Chapter Fifteen

11 1 0
                                    

Chapter Fifteen

Lumabas kami ni Anthony mula doon. Bitbit niya ang dala niyang laptop at kumakaway pa sa mga naka-meeting namin kanina lamang. I waited for him.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya nang mawala ang dami ng taong dumadaan. Tiningnan siya ako nang masama.

"Aba! Dapat magalang ka sa kanila dahil sila ang makakasama natin sa Batanes." Sambit nito sa akin. Kumunot naman ang noo.

Huminto ako sa paglalakad dahil hindi ko alam kung saan kaming sunod na pupunta. Alas-dose palang ng tanghali at wala na naman akong iba pang gagawin. Maybe I should start looking for my dress?

"Oh?" Takang salita niya sa akin.

"Nagpaalam naman ako nang maayos sa kanila kanina, Anthony. Saka, ihahatid mo na ba ako pauwi?" Sabi ko sa kanya.

"Oo! Bakit? May iba ka pa bang pupuntahan?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Malay mo may pupuntahan kang iba. Pero sige. Ihatid mo na ako sa condo para makapagpahinga ako." Salita ko sa kanya.

Naisip ko ang muling pagpunta sa aking dermatologist. Kailangan ko na yatang magpa-face scrub dahil masyado akong na-stress sa mga nakaraang araw. Inisip kong tawagan muna iyon bago puntahan.

Pagbalik sa condo ay gumawa ako ng pananghalian. Dumaan muna ako saglit sa grocery store sa ibaba para bumili ng mga pagkain. I just made myself a simple sandwich at nanood nalang ako ng movies maghapon.

Nang maalala ko ang pagpunta sa aking derma ay tinawagan ko iyon. Ang sabi'y libre siya mamayang ala-singko ng hapon kaya pumayag ako. Siguro ay magpapa-massage na rin ako para marelax.

Nagligo akong muli at nag-ayos ng sarili. I wore a pair of white pants and a simple black blouse. Naglagay ako ng kaunting make-up bago lumabas ng kwarto para magsuot ng sapatos.

Kinuha ko ang cellphone at wallet ko na nakalapag malapit sa television table. Pinatay ko ang ilaw sa bahay at lumabas na. Pero agad din akong napaatras nang sumalpak sa matipunong dibdib ng isang lalaki.

"You're going out?" Panimula nito sa akin.

"Bakit ba paharang-harang ka dyan! Lalabas ako! Aalis! Pupuntang clinic!" Sagot ko rito. Bumaba ang tingin niya sa akin at kinunutan ako ng noo.

"Ano?" Tanong ko. Nanatili siyang nakatingin.

"I'm not sure I understood what you said. Except for 'Ano?'" Sagot niya sa akin.

Oo nga pala. Hindi nga pala nakakaintindi ito ng Filipino. Katulad na katulad ng pinsan niya.

"What are you doing here, Tyler?" Sambit ko habang isinasara ang pintuan ng unit ko.

Humarap ako sa kanya. He's still in his office attire, minus the coat, of course. Medyo loose na ang necktie na suot nito. Anong ginagawa nito dito?

"I am visiting you. You're not answering any phone call. What do you expect?" Salita nito.

Naglakad ako patungo sa elevator at sumunod naman siya. I pushed the down button at hinintay na bumukas ang lift.

"And why are you visiting me? We just saw each other yesterday." Sabi ko rito. Pasimple kong sinulyapan ang aking cellphone at nakitang may tatlong missed call doon.

"I just want to see you. Where are you going again? I'm not sure you told me yet." He asked me.

Pumasok ako sa loob ng elevator. Naglakad ito patungo sa gilid ko at siya na mismo ang pumindot ng button para sa basement. Pinanood ko siyang gawin iyon.

GravityWhere stories live. Discover now