Bestfriends (PART ONE)

18 4 0
                                    

Kahit kapirasong pagmamahal,Kahit konti lang.Basta galing sa'yo..Kaso,Wala kang nararamdaman sa akin...Bakit ba ang hirap kong mahalin..

Ako si Dianna Crystal Alonzo.Simpleng babae na nangangarap mahalin ng isang prince charming sa totoong buhay.Yung parang mga koreanovelas at fairy tales na nababasa ko.Yung palaging Happy Ending ang Ending ng story.Gusto ko yun ang mangyari sa buhay ko..Kaso wala,Lagi nalang kabaligtaran ang nangyayari.Siguro kung papipiliin ako kung sa real world o Sa fictional world,Mas gusto ko yung sa Fictional World kasi Kaya niya akong pakiligin at pasiyahin kaysa sa Real World kung saan ako gumagalaw ngayon..

Sa mga nababasa ko sa mga Books ,Yung feeling na ang tipo ko sa lalake ay isang badboy na gangster at Nerd na pogi.Kaso sa real World,Simple lang ang gusto ko,Yung mamahalin ako ng totoo at buo.Yun lang,Pero bakit sa akin walang magmahal.

Eto ang kwento ko...Sana subaybayan niyo...

"Crystal,Si Fafa Jeoff dumating na!" Sigaw ng isang babae na alam ko kung sino yun..Walang iba kundi ang bestfriend kong mahal na mahal ko si Ariela San Jose..

Si Jeoff Sandoval,Siya ang ultimate crush ko.Matagal ko na siyang crush,Charot!Mga 8 months na siguro.Ang tagal diba.Kaso mukhang nagiintay lang ako sa wala.Madaming nagkakacrush diyan...

Naging crush ko siya noong,

________________________
First day of the Class

Flashback:

"Okay class,Now Group yourself into 2!!" Lahat ng mga kaklase ko ay nakapili na ng partner.Kahit si Ariela ay nakapili na..Ako nalang ang walang partner.

"Sir paano po ako,Wala po akong kapartner??" Tanong ko kay sir.

Bago pa makapagsalita si Sir.May isang lalaking dumating.

"Sir Sorry Im late." Sabi ni boy.

"Okay.Introduce yourself,Mr." Pormal na sabi ni Sir

"Hi Everyone.Im Jeoff Zico Olivarez." Sabi ni Jeoff..

Jeoff pala ang pangalan niya.

"Ayan,Miss Alonzo.May kapartner kana??Now Class,Discuss to your partner your worst nightmare in your life." Sabi nung teacher.

Umupo na si Jeoff.

"Hi Jeoff,Im Crystal!" Bati ko sa kanya

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Ngiting hindi ko malimutan hanggang ngayon.Ngiting nagpahulog sa akin.

"Hello Crystal...So let's start,You first.What is your worst nightmare??" Tanong ni Jeoff

"Ako?Siguro noong napanaginipan ko na namatay si Inang Lola.Tapos paggising ko nasa malayo na siya...Nasa heaven na,Na matagal pa akong makakapunta..Nakakalungkot kaya yun..Ikaw anong worst nightmare mo??" Sabi ko,Namimiss ko na ang lola ko

"My worst nightmare is to be left alone.Hindi ko pinapangarap na maging ako ngayon...Dati,Masaya ako.Ngayon naging miserable ang buhay ko ng dahil sa ama ko!Simula ng mamatay si mommy,Sumakabilang bahay na siya.At ako,Eto naiwang mag-isa kasama ang mga pinsan ko."
Sabi niya na para bang puno ng galit..

"Ay may secret akong sasabihin sayo..Alam mo ba yung daddy ko,Nasa abroad kaso etong si mommy parang may bagong boyfriend!!Pero ayoko.Gusto ko si daddy lang ang mahal niya...Kasi naniniwala ako sa forever ng dahil sa kanila,Kaya sana wag nilang sirain pa!" Sabi ko kaya natawa siya.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon