Chapter 35:

4 0 0
                                    

Yvonne's Pov

Nakauwi na agad ako sa bahay at dumiretso ako sa kwarto ko dahil hindi na ako tinablan ng gutom dahil mas nabuo sa isip ko ang ginawa ni Richard kanina..

Gaassh papatayin niya ata ako sa kaba eh..buti nalang talaga at natake ko un..

Gawd mukhang hindi ako makakatulog ng mahimbing nito..(@_@)

.....Kinabukasan.....

Naglalakad ako nun sa hallway at sabay kain ko ng siopao nang biglang may umakbay sakin at nagulat ako ng malamang si James un at pagkaharap ko sakanya ay agad niyang pinisil ang pisngi ko

"GoodMorning Darl.."namiss ko un pagtawag niya nun pero hindi ko pinalagpas ang paghampas ko sakanya

"Aray ko naman Darl..yan ba ang isasalubong mo sakin pagkatapos ng lahat..??" sabay pout nito

"Hahaha hindi moko makukuha sa pagpapacute mo noh..tsk.."sabay kain ko sa siopao ko

"Talaga lang huh..??eh kung gawin ko to.."nagulat ako ng bigla niya akong buhatin

Pagkatapos nalang nun ay narinig ko na ang sigawan ng mga tao sa paligid namin..

"Ano ba James baka anong isipin nila kaya ibaba mo na ako.."sabay hampas ko sakanya

"Sabihin mo munang gwapo ako.."hindi padin niya ako binibitawan

Ok fine..wala na din akong magagawa..+.+

"Ang guwapo mo talaga James..=_= yan ok na siguro yan.."sambit ko

"Tsk mukha namang napilitan.."nakabusangot siya nun pero I admit na ang cute niya kapag ganun ung itsura niya

"Ang guwapo mo James alam mo ba yuuuun.."sabay pisil ko sa pisngi niya

"Aray ansakit nun ah..sige na nga ibaba na kita baka maalis pa ung balat ko sayo.."sambit nito habng hinihimas ang pisngi n ngayon ay namumula na

"Hahaha..wag mo kasi akong sinusubukan.."malakas na tawa ang pinakawalan ko

"Hahaha ganun ah.."sabay kiliti niya sakin..

"Hooy..!! hahahaha tumigil ka nga..lol..XD"tawang tawa ako.. malakas kasi talaga ang kiliti ko..buwiset kahinaan ko pa man din ang pangingiliti ng kahit na sino saakin.

"Yvonne can I please talk to you in private..??" Napatigil ako ng mapansin ko si Richard na nakatingin lang saamin..Napansin ko din ang brown envelope na hawak nito

Ngayon lang ako tinawag ng lalaking to na magusap in public..at ano naman kaya ang kailangan niya sakin

"Kung pwede lang..mahalaga kasi ito eh.."napansin ko ang pananahimik ni James

Lumingon ako kay James kung ok lang sakanya at NagNod lang siya sakin bilang pagsang-ayon

"Mauna kana sakin sa room James..susunod nalang ako.."Saka naman ako sumunod ako kay Richard na papunta sa Office niya.. remember officer siya ng Student Government Council

Nasa loob na kami ng magsimula siyang magsalita..samantalang ako ay umupo dun sa harap ng table niya

"Why didn't you told me..??" Napatigil ako sa paglilibot ng paningin ko sa napakaorganized niyang office

"Ang alin..??" Tanong ko

"About Juliet and this.."sabay lapg niya dun sa brown envelope sa table..

"Para san to..??" Naguguluhan ako..

"Try to check it out.."cold na sabi nito

Binuksan ko ung laman ng envelope at nakita ko lahat ng medical records ni Juliet pati na din ung heart donation niya saakin at nagFroze ako sa kinauupuan ko..hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sakanya lahat

"Now....tell meee...!!!!!!! what the hell happened..???!!!!" nagulat ako ng bigla siyang nagdabog sa table at nagising ako sa senses ko

"P-pwede bang kumalma ka muna.."nanginginig kong sabi

"Paano ako kakalma kung ang akala kong aksidente na pagkamatay ni Juliet ay hindi lang pala isang simpleng aksidente..!!!!" pasigaw na siyang nagsalita

"H-hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag lahat sa paraan na maiintindihan mo pero ako din m-mismo ay nagagalit sa sarili ko kung bakit kailangan niya pang magsacrifice..p-pero please makinig ka sakin wala akong alam sa plano niya..Sorry kung k-kailangan mo pang maramdaman yung sakit dahil sa pagkawala niya..Pero I swear wala talaga akong kinalaman dun..hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na mayroon akong sakit s-sa puso"nauutal na ako ngayon sa pagsasalita. Lumalakas lalo ang kabog ng dibdib ko dahil ngayon ko lang makita si Richard na ganto magalit kahit na nakita ko na sita noon kung paano magalit pero kakaiba itong nakikita ko ngayon.

"Sh*t bakit kasi ngayon ko lang nalaman to..??!!!! Dapat kasi sinabi mo na agad eh!!.."sabay hampas ng ano mang bagay na makita niya

"A-alam ko kasing masaksaktan ka lang kapag nalaman mo.."mahinang sambit ko , hindi ko kayang sabayan ang galit nito.

"Bakit sa tingin mo hindi ba ako nasasaktan ngayon ha..??!!!!"garagal na ang boses nito at parang maluluha na eto any time.

"She's really a good friend to me..napakabuti niyang tao at pati sarili niyang buhay ay binigay niya pa saakin..Kaya naman kung ano ung huling request niya ay gagawin ko dahil sa ganung paraan ay mapapasaya ko siya.."sabay tulo ng luha ko at saka ko na siya iniwan sa office niya dahil masyado ng mabigat sa dibdib ung mga nangyari ngayon

Pagkalabas ko sa office niya ay napuno ako ng pagkakonsensiya dahil nakita ko kung paano nagiba ung itsura ni Richard na mula sa maayos hanggang sa naging miserable..

Buong araw akong absent minded sa klase kaya naman hindi ko na namalayan ung announcement ni Ma'am Rhea na magkakaroon kami ng Program para sa mga special child this week at pwde kaming magbigay ng kahit ano para sa donation for them..

Pagkatapos nun ay umuwi ako na parang dala pa din yung sakit na natamo ko kanina..Sinubukan ko na munang kalimutan lahat ng nangyari ngayon dahil kasama ko ngayon si James na pauwi at ayaw kong madamay siya

"Hey ok ka lang..??gusto mo munang uminom ng coffee..??my treat..(^^)"panimulang sambit ni James..nagpapasalamat parin talaga ako dahil meron siya upang pagaanin ang aking kalooban. Pinilit kong ipakita na okay naman ako para hindi maging malungkot ang atmosphere sa paguusap namin

"Game..sakto matagal na din mula nung nakakainom ako ng coffee..^_^"sambit ko at pinilit na ngumiti

Nakarating na kami sa coffee shop at agad namang bumili si James..

Umalis din kami agad dun dahil gabi na din at buti nalang at dala ni James ung kotse niya..

Hanggang sa makauwi na nga ako..

"Salamat James sa paghatid mo sakin..Mag-ingat ka sa daan ah.."sambit ko bago siya tuluyang umalis

Isang matamis na ngiti ang binigay nito saka humakbang palayo..Inaasahan ko siyang magsasalita ngunit nagkamali ako..

Pinagmasadan ko siya ng tumigil siya at bumalik sa kinaroroonan ko

"Pwede bang sunduin kita bukas..?? nag-aalala kasi ako sayo eh.."Nagulat ako dahil naging gentle ang pananalita niya

"Ahm..ok lang ikaw ang bahala.."sagot ko

"Salamat..sige na matulog kana ng maaga dahil maaga ka pang gigising.."napangiti ako sa sinabi niya pero nagulat ako ng halikan niya yung noo ko..Kaya naman napatitig ako sakanya

"Wag ka nang magsalita..GoodNight kiss ko na yun sayo..hahaha"tumawa ito at ngumiti

Pagkatapos nun ay sinundan ko ang pagalis niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko

Yung totoo..san nila nakuha ung confidence ng mga lalaki ngayon para humalik ng mga babae..nakakaloka talaga

My HEART won't LIEWhere stories live. Discover now