Chapter 5

857 12 1
                                    

Chapter 5

Ito na siguro ang pinaka-unang beses na nauna pang gumising si Angela bago pa tumunog ang alarm clock. Dati kasi, mas nauuna pa nitong gisingin ang tatay niya sa kabilang kwarto kaya napipilitan itong bumangon para gisingin naman siya. Kung hindi man siya hampasin ng unan, hihilain naman nito ang kumot niya at tututukan ng electric fan na naka-sagad ang setting.

Manginig-nginig tuloy siyang maglalakad papuntang CR para maligo.

But today is not one of those days...

Despite the fact na pang-hapon ang klase ni Angela, nale-late pa rin kasi siya dahil madalas mag-puyat gabi-gabi... Kaya 'yun ang ending. Anyway, excited na bumangon si Angela at naghanda para pumasok sa school. How could she not be excited when she knows she has a secret admirer waiting for her? This is also the reason kung bakit siya puyat kagabi.

Angela spent all night thinking about the many possibilities on who her secret admirer a.k.a. "CMV" might be... So far, she still doesn't have a clue.

Sa loob ng Wattpad book na nagsisilbing "mailbox" nilang dalawa, nag-ipit ulit si Angela ng folded piece of paper. Sa loob ng papel napagdesisyunan niyang isaulat ang isang maikling message sa kanyang sikretong taga-hanga (Naks, Tagalog).

Dear CMV,

Uuhm... Thank u nga pala para sa effort mo sa pagsulat ng letter for me. Nakaka-flatter sobra kasi 1st time ko lang na magkaroon ng secret admirer eh... Lol (0////0).

Thank u again and I hope to meet u soon!!!!

Love,
Angela Castillo

Kung alam niyo lang kung naka-ilang ulit siya sa pag-sulat ng ganoon kaikling paragraph... Nevermind.

Kailangan daw kasi "perfect" eh. Kahit kaunting erasures nga lang eh magre-restart nanaman siya sa pagsusulat. Sana pina-print niya na lang diba?

In the end, lumabas pa rin ang pagka-"Angela" ni Angela na kahit sa mga salita lang eh makikita ang pagka-romantic ng babaeng 'yon. Ewan ko ba kung bakit kahit man lang sa words, hindi niya pa rin kayang itago ang pagka-kilig. Sana na lang at hindi ma-weirdohan ang secret admirer niya if ever mahalata nitong may tendency siyang maging clingy.

"Angela, parang masyado ka yatang maaga ngayon," katatapos niya lang kumain nang pumasok sa kusina ang nanay niya.

"Ah... Eh, kasi may imi-meet ako before classes sa library eh," sagot ni Angela habang tinatago sa bag ang sinulat niyang letter na nire-re-check niya lang kung may mali.

"Sino? Si Angelo ba?"

"Uhm... Hindi ma."

Sh*t! Hindi pwedeng malaman ng parents niya na may secret admirer siya or else matinding sermon nanaman ang katumbas nito!

"Lalaki ba 'yan?"

"Yes?"

"Bakit parang hindi ka sigurado?"

"Eh kasi ma, parang may ibang ibig sabihin na 'yung tono ng pagkakatanong niyo eh," depensa ni Angela na totoo naman. "If kung boyfriend ko ba siya ang gusto mong malaman, don't worry kasi hindi."

'Hindi ko siya boyfriend... Secret admirer lang. Heheh.'

"Dapat lang, Angela," sagot ng nanay niya habang kinukuha ang susi mg kotse sa drawer. "Because your father and I will not allow you to have a boyfriend sa ngayon."

Nakaramdam ng inis si Angela dahil sa sinabi ng nanay but still managed to control herself. "Bakit naman? Eh si kuya nga grade 8 pa lang may girlfriend na yet akong grade 10 hindi niyo ia-allow?"

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon