Chapter 13

235 3 1
                                    

Chapter 13

.

.

.

"Hello, Angela Castillo."

"... H-Hi. Kumusta na?" the awkwardness was evident in her voice which was slightly higher than usual. "I't been a while since..."

"Since...?" hinintay niyang ituloy ng kausap ang sinasabi niya. "Since what, Angela?" tanong ulit nito kasabay ng taas ng isang kilay at ngiting hindi maintindihan ni Angela kung saan nanggagaling.

"Huh?" she shook her head. "Alam mo, nevermind. Kalimutan mo na 'yung sinabi ko. Sige, kitakits na lang next time," mabilis niyang sinabi bago dumaan sa harap ni Alvin para makapasok sa library. Halos hindi na nga marinig ang boses ni Angela nang mag-"excuse" ito habang dumadaan nang naka-bow pa nang kaunti.

"Angela," she cringed. "Since ipahiya mo 'ko sa harap ng maraming tao sa canteen? ... Is that what you mean?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Angela kasabay ng paglubog nito dahil sa matinding guilt na bigla niyang naramdaman. Sa sobrang tagal na ng pangyayaring 'yon, nakalimutan niya na yata kung bakit ba siya napuno at nagalit ng ganoon kay Alvin nung mga panahong 'yon.

She turned towards him slowly, afraid to meet his gaze. "Alvin, sorry sa ginawa ko sa'yo noon... Hindi ko naman talaga intensyong ipahiya ka eh. Sorry talaga. Hindi ko alam kung bakit hindi ko muna kinonsider 'yung feelings mo... Sorry."

She expected him to get mad. A tiny part of her optimistic side even wanted him to accept her apology and forgive her. Kaya ganun na lang ang pagtataka niya nang bigla niyang narinig ang pagpipigil nito ng tawa. Pagtingin niya, isang nakangiting Alvin ang nakita niyang nakasandal sa may pintuan ng library.

"A-Anong nakakatawa sa mga sinabi ko?" seryosong tanong ni Angela na sinagot naman ng tawa ng kausap niya.

Napalingon si Angela sa likod niya at nakita ang mga tao sa library, karamihan ay mga miyembro ng Supreme Student Government tulad ni Alvin, na pinapanood sila habang may pinagmimitingan yata.

She ignored them and went back to the guy standing at the door, trying to collect himself. "Alvin?"

"Sorry, Angela. It's just—" he let out another laugh. "I'm just... Flattered, I guess? That someone like you would apologize like that."

"Anong ibig mong sabihin."

Alvin looked behind Angela. Seeing na maraming nanonood at nakikinig sa dalawang taong nakaharang sa pinto, sumenyas si Alvin kay Angela na lumapit para sila-sila lang ang makakarinig ng usapan nila.

"Ang ibig kong sabihin, Angela."

"Ano?" she whispered back.

He moved closer to her ear to make sure na siya lang talaga ang makakarinig. "Who would have thougt that a bitch like you knew how to say sorry?"

Wide eyed, her mouth agape, it took Angela a second before  eing able to respond. "Ano—?"

"Alvin, pano pala natin gagawin 'yung activity report kay Sir? Para bukas na 'yon diba?" sabi ng isang lalaking SSG member na naka-upo sa isa sa mga malalapad na table ng library.

Nakakapagtaka ang biglang pagbabalik sa normal ng pananalita ni Alvin. By normal, meaning ang typical na tono at pagsasalita ng isang goody-two-shoes SSG Vice President na nakasanayan ng lahat. "Oh that? Don't worry, ako na bahala doon. Focus na lang kayo sa pagdi-distribute ng flyers."

"Really, kuya Alvin?" tanong ng isang girl.

"Kaya mo ba gawin 'yun mag-isa? Diba marami ka nang ginagawa?" tanong naman ng isa pa sa kanila.

Bookmark LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon