Chapter Ten

11 1 0
                                    

Chapter Ten

Agad akong napadilat mula sa aking napanaginipan. Umupo ako at binuksan ang ilaw ng lampshade sa gilid ng aking kama.

I dreamt of it again. After all the years that came and passed, I dreamt of those eyes again.

Umiling ako at muling nahiga. I checked my phone at nakitang ala-singko na ng umaga. Anthony said he'd pick me up at nine para sa isang audition. He thought that maybe it's time for me to move.

I still had plenty of hours to sleep. Ngunit kahit nakakahalina iyon at kahit mabigat pa ang aking mga mata, napili kong bumangon na upang mag-jogging.

I washed my face and brushed my teeth in the bathroom. Nagsuot ako ng isang spaghetti strap at pinatungan ito ng jacket. I paired it with a jogger shorts at lumabas na ng kwarto para magsuot ng sapatos.

Napatigil ako nang mapadpad sa sala. My eyes flew to the white sofa. Bumalik sa aking isipan ang sinabi ni Clifford Tyler kagabi.

Umismid ako. Hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil masisira lamang ang umaga ko. I should think of better things.

Lumabas ako sa condo at napansing medyo lumiliwanag na. It's safe to go outside the vicinity of my condo building.

Nagsimula akong mag-warm up. I streched my arms and my legs, even my neck. Dahil kapag hindi ako nag-stretching, malamang ay gagapang ako papunta kay Anthony mamaya.

I started with a slow pacing. Nagpaikot-ikot ako sandali sa building namin. Nang ginanahan ay binilisan ko at lumabas na ako.

"Good morning, ma'am!" Bati ng guard na nadaanan ko. I slowed down a little bit and greeted him too.

"Good morning, manong!" Nakangiti kong bati.

Bumulaga sa akin sa labas ang iba pang mga nagja-jogging. Ang iba'y may mga kasama at ang iba naman ay mag-isa lang katulad ko.

I jogged and lagged behind other people. Itinaas ko ang hood ng aking jacket upang hindi ako maging pansinin.

Tumakbo ako hanggang sa mapadpad sa isang park na may mga nagzu-Zumba. I stopped to take deep breaths dahil sa layo ng tinakbo ko.

I sat on one of the benches. Nagpunas ako ng pawis at saglit na pinanood ang mga sumasayaw. I guessed I should try Zumba some other time.

I watched people do their own things. Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Bumalik ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin.

"Hello, Anthony?" Salita ko sa kabilang linya.

"I'm going to your unit to pick you up. Siguraduhin mo lang na tapos ka nang mag-ayos." Pagbabanta nito sa akin.

Tiningnan ko ang oras at nakitang alas-siyete na. Wow. Ang tagal ko yatang tumunganga?

"Wag kang OA. Nasa park ako dahil sa pagja-jogging. And it's only seven in the morning!" Sagot ko ngunit tumayo na para muling mag-jogging pabalik.

"Whatever! Be sure na aalis talaga tayo ng saktong 9!"

Iyon lang ang sinabi ni manager kong bading bago ibinaba ang telepono. I shook my head.

Tumakbo muli ako pabalik sa aking unit. Malapit na sana ako nang may makasalubong. Hindi ko na sana papansinin ngunit nakilala pa yata ako dahil humarang pa talaga sa daraanan ko.

"Olivia?" Tanong ng lalaki. I removed my hood and faced him.

"Hey... Manuel." Hinihingal ko pang sambit. He smiled at me.

Life must have been so good to him, huh?

"Long time no see." Salita niya na para bang sobrang close kami.

GravityWhere stories live. Discover now