Chapter Nine
Dumilat ako upang tingnan ang sarili. Katatapos lamang akong lagyan ng make-up ng aking bagong make-up artist.
Nakita ko kung gaano kaayos ang kanyang ginawa. Masyadong makapal ang nilagay niya sa aking mga mata ngunit nagustuhan ko iyon dahil bumagay sa aking suot. Hindi masyadong halata ang lipstick sa akin ngunit nilapatan ito ng lipgloss upang kuminang.
"Are you ready, Olivia? The resident's photographer's already here." Banggit ni Joe, ang assistant ng producer.
"Yes." Salita ko.
Nandito kami ngayon ni Anthony sa isang studio para na naman sa isang photoshoot. Dumarami na ang kumukuha sa akin kaya medyo hectic na naman ang schedule pagtapos ng mahabang bakasyon.
They made me wear a baby pink off-shoulder knitted blouse at isang denim skirt. Nakasuot din ako ng itim na medyas na hanggang ilalim ng aking tuhod, pinaresan iyon ng isang puting converse na may heels.
"Good morning po." Bati ko sa mga tao.
Tumayo ako sa gitna ng puting pader. Medyo matagal pa akong naghintay dahil inayos nila ang lightning. Maging ang make-up artist ay pabalik-balik upang pumantay ang kulay ng mukha ko sa ilaw.
"All prepared!" Sigaw ng lightning director.
Nagkumpulan ang iba sa tapat ng malaking screen. Inayos ko ang pagkakatayo.
"I want you to look natural. Do whatever poses you want. Okay?" Sambit ng photographer. Tumango ako.
"Okay."
This should be easy dahil walang hinihingi na pose. I smiled at the camera at inilagay ang kanang kamay sa ilalim ng aking baba at ang isa naman ay nasa abdomen ko. I tried several expression with a single pose.
"Tilt your head a little. Chin down, please. We want to capture your eyes." Muling sabi ng direktor.
Ginawa ko ang kanyang sinabi. Ang sunod naman ay tumagilid ako ng kaunti. Hinangin ng malaking fan ang aking buhok at mabilis naman akong naka-adapt doon.
"Great! Very beautiful!" Papuri pa ng ibang nanonood.
"Change clothes now, please!"
Dali-dali akong pumasok sa loob ng dressing room. Dinaluhan ako ng stylist at agad na pinatanggal ang sapatos ko.
Isang itim na metallic leggings ang pinasuot sa akin. Ang taas ay isang navy blue na sweater. Pares ng boots ng suot kong sapatos.
"Take a seat, please."
Iniba ng make-up artist ang ayos ng aking buhok. Mula sa pagkakalugay ay itinali niya ang kalahati nito.
"Olivia!"
Nagulat ako sa sigaw ni Anthony kaya agad akong napatingin sa pintuan.
"I saw some pictures! You look beautiful!" Salita nito sa akin. Lumapit siya sa aking pwesto.
"Thank you, Anthony." Sagot ko.
Pinanood ko kung paanong kinulot ang ilalim ng aking buhok. Pinaalon iyon sa aking likod.
"Mukha naging maganda ang epekto ng bakasyon sayo." Puna nito sa akin.
Ngayon nalang ulit kami nagkita ni Anthony magmula ng higit isang linggong bakasyon. Halos tumalon pa ito nang makita ako dahil napansin niyang nagkalaman daw ako.
"You're done." Sambit ng nag-aayos ng aking buhok.
"Thanks."
Tumayo ako upang bumalik muli sa shooting area. Sumunod sa akin si Anthony.
YOU ARE READING
Gravity
General FictionShe did everything she could possibly do just to get the man of her dreams. She played it well. Her plan was greatly executed but was proven futile years after doing so. The man she wanted married another woman. Her heart was shattered and tortured...