Chapter 14: Medyo Masakit?

3.2K 54 2
                                    

Chapter 14: Medyo Masakit?

"Kelly! Doon tayo!"

"Omg Daryl bilisan mo naman."

"So mabagal naman omg!"

"Where the hell is James?"

Kasalukuyan kaming andito sa school field. Madami kasing booths kaya nae-excite sila Louvelle at Kelly. Nung una nga gusto nilang pumasok sa Horror booth but hindi sila nakapasok dahil maaga pa daw para sa horror booth gusto nilang pumunta dun pag gabi na.

"Hey, Are you okay?" Nagulat ako nang bigla akong iharap ni Angelo sakanya

"Huh? Okay naman ako ah? Bakit?" Takang tanong ko sakanya.

"Nothing. I just thought that you're bother by something." Sabi nya sakin tapos nginitian nya ako kinunutan ko naman sya ng noo.

"Let's go?" Tumango ako sakanya at sinundan na namin sila Louvelle at Trixie.

Papunta kami ngayon sa Café booth nila Damon at Richard syempre gusto namin silang makita na nagbabarista. Hahaha.

"Sis! Sa tingin mo ba masarap gumawa ng kape si fafa Damon? Punyeta beh! Haha" sabi ni Trixie

"Haha! Syempre masarap si Damon pa! Pero mas masarap ako. Haha!" Sabi ni Jacob.

"Huy Hakob! Wag ka ngang sinungaling! Mas pinaka masarap ako." Sabi ni Raven.

"Uyuyuy! Anong masarap dyan? Mas pinaka pinaka masarap ako. Mga hampas lupa!" Sabi naman ni Louie. Natawa naman kami sa expression ng mukha nya pano ba naman para na syang natatae na ewan. Haha

"Whatever guys basta ako naniniwala sa kasabihang, masamang mangarap ng gising." Sabi ni James kaya nagsipagtawanan kaming lahat.

"Mga loko. Teka? Asan ba banda naka-pwesto sila Damon?" Sabi ni Daryl

Tinuro naman nila Louie ang daan kung saan ang Café Booth nila Richard at Damon. Pagpasok namin sa kanilang booth ay maaamoy mo kaagad ang bango ng kape. Napatingin ako sa counter kung saan andoon sila Richard at Damon.

Si Damon ay nakasuot ng White long sleeves na nakatupi hanggang siko tapos black slacks. Tapos naka Apron pa sya. Ganoon din ang suot ni Richard. Ang gwapo tuloy nila. Bigla namang tumikhim si Angelo kaya napatingin ako sakanya.

Kung kanina ay nakangiti sya na abot langit. Aba ang ugok nakasimangot na aabot na ata yung nguso nya sa sahig. Haha cute nya.

"Oh? Pre bat nakasimangot ka?" Tanong ni Daryl

"Tss." Sabi ni Angelo sabay irap

"A-are you a gay?" Tanong ni Erin kaya napatingin sakanya si Angelo na nanglilisik ang mata at namumula na ang buong mukha at tenga sa inis.

"Im not!" Pasigaw nitong sagot.

"Don't you ever shout at my sister's face because im the only one who can do that to her." Cold na sabi ni Joanna kay Angelo.

"I-im sorry." Depensa ni Angelo.

Sa nangyaring sagutan ay nakuha namin ang atensyon ng dalawang ugo--este barista na kanina pa namin gustong makita.

"Brothaaaa! What's with that face? Pfft." Tawa ni Richard kay Angelo napa irap na lamang si Angelo at binaling ang atensyon sa kanyang cellphone. Teka ano bang problema nito at daig pa ang matandang nagme-menopause?

"A-angelo sorry sa sinabi ko kanina." Paghihingi ng depensa ni Erin kay Angelo

"It's okay Erin hindi rin naman dapat na sigawan kita." Sabi nito at ngumiti pa. Tumingin sya sakin kaya nginitian ko sya pero hindi nya ako nginitian. Teka nga? Bat ba nya ako sinisimangutan? Nakakaurat na ah? Bwiset. Edi kung galit sya galit din ako. Punyemas.

The Girl Behind The EyeglassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon