Chapter 3

1.1K 11 0
                                    

Chapter 3

Five days.

Five days na pinilit ni Angela na iwasan ang best friend niya pagkatapos ng mga sinabi nitong hindi magaganda sa kanya. Pero nung isang araw lang, hindi sinasadyang nagkatagpo ang mga landas nila sa hallway. Nagulat sila pareho lalo na si Angela na hindi alam kung paano siya tatakasan. Ano pa bang magagawa niya? Edi mabilis na lang siyang naglakad sa kabilang side ng hallway at halos patakbong lumayo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makakalimutan ang boses ni Angelo nang tawagin nito ang pangalan niya. Kunyari na lang at hindi niya ito narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad nang hindi man lang nililingon ang kaibigan.

Hindi pa kasi pwede. Hindi pa niya ito pwedeng kausapin dahil may kaunting galit pang natitira sa loob-loob ni Angela. Alam niya namang napaka-liit na dahilan siguro para sa iba ng pagtatampo niya sa best friend niya for so many years dahil lang sa mga libro pero para kay Angela, hindi lang kasi 'yon mga libro sa kanya.

Corny na kung corny, matuturing na kasing isa sa naka-lista sa bucket list niya ang... Magkaroon ng isang love story tulad ng mga nababasa niya sa Wattpad. Isang love story na sa sobrang perfect, hindi siya mahihiyang i-kwento ito sa mga magiging anak nila ng future husband niya na ike-kwento din nila hanggang sa kaapo-apohan pa nilang dalawa. Isang love story na baka balang araw ay ma-feature pa sa Wagas at for sure kikiligin to the bones ang mga nanonood. Isang love story na mas nakaka-kilig pa sa kahit sino pang usong love team na makikita sa T.V.

...Isang love story tulad ng mga pinagpupuyatan niyang basahin gabi-gabi sa kanyang cellphone.

'Last year ko na sa junior high. Kung hindi pa nagka-K12, baka hinding-hindi magkakatotoo ang dream kong magkaroon ng high school romance!' Angela thought to herself so many times.

*

~*~

*

Scince nanaman. Ang subject na pumapangalawa sa Math bilang pinaka-nakakaiyak na pag-aralan. Minsan — no— Madalas ngang napapatanong si Angela sa sarili kung ano bang sense ng mga pinag-aaralan nilang atoms-atoms, glands-glands at pati ang nananahimik na mga micro-organisms eh pinapakialaman pa nila. Buti sana kung katulad siya ng kuya niya na laging nananalo sa mga science quizbees. Pero hindi eh.

For so many instances, napapatanong din si Angela sa sarili kung ano kaya kung iba ang naging apelyido niya.

"Castillo."

Oo. 'Yun na nga. What if she was born with a completely different last name. Okay na kung hindi kagandahan basta huwag lang ang meron siya ngayon. Ano ba kasi ang meron sa apelyido niya at parang lahat na lang ng gagawin niya ay dapat naaayon dito?

"Ms. Castillo!"

Wait, ano daw?

"Ms. Castillo! Nandyan ba sa bintana ang tinuturo kong lesson?"

Napanganga na lang si Angela nang ma-realize na kanina pa pala siya pinagtitinginan ng buong classroom. Napansin na siguro ng teacher niya na nananaginip ng gising ang isa sa mga estudyante nito habang panay ang tap ng ballpen sa armchair niya.

"...Ma-Ma'am?" Angela asked dumbly. "A-Ano po 'yon, ma'am?"

Narinig niya ang pag-tawa ng ilan sa mga kaklase niya.

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon