Chapter 4

955 10 1
                                    

Chapter 4

Nilagay agad ni Angela sa bag ang librong binigay ng kaibigan. Nakauwi na siya sa bahay nang maalalang hindi man lang siya nagkaroon ng chance na ituloy ang pagbabasa sa story. Umakyat agad siya sa kwarto nila ng kapatid para saglit na magpahinga muna.

Solo ni Angela ang kwarto for a few hours before umuwi ang kuya niyang whole day ang klase. Around mga 5 o'clock pa siguro siya darating.

She decided to take a shower before doing anything else. Iniwan niyang nakapatong sa kama ang bag bago pumunta sa banyo dala ang towel. Sa pag-ligo kasi nagkakaroon ng pagkakataon si Angela na mag-isip. Parang tulad ng paglalakad sa park or paghilata sa kama na dilat ang mga mata. Basta makapagmuni-muni lang.

Marami kasing nangyari ngayong araw... Lalo na sa library nang di-inaasahang magkita sila ni Angelo.

"Peace na tayo... Beshie. Nami-miss ko na 'yung best friend ko eh."

Paulit-ulit na nagre-replay ang mga linyang binitawan ni Angelo sa library. Nakaramdam tuloy ng guilt si Angela sa ginawa niyang pag-iwas sa kanya. Ito ngayon ang nagpapagulo sa isip niya... Sapat na ba ang limang araw na tampo para patawarin na si Angelo? Nag-sorry naman na siya... Sobra pa nga eh. At saka, ayaw man niyang aminin nang harapan, nami-miss rin naman niya ang best friend.

Naging OA ba siya? Hindi naman siguro. Ikaw kaya laitin ang isang bagay na kinahihiligan mo, hindi ka ba magagalit? At least ngayon, naintindihan na ni Angelo ang worth ng mga libro kay Angela, so this experience wasn't completely worthless. In fact, baka napatatag pa nga lalo ang bond nilang dalawa.

She decided it was time to get out of the shower when she finally made her decision... Hindi na siya galit sa kaibigan at aayusin niya na ang lahat bukas once and for all. Napangiti siya sa sarili nang hindi niya napansin. Basta ang alam niya, bukas na bukas, babalik na sa normal ang lahat. Wala nang tampo, wala nang iwasan, at wala nang pag-kain sa canteen na mag-isa lang.

Lumabas siya ng banyo, nag-bihis, at nag-suot na ng pajama kahit pa hapon pa lang. Umupo siya sa kama habang pinapatuyo ang buhok gamit ang towel at dito na niya napansin ang bag sa tabi niya. Naalala niya ang librong bigay ni Angelo na hindi man lang niya binuksan.

She opened her tightly packed bag and struggled to pull the book out. She made a mental note to buy a bigger bag next time.  Iningatan niya ang paghila sa libro at baka mangyari ang nangyari aa science module niya kanina. Grabe, nanghingi pa siya ng scotch tape sa katabi para lang mapag-isa ulit ang naghiwalay na libro.

Success, nakuha niya in one piece ang book!

Nakita niyang nandoon pa rin ang bookmark na nilagay niya nung last time niyang binasa ang libro. Hindi naman siya actually bookmark kasi isang intermediate pad lang ito na tinupi niya ng ilang beses sabay ipit sa libro 'pag napansin niyang male-late na siya sa klase kaka-basa.

She opened the book and the first thing that caught her eye was the words written on her "bookmark".

To: Angela
From: CMV

"... CMV?" nag-isip-isip si Angela dahil parang pamilyar ang pagkakasunod ng mga letters na 'yon as if nabasa na niya somewhere. "Teka lang."

Bigla niyang binuklat sa may pinaka-unahang parte ang book at na parang may hinahanap. Isa-isa niyang pinasadahan ang mga salita hanggang sa mapunta siya sa isang page kung saan nakita na niya ang hinahanap niya.

"Cyrus Miguel Villaflor?!" napa-sigaw siya kahit pa mag-isa lang sa kwarto. Paanong hindi siya magugulat eh 'yun ang pangalan ng main guy na binabasa niya sa book na hawak-hawak niya nung moment na 'yon?!

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon