman.."akmang aagawin ko na sakanya ung hawak nya pero naunahan niya akong sumubo..
"Sorry nalawayan ko na :p" hmmppfft wala na akong nagawa kundi yumuko
"Kawawa naman ang bata..sige na nga treat na kita.."nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya kaya agad akong pumili ng Fruit Jelly..
"Hahaha hindi ka din matakaw noh..??xD" sarcastic nitong sabi
"Hindi talaga.."sabay subo ko ng Fruit Jelly
Sa paglalakad namin ay nadaanan namin ang isang Photo Booth for couples,bestfriend etc. pero bawal ang alone dahil may libreng develop ng picture
Nagulat ako ng bigla nalang akong hilain ng babae sa right side ko..
"Miss photo booth po try niyo.."hinihila na niya ako papasok sa Booth
"James..!!tulong..!!"hindi ata niya ako narinig dahil derederetso lang siya sa paglalakad
"James Parker Mercado..!!"sumigaw ako ng napakalakas at naging dahilan ito upang lumingon sakin ung mga estudyanteng naglalakad at pati cya..oh diba alam ko ung middle name niya..^^;
"Anong ginagawa mo diyan..??"
"Kasi naman---"hindi ko na tinuloy ang gusto kong sabihin dahil sa tuluyan na akong hinila ng babae..
Pinaupo niya agad ako at pinasuot ang veil na hawak nito saakin at nagulat nalang ako ng biglang nakita ko si James na may suot na Coat..Galing un sa lalaking humila din sakanya..
At ang nakakaloka pa ay ganto ang image..Mukha kaming ikakasal..@.@
Hindi ko napigilan ang mamula sa kinauupuan ko habang nakatulala lang sakanya at iniisip ang kalagayan namin ngayon..=.=At biglang nagFlash ung ilaw ng camera sa aming mukha..
YOU ARE READING
My HEART won't LIE
عشوائيOnce there was a time when a girl needs to loose what she already have but must she regret it or let it be..?? The battle of heart versus what must be owned begins..