Chapter 8

610 11 1
                                    

Chapter 8

.

.

.

"Hi tita!" Angela greeted cheerfully despite being exhausted after their trip from the mall.

"O, Angela, ikaw pala 'yan?" sabi ng babaeng naka-upo sa sala bago ibaling ang attention kay Angelo. "Anak, bakit hindi mo naman sinabing may bisita ka pala? Nakakahiya't ang gulo-gulo pa man din sa kwarto niyo."

Bago pa makapagsalita si Angela na ayos lang naman kung magulo at dapat nga siya pa ang mahiya kasi siya naman ang nagpapatulong kag Angelo sa project, lumabas mula sa kitchen ang isang lalaki.

"Anong meron? At sino 'tong bisitang sinasabi mo, ate?" tanong ng tito ni Angelo habang ina-adjust ang reading glasses niyang makapal ang pagkaka-frame. "Ay, 'yung inaanak ko lang pala. Angela, alam ba ng parents mong nandito ka?"

"Yes po."

"Ano bang gagawin niyong dalawa? Project?"

"Yes po."

"Sa taas ba kayo?"

This time, si Angelo naman ang nagsalita. "Sa taas po, tito."

Pagkalipas ng mahaba-habang interrogation mula sa tito ni Angelo a.k.a. ninong ni Angela, pinayagan na rin sila sa wakas nitong umakyat sa kwarto. Pero habang nasa kalagitnaan na ng hagdan, lumingon ulit si Angela one last time sa ninong niya at nagtanong.

"Ninong, 'yung pamasko ko nga pala last year... And last, last year, nasaan na?"

"This year ko na talaga ibibigay, anak," tinaas nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Promise na 'yan."

*

~*~

*

Matagal-tagal na rin ang huling beses na pumunta si Angela sa bahay ng best friend... Actually, ang huling beses ay for the same reason din — magpapatulong sa project. Ilang hakbang na lang sila papunta sa pinto ng kwarto nang marinig ang malakas na music galing dito. Tinignan niya si Angelo at nakita ang mabilis na pagbabago ng facial expression nito from normal to inis sabay ang pagbulong nito ng isang bad word.

Pasugod na naglakad si Angelo papunta sa pintong binuksan niya na may kasamang dabog. Sa sobrang bilis nga niya, halos hindi na siya nasundan ni Angela. Naabutan niya na lang itong ibinalibag ang bag sa sahig ng kwarto. Sabay nilang nakita ang isang lalaking nasa likod ng isang drum set at isa pang lalaking may hawak ng bass guitar habang sinasabayan nila ang tugtog galing sa katabi nitong malaking speaker.

Napabilib si Angela dahil first time lang niyang makakita ng live performance ng drums at bass kahit pa may pagka-basic lang ang sinasabayan nilang mga beat. Naka-harap ang drum set sa pader and so is the drummer behind it kaya hindi masyadong kita ang buong mukha. Ang bahista naman eh akala mo naman nagco-concert na dahil naka-pikit pa siya sa sobrang concentration. Nagagawa nilang sabayan ang kanta sa speaker pero hindi mo mapagkakailang parang nilalaro-laro lang nila ito. Simpleng jamming session lang kung baga. Lalong humanga si Angela dahil ang tinutugtog nila ay ang favorite OPM song niya na "Huling Sayaw" by Kamikazee. Tinignang mabuti ni Angela ang mga nasa likod ng instruments at saglit na napatanong sa sarili kung mga amateurs nga lang ba sila kasi pwedeng-pwede silang maging member ng isang boy band dahil sa mga itsura pa lang.

Hindi sila nito nakikita at hindi rin sila nito narinig pumasok sa kwarto. Masyado yatang naka-focus sa pagpa-practice.

"Hoy! Kuya!" sigaw ng galit na galit na Angelo pero hindi pa rin siya narinig. "Seriously?!" again, wa-epek. "Hoy! Tigilan niyo na 'yan! Mga epal talaga kayo!" dedma pa rin ang dalawa. "Ah, ganon? Ayaw niyo ah."

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon