Chapter 12

270 3 0
                                    

Chapter 12

.

.

.

"... 'Pag mas maganda, doon ang attention," she said, darkly. "Lahat na kakalimutan kapag may nagustuhan. Pati nga best friend... Diba?"

Angelo opened his mouth to speak and closed it and opened it again pero walang lumabas na salita except... "I don't like her that way."

Inikutan lang siya ng mga mata ni Angela bago nito ibaling ng tingin. For a moment, which felt like a long time, tahimik lang silang nagpatuloy sa paglalakad. Ang dahilan ng hindi pagsasalita ni Angela ay, obviously, nagta-tampururot nanaman ang babaeng 'yon. Habang ang reason naman ni Angelo kung bakit not once niyang tinigil ang mabigat na atmosphere between them like always ay walang iba kundi pure... Pagtataka. He would apologize like he always did pero paano nga siya magso-sorry eh wala naman siyang makitang kasalanan niya kahit saan pang anggulo niya tignan?

Finally, natigil sila sa paglalakad nang inuna ng traffic enforcer paandarin ang mga kotse bago sila padaanin.

"Ugh! Bakit kasi ang daming sasakyan?" she asked, clearly annoyed pero halatang hindi lahat ng annoyance niya ay galing purely from the fact na naantala ang paglaakad niya. "Late na 'ko eh."

"Why are you acting like this right now?" Angelo finally asked after not being able to figure it out by himself.

Hindi naman sumagot ang kausap niya at panay lang ang check sa suot-suot na wristwatch.

"Hey, I'm talking to you," his tone was becoming more and more serious. "Angela."

Again, no answer.

"Hey."

Once again, tumingin lang ito sa wristwatch niya na para namang mapapabilis niya ang oras kapag paulit-ulit niya itong ginawa.

"Angela, ano ba—"

Pumito ang traffic enforcer signaling them that they were allowed to cross. Mabilis na naglakad si Angela sa pedestrian lane. Pilit nilalayuan ang kaibigang sumusunod sa kanya.

Nagbibingi-bingihan na lang siya kahit alam niya namang tinatawag siya ni Angelo sa may likuran niya. She was walking so fast that Angelo almost couldn't keep up. Ilang hakbang na lang at nasa kabilang side na siya ng kalsada nang makarinig nanaman siya ng boses na kumukuha ng attention niya.

... But it was not her friend's.

"Hoy!"

Huli na niyang ma-realize na ang malakas na boses ay hindi galing sa may likuran niya kundi sa kaliwang side niya pala kung saan nagmumula ang direction ng traffic.

Mabilis lang ang mga sumunod na nangyari at ang huling naalala ni Angela ay ang kulay itim na motorsiklong sinasakyan ng pinanggalingan ng boses na narinig niya. Kahit pa sa isang kisap-mata lang ang lumipas, at naka-helmet pa ang rider, naaalala pa rin ni Angela ang pag-lock ng mga mata niya sa mga mata ng gulat na gulat na rider.

Totoo talaga na at those kinds of moments, parang nawala ka bigla sa sarili at imbes na tumakbo, o sumigaw man lang, maninigas ka na lang sa kinatatayuan mo na paramg hinihintay ang masamang mangyayari... That was until she was forcefully grabbed from her backpack. The momentum was so strong she ended up falling on her backside landing on the hard cement. Pero mas okay pa din 'yon kaysa masagasaan ng humaharurot na motorsiklo, diba?

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon