Chapter 36:

3 0 0
                                        

Yvonne's Pov

Maaga ngang dumating si James sa bahay at buti nalang at hindi na nagusisa sila papa kay James.Kaya naman agad kaming nakarating sa school at tila bagong pagsubok nanaman ang hahrapin ko dahil nadatnan ko yung locker ko na may mga nakadikit na notes at may mga nakasulat na hindi ko nagustuhan..

Mang aagaw ka..!! Kakatapos lang mamatay ng girlfriend ni Richard eh nilalandi mo nanaman..!!wala ka talgang puso..!!pati si James ay ginagamit mo lang..Sh*t ..!!!

Bahagya akong napaluha sa mga nabasa ko dahil hindi lang yun yung nabasa ko..kundi madami pa na sadyang nagpaluha saakin

Tinapon ko nalang lahat ng iyon at sinubukan ko nlang kalimutan..

Hey..!! Bff ok kalang..?? Si Janna

Ah..ok lang..

Weh..?? Halatang umiyak ka kaya..tsaka patingin nga..ano ba yang iniiyakan mo..?? Hindi ko siya napigilan

Bff......sino ba tong naglagay ng mga ito ha..?? halatang may inis sa boses niya

Hindi ko alam eh..hayaan mo nalang..

Tsk..hayaan..??hindi to pwede..makita ko lang talaga yung gumawa nito ay sasabunutan ko siya..

Bff wala tayong magagawa sa mga taong gusto tayong maging failure..ang magandang gawin ay magdasal at ipakita sakanilang mali sila ng inaakala..

Matapos ang usapang iyon ay inanunsyo ng teachers namin na bukas na magsisimula yung program para sa mga special child kailangan naming maki participate dahil in lined yun sa subject namin pero iniisip ko lang na hindi dahil sa kailangan naming pumunta para sa grades pero pupunta kami dahil tutulong kami sa mga bata

...Kinabukasan...

Yvonne's Pov

May service na sumundo samin sa school..Dalawang van ang ginamit Nagpapasalamat ako dahil kasama ko sila Janna at James sa iisang van..Almost 3 hours ang biyahe kaya naman hindi ko napansin ang pagdating namin dahil nakatulog ako

By the way 3 days kami dito kaya medyo matagal ang stay namin..pero ok lang dahil mas magkakaroon kami ng mahabang oras sa pagtulong sa mga bata

Pagkababa namin ay naabutan na namin si Maam Rhea na nakaabang saamin..

Nagbigay na siya ng instructions para saamin at pagkatapos nun ay pinunta na kami sa mga assigned room namin at masuwerte kami dahil kasama ko ang bff ko.. Samantalang si James ay nahiwalay saamin dahil separate ang boys sa girls..Mistulang bahay lang yung lugar pero actually orphanage din siya..Nalaman ko din na isang mayaman na business owner ang nagDonate sa pagpapagawa nito

Nagtake na ako ng shower ko at pababa na ako sa dining area ng biglang nadulas ako dahil sa nakakalat na soda can

KABLOOOOOOOOOOOGGGGGGG..!!!

Ouucchh..!!! Sabay hawak ko sa bewang ko dahil malakas yung impact nung pagkadulas ko

Napatingin ako dun sa lalaking nakatalikod at napansin kong sakanya galing yung soda can dahil may ilan pang nakakalat na soda can sa sahig na nagmula sa nakabukas niyang bag..

Tsk..hindi mo ba ako tutulungan Mr.?? Mahinahon kong tanong..

Aii..wag nalang pala kaya ko naman.. By the way gusto ko lang sabihin na please pakitapon sa tamang lalagyan yung kalat mo dahil pwedeng marami pa ang maaksidente dito..

Be responsible enough po dahil hindi po satin ang facility na ito tsaka hindi po tayo nandito para lang magbakasyon para gawin lang yung mga gusto natin..but we're here to help ..pagkasabi ko nun ay nagulat ako dahil nakaheadset pala siya so hindi niya narinig yung mga sinabi ko..=_=

Mas lalo pa akong nagulat ng humarap siya dahil siya ay walang iba kundi si Richard..

Napakagat nalang ako sa labi ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko..Tama naman yung mga sinabi ko sakanya na dapat niya ding isipin yung purpose niya dito pero sana nga ay hindi niya narinig..

Inaakala mo bang hindi ko narinig lahat ng sinabi mo..?? Don't worry I know my purpose here..I just want you to know that I was just waiting for my turn to have a shower and I don't actually own that scattered soda cans..

Pagkatapos nun ay lumabas na si Vince sa banyo at saka na pumasok si Richard dahil turn niya na din para mag shower..

Oh Yvonne anung ginagawa mo dito..uii inaabangan mo ako dito noh..?? Sabi ni Vince sabay kindat

Parang lalabas na ang mga mata ko dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Vince.. Actually classmate ko siya and sa lahat ng nakilala kong makapal ang pagmumukha ay siya na ata ang pinakamalala

Hahahahaha..wow Vince ah..san ka kumuha ng confidence mo para sabihin yan ah..nakakaloka ka talaga.. Assuming lang..??

Hahaha..hindi naman sa panlalait pero naranasan naman na siguro nating lahat yung magkaroon ng classmate na masyadong mataas ang self confidence..yung tipong lugi na nga sila sa itsura eh lugi din sa ugali..=_= aww saklap naman neto

Dahil hindi na ako yung laging minamaliit, it's now time for me to stand on my own

Vince sayo ba itong mga nakakalat na soda can..??

Yes..bakit my dear..??sabi nito sabay hagod ng buhok niya.. feeling niya na bagay niya eh hindi naman..haiisst..

Tsk.. don't call me my dear..!! Tsaka respeto naman hindi ka pumunta dito para magkalat lang ng ganyan..better clean this mess or you'll regret wit this..utos ko sakanya

Aww..teka lang- hindi ko na siya pinagsalita pa

Sshhh..stop grumbling.. you don't own this facility so better keep the rules..sabi ko sabay iniwan ko na siya at dumiretso na ako sa dining dahil nakahanda na lahat ng dinner namin..

Naghintay pa kami ng ilang minuto dahil iilan nalang yung mga nagshower at nakapuwesto na kami sa mga upuan namin at katabi ko si James samantalang si Janna ay nakahanap ng paraan para makatabi si Charles..nasa kabilang table si Janna kaya medyo malayo kami sa isa't-isa

Halos kumpleto na kaming lahat pero isa nalang ang kulang..Si Richard dahil siya ang huling nakapagshower.. habang naghihintay ay naalala ko yung katangahang ginawa ko kanina..

Nasira na tuloy yung pagsuyo ko sakanya..mas mahihirapan pa tuloy ako sa pagconvince sakanya..

Sa wakas ay bumaba na din si Richard at ang cool niya talagang tignan kahit wet look siya..Ngayon ay mas naintindihan ko na kung bakit kahit sa huling hininga ni Juliet ay si Richard parin ang nasa isip niya..

Gawd parang nagsitayo lahat ng balahibo ko ng tumabi saakin si Richard..dun na siya umupo kasi yun nalang yung unoccupied na upuan

Ok kain na tayo.. pagkatapos nun magpray ni Miss Rhea

Kumakain na kami nun ng magrequest ako nun na iabot ni Richard yung higado dahil siya lang ang pinakamalapit dun.. Favorite ko kasi yun at naalala ko dun yung lolo ko na special dish niya yun..

Hindi ko alam kung bingi siya or ano pero chicken feet yung inabot niya..Hinayaan ko nalang dahil masarap naman ang chicken feet kahit paano kaya yun nalang yung nilantakan ko

Pinaabot ko ulit sakanya yung Tinola pero iba ung inabot niya kundi yung ulo ng manok..hindi ko na pinansin yun dahil mahirap ng magiskandalo dito kaya kinuha ko nalang iyon..ayaw ko ng magreklamo kaya hinayaan ko nalang siya

Tapos na kaming kumain nun at maaga na kaming pinatulog ni Miss Rhea at 9 pm yung lights out namin dahil kailangan naming maaga na mag prepare para sa mga bata..

Kailangan din naming gumising ng maaga dahil magbibigay ng instructions yung teacher namin sa gagawin naming activities bukas..

My HEART won't LIEWhere stories live. Discover now