Chapter Seventeen

9 1 0
                                    

Chapter Seventeen

Nag-selfie pa ako sa loob ng silid na iyon habang inaayos ni Angelica ang nga gamit niya. I posted some on my social media accounts.

Sobrang busy ako sa pagsasagot sa tweets ng aking mga fans nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking sikmura. I looked at the time, 3 na ng hapon!

"Balik na tayo sa kabilang room, Miss. Baka hinihintay ka na nila." Salita ni Angelica sa aking likod. Tumayo ako sa tapat ng vanity mirror niya at sabay kaming lumabas ng silid na iyon.

I was very thankful that the other room had foods. Mukhang nagpadeliver sila dahil ang daming naka-foil na pagkain sa isang lamesa.

"Wow! Good job, Angelica!" Sambit ni Rose sa di kalayuan.

"Kain tayo, Miss. Nagpadeliver kami para sayo." Anyaya sa akin ng isa pang tauhan doon. Tumango ako.

I should watch my food now. Dahil tapos na akong sukatan, I should stay on my size. Baka mahirapan  pa kami sa shooting.

A guy handed me a plastic plate and fork. May isang bilao doon ng Palabok at Spaghetti. Kinuhaan ko iyon parehas dahil sa gutom ko.

My eyes wandered the room. Still, walang sign ng kahit na ano sa magaling kong manager. Sana ay sinambit niya nalang na magdala ako ng sariling kotse! Mahihirapan pa yata ako ngayon.

"Yan lang ang kinuha mo? Damihan mo pa." Sambit sa akin ni Ariana nang mapansing kaunti lang ang kinuha ko.

"I need to diet. Baka hindi magkasya sa akin ang gagawin mong dress." Sagot ko rito. Tumawa siya sa akin.

"You can burn them out." Suhestiyon niya.

I watched them interact as they with each other. They looked very happy. I had never been surrounded with this kind of people.

Isang oras pa akong tumambay doon kahit tapos na ako sa aking pagkain. Hinihintay ko ang text ni Anthony para sabihing nasa ibaba lang siya at naghihintay para ihatid ako sa bahay. Ngunit walang dumating na text mula sa kanya.

"Thank you po sa lahat ng effort niyo. I promise to stay fit and to do my very best sa shooting." Paalam ko sa kanila nang nagpasya akong umalis na.

"It's always our pleasure, Miss Olivia! Thank you rin!"

Masaya akong lumabas ng room na iyon. Nag-elevator ako sa pagkakataong ito. Umaasa pa rin ako na sana ay nasa ibaba lang si Anthony at hinihintay ako. Ngunit pagbukas ng lift sa ground floor ay wala man lang katao-tao doon maliban sa guard na nagbabantay.

Goddammit, Anthony!

Lumapit ako sa guard. He instantly noticed me. "Good afternoon, Olivia." Bati nito.

"Hello, kuya. Napansin niyo po ba si Anthony?" Tanong ko rito.

"Umalis agad kaninang paghatid sa inyo, ma'am. Mukhang mainit ang ulo. Hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon, eh." Sagot nito.

Damn it!

"Thank you po." Pasasalamat ko bago napiling umupo muna sa sofa doon.

Saan naman kaya napadpad ang manager kong iyon? Siya kaya ang isumbong ko kay Miss Luisa dahil hindi niya inaayos ang trabaho niya!

Nagngingitngit ako sa galit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon.

Unregistered number ang nakalagay doon pero sinagot ko pa rin. Malay ko ba at baka nag-iba pala ng number si Anthony.

"Hello?" Salita ko sa kabilang linya.

"Hey, Olivia, are you home?" Kumunot ang noo ko sa boses na narinig.

GravityWhere stories live. Discover now