Chapter 15

399 5 1
                                    

Chapter 15

.

.

.

"Really?" sagot ni Sophia sabay tawa sa sinabi ni Angelo na tungkol sa SSG.

Nagmukhang third wheel si Angela sa kanilang dalawa ng best friend niya kaya wala na siyang nagawa kundi kumain na lang nang tahimik. Lumipas ang ilang minutong ganoon lang ang daloy ng mga pangyayari. Paminsan-minsan, nakakapasok naman siya sa usapan ng dalawang ingglisyero pero halos mga one to two word responses lang at 'yun ay kapag tinanong siya.

"Oo."

"Hindi naman."

"Minsan lang."

"Syempre."

Kunyari na lang may ka-text siya sa phone most of the time at sa cellphone na rin nga niya napansin ang oras. Mag-iisang oras na pala sila sa restaurant nila Sophia simula pa nung uwian.

"Uhm... ano..." tinignan siya ng dalawa. "Magsi-CR lang ako saglit tapos mauuna na ako."

"Ah, ganun ba?"

"Angela, sabay na tayo," nagbago ang expression sa mukha ni Sophia nang sabihin 'yon ni Angelo. "Sorry, Sophia. Baka kasi abutan kami ng rush hour eh."

"Ok lang. Ano ka ba?"

"Excuse me," Angela said before standing up.

Kasabay niyang tumayo si Sophia na ibabalik na sana ang hawak niyang pitcher na may nakasulat na "special sauce" na kinuha niya kani-kanina lang sa mismong counter. Pero hindi pa siya nakaka-hakbang man lang nang pigilan ni Angelo at nag-presintang siya na lang daw.

Napatingin si Angela sa salamin sa CR at nakita ang halatang haggard na itsura. Normal lang naman sa kanya 'yon na ganoon na talaga ang itsura niya tuwing uwian. Pero doon lang siya napaisip at nagtaka... bakit si Sophia, at ang iba, mula pasukan hanggang uwian, fresh pa rin?

For the first time, in a while, bumagsak nanaman ang self-esteem ni Angela. She tried shaking it off before going back outside.

Nagtaka siya nung una kung bakit wala si Angelo sa table hanggang sa dumating ito mula sa direction kung nasaan ang counter. Once again, after thanking Sophia for the free lunch, nagpaalam ulit sila.

After a few steps away from the place, Angela gave the restaurant a one last glance. Hindi niya man sabihin, a tiny part of her felt jealous of girls like Sophia. Her heart sank nung napag-isip isip niyang baka 'yun ang dahilan kung bakit natatagalan siyang mag-warm up kay Sophia at hindi lang dahil sa nangyari aa kanila noon.

'Oo... 'Yon na nga ang dahilan.'

Nung una siyang makilala ni Angela, pansin niya agad na maganda siya, matalino, at popular sa lahat ng gawin nito. Pero nung mga panahon ding 'yon, walang kahit na anong inggit na nararamdaman si Angela dahil alam niyang despite ng lahat, hindi naman kahanga-hanga ang ugali nito (at least towards her). Bumalik naman tayo sa kasalukuyan, kabaligtaran na si Sophia ngayon. Of course her looks and status haven't changed (in fact, parang tumaas pa nga), but her attitude did a full 360° turn. Hindi sigurado si Angela kung dahil ba ito sa pagiging part niya ng SSG or what. Basta meron lang isang bagay na sigurado siya: wala na siyang dahilan para hindi magustuhan si Sophia.

Doon at doon, na-realize niyang siya ang mali all this time. She just became one of the kinds of people she really hates...

"Hoooy. Are you high?" kanina pa pala siya nakatunganga sa signage ng restaurant. "Did you forget something?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon