Chapter 7

686 6 1
                                    

Chapter 7

.

.

.

Alam mo 'yung feeling na parang may galit yata sa'yo 'yung mundo? Na para bang nilalayo't-nilalayo ka ng tadhana sa mga gusto mong ma-achieve sa buhay? Tapos ikaw naman, tuloy pa rin sa paghabol sa mga ito kahit pa medyo imposible na nga kung titignan. Pahaba lang nang pahaba ang tinatakbo mo habang palayo naman ng palayo ang hinahabol mo... Na-stuck ka lang sa karerang walang kasiguraduhan ang finish line.

Ano? Ikaw ba rin ito or hinde?

If you are, malamang nakakaramdam ka na rin ng pagod...

Nakaramdam ng pagka-sawa...

At higit sa lahat, nakaramdam ka na ng matinding stress.

Minsan, iniisip mong sumuko na lang kasi 'yun ang mas madali diba? Let go of everything on your shoulder para naman makapagpahinga na sa wakas.

Pero hindi pwede eh.

*

~*~

*

But seriously... Bakit ba sa intro pa lang eh saksakan na yata tayo sa hugot? Para tuloy tatamarin ka nang tapusin ang kwento dahil simula pa lang, depressed ka na. I aplogize but that is not my intention. Sadyang base kasi ito sa taong 'yun din mismo ang pinagdaraanan ngayon. Isang taong mala-racetrack ang buhay dahil sa pilit niyang mahabol ang mailap na finish line.

Sino siya kamo?

Hindi siya si Angela... Although she's facing something similar. The person I'm reffering to is her best friend na walang iba kundi si Angelo Villamor — ang nerdy at maasahang kaibigan na lagi na lang inuutusan ng mga teacher.

"Well, ganun talaga kapag teacher's pet," asar tuloy lagi ni Angela.

Speaking of Angela, nagmumukmok nanaman ang babaeng 'yon nang may biglaang project nanaman sa ESP na bukas agad-agad ang pasahan. As usual, nagkita sila ni Angelo sa library nang i-check niya kung may iniwan nanaman bang letter ang secret admirer niya sa nakatagong Wattpad book... But she found nothing except the letter that she left earlier.

"Baka naman hindi lang siya napadaan sa library ngayong araw," Angelo assumed.

"... Baka nga."

Pagkatapos ng conversation nilang 'to, nakiusap na agad si Angela kung pwede bang magpatulo gumawa ng project nila sa ESP.

"Pwede bang sa bahay niyo na lang ako? Bawal akong magdala ng guys sa kwarto ko eh," request ni Angela. "I mean, kung pwede lang and kung hindi ka naman masyadong busy... Okay lang huminde, ah. Hindi naman kita pinipilit eh. Ito kasing hinayupak na ESP teacher ko, values na nga lang tinuturo niya siya pa 'yung nagpapa-project ng marami. Akala mo major subject kung maka—"

"Oo na,"

Angela actually didn't expect he'd say yes. "Talaga?"

"Oo na nga," Angelo said, half-annoyed. "Bakit? Ayaw mo na?"

"Gusto! 'To naman oh, nagtatanong lang eh."

Nagsimula na silang maglakad palabas ng library. Wala kay Angelo ang susi kaya hindi na niya kinailangang i-lock ang kwarto pero pinagsasara niya pa rin ang mga aircon. Sayang naman daw eh wala namang tao sa loob. Naglakad sila pababa ng hallway kasabay ng iilang estudyante.

"Angelo, pwedeng dumeretso muna tayo sa National para bumili ng supplies para sa project?"

"Sure," sagot niya habang diretso lang ang tingin.

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon