Chapter Twelve

17 1 0
                                    

Chapter Twelve

Umalis din agad ang kapatid ko nang masigurong ayos ako. Medyo galit marahil hindi ako nagsabi kung kumusta ang aking lagay.

Naghanda ako para sa sinasabing audition ni Anthony. He took me to the place. I saw a long line ahead of me. Naglingunan ang mga tao sa aking gawi nang pumasok ako.

"Let's go this way, Olivia." Bulong ni Anthony.

Sumunod ako sa kanya at tahimik naming tinahak ang daanan papunta sa audition room.

The director smiled widely at the sight of me. Sinalubong niya kami ni Anthony bago pa ako pumasok sa loob.

"Just in time! Anthony, Olivia.." Ani Maritess Castado, ang isa sa mga magagaling na direktor sa Pilipinas.

Niyakap niya ang manager ko bago ako binalingan upang makipagbeso. Ngumiti ako ng panis.

"I've been waiting for you. Wala pa rin akong natitipuhan sa mga nag-audition. Maybe the project's really meant for you." Sambit nito sa akin.

Kahit na sabihing gustong-gusto kong makuha ang role ay pinilit ko ang sariling magmukhang normal.

Bumalik sa sariling lamesa si Direk Maritess. Kasama niya doon ang scriptwriter, producer, at ang iba pang kalahok sa paggawa ng palabas na ito. They all eyed me as I walked in front of the camera. My manager stood on the corner of the room.

I introduced myself to them. Ilang sandali pa ay sinambit ko ang mga linyang ilang linggo kong kinabisado sa harapan ng aking sariling silid.

"I can't remember the last time I felt this way. I just - I just hope that this will fade as the time passes by..."

Patapos na ako nang tumaas ang kamay ng isang lalaking medyo may katandaan na. He looked at his papers and scanned them. Nang nilingon ako ay tinanggal nito ang salamin sa mata.

"I like the way you speak the lines. I also like your expression... May ilan pa akong linya na nais ipaakto sa iyo. Ayos lang ba?" Tanong nito sa akin. Tumango ako. A few lines wouldn't hurt.

I approached his table. Binigyan niya ako ng limang linya.

"Ako ang makakabatuhan mo ng salita. Sabihan mo lamang kami kapag kabisado mo na."

Binasa ko ang nakasulat. Medyo mahaba ang pangatlong paragraph kaya doon ako medyo natagalan. Nang makabisado ang mga iyon ay bumalik akong muli sa harap ng camera.

"Okay. Whenever you're ready." Salita ng direktor.

Natapos ang audition ko pagkalipas ng isa't kalahating oras. Labis ang mga ngiti ng apat na taong nakaupo sa likod ng lamesa. Maging ang cameraman ay malaki ang ngisi.

"We'll just call your manager if you get the role. Thank you for your time, Olivia. Anthony..."

Lumabas kami ni Anthony sa kwartong iyon.

"Ang galing mo doon, Olivia. Parang kinareer mo na. Pak na pak!" Sambit ng manager kong bakla. Nilingon ko ito.

"Alam mong wala akong masyadong ginawa nitong mga nakalipas na araw. I drowned myself in memorizing the script." Salita ko.

Naglakad kami patungo sa parking lot. I immediately hopped inside dahil napansin ko ang mga taong sumusunod sa likod ko.

"Well, I hope you get the lead role. Pero bakit nga naman hindi? Tapos na ang mga araw na kontrabida ka lang." Mariin ang pagkakasabi ni Anthony. I glared at him and he just laughed at me.

Oo nga pala. I was once the biggest antagonist of a perfect love story.

Ako nga pala yung laging humihingi ng pansin noon. Ako yung namimilit, yung naninira ng buhay ng iba para sa sariling kapakanan. Hindi ako makapaniwalang halos lumuhod ako para lang makuha ang nais ko. Only, my sacrifices and efforts were never appreciated.

GravityWhere stories live. Discover now