Chapter 10

502 7 0
                                    

Chapter 10

.

.

.

Dear kung sino ka man (charot!),

Thank you nga pala sa letter mo last time :) ... Especially sa paper flower 🌼 . Hindi ka na dapat nag-sorry na paper lang 'yung in-offer mo hahah... Gets ko naman 'yung reason mo na masyado ngang malaki kapag totoong flower 'yung itago sa likod ng bookshelf.

Habang nagsusulat, hindi mapigilan ni Angela na maalala ang sinabi ng secret admirer niya sa previous letter nito.

"Don't get me wrong. Gusto talaga kitang makita one day... But as much as I want to talk to you face to face, well... Sabihin na nating medyo torpe ako. Ok sige na nga, hindi lang pala medyo... Jokes aside, I hope you understand."

Kung hindi pa dahil sa kuya niya, hindi pa sana mapapansin ni Angela na napapangiti na pala siya mag-isa habang nagsusulat.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Cris asked suspiciously habang naka-upo sa kama niyang puno ng mga naka-buklat na textbook at test paper... The usual. "La-La baka nagbabasa ka ng ano d'yan ah."

Angela was taken by surprise by her older brothers accusation. "Hindi ah!" inangat niya ang sarili niya slightly mula sa nakadapa-niyang posisyon sa kama. "And if ever ngang nagbabasa na ako ng ganun, pake mo ba? As if hindi ka din nagbabasa ng may mga ano?"

Binalibag ni Cris sa kama niya ang Calculus textbook na nire-review niya. "Hoy, hindi ako ganun ah. Good boy kaya 'tong kuya mo," sabi niya sabay nagpa-mukhang inosente.

"Good boy? Wow. Bakit? May good boy bang nagtatago ng FHM sa ilalim ng kama—!?"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil mabilis na tumayo si Cris at tumakbo para takpan ang bibig ng kapatid.

"SSSHHH!" halos pareho lang sila ni Angela ng facial expression kapag napa-hiya. "Bakit—?! Sinong—?! Pa-Paano mo nalaman 'yon? 'La-La ano ba kasing ginagawa mo sa ilalim ng kama ko?!"

Inalis niya ang muna ang kamay na nakatakip sa bibig niya. "Naalala mo 'yung one time na pinapalinis nila mama 'yung room natin pero ayaw mo? So in the end ako na lang. Tinawanan mo pa nga ako eh before ka umalis para mag-mall kasama 'yung GF mo noong parang kabute kung maka-dikit sa'yo," she rolled her eyes before continuing. "Malay ko bang hindi lang pala alikabok 'yung makikita ko sa ilalim ng kama mo?"

"Gaga ka talaga..." napakamot na lang siya sa batok bago bumalik sa sariling kama. "Ang hirap mong maging kapatid. Sana napagpalit ka sa ospital nung ipinanganak ka."

"Edi wow," again, ikot ng mata na lang ang nagawa ni Angela. "San mo ba kasi nakuha 'yung mga 'yan, kuya?"

"Wala... Bigay lang sa'kin... Ikaw ah, sa'tin-sa'tin lang 'to. Huwag na huwag mong sasabihin kila mama kung hindi—"

"Ano? Anong gagawin mo?"

"Kung hindi... Uhm," nag-isip siya saglit. "Ah! Alam ko na. Sasabihin ko na may secret admirer ka."

Hindi ine-expect ni Cris na ang ire-respond lang pala ng kapatid sa pagbabanta niya eh isang malakas na halakhak.

"Wow ah!" she said between laughs. "Di hamak na mas mabigat ang sikreto mo kaysa sa'kin!"

"Basta huwag mo na lang sabihin kila mama! Lalo na kay papa, okay?"

Nagulat sila pareho nang may panibagong boses na sumali sa usapan. "Anong hindi ko pwedeng malaman?"

"Pa..." nagbago ang mukha ni Angela.

"Gabi na pero ang ingay-ingay niyong dalawa. Rinig kaya kayo hanggang sa baba," naka-sandal siya sa may doorframe habang pinagmamasdan ang magkapatid.

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon