Chapter Sixteen

13 1 0
                                    

Chapter Sixteen

Halos umikot ng 360 degrees ang mga mata ko dahil sa nakikita. I tried looking away pero hindi ko talaga magawa dahil binabantayan ko ang kamay ng babaeng nagmamasahe sa hubad at matipunong likod ni Clifford Tyler. Hindi ko mabilang kung pang-ilang irap ko na ito.

At ito namang kasama ko, mukhang sarap na sarap pa! Nakasubsob ang mukha niya sa aming hinihigaan habang ako ay talagang nakasilip sa kanya. Imbes naman talaga na makapagpahinga ako ay naiimbyerna pa ako!

Iniwanan kami saglit ng dalawang therapists. Nanatili akong nakadapa dahil parang hindi ko naman naramdaman ang bawat diin ng kamay ng babae sa aking likod kanina. I looked away from his muscular back and closed my eyes. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nakaidlip yata ako saglit dahil para akong naalimpungatan nang marinig ang mumunting galaw sa tabi ko. I heard the shuffling from somewhere bago ko naramdaman na may humawak sa likod ko.

The palm was calloused. Halos bumaliktad ako nang nawala iyon. May hinila siya mula sa aking baba at nilapatan ang likod ko ng towel. Lumingon ako para tingnan iyon.

Clifford Tyler was standing beside me. Nakasilip ito sa akin. I noticed that he's now wearing his white bathrobe.

"I don't mean to disturb you." Salita nito sa akin.

"No. It's okay." Banggit ko sa kanya.

I gripped the towel tightly to my chest and tried sitting upright. Pinanood lang ako ni Clifford Tyler na gawin iyon. Nalaglag ang towel sa likod ko, I suddenly felt the cold air touched my back.

Lumayo siya sa akin. I thought he's going out of the room pero naramdaman ko ang pagbuhol niya ng towel mula sa aking likod. He then handed me my own bathrobe.

"Thanks." I murmured. Dali-dali kong isinuot iyon.

It's very awkward. Hindi ko alam kung saan titingin o kung anong gagawin ko nang maitali ko ang bathrobe sa katawan.

"I'll just change." Sambit nito sa gitna ng nakabibinging katahimikan. Tumango lamang ako dahil hindi ko alam ang dapat sabihin.

Nagbihis din ako ng damit. Kaya naman pagbalik niya'y nakaayos na rin ako.

He looked at me from head to toe. "What's your next appointment?" Tanong nito sa akin.

"I'm done for today."

He opened the door for me. Nauna akong lumabas sa kanya. Malayo palang ay nakikita ko na si Mariel na nakikipag-usap pa rin sa babaeng nasa likod ng counter.

I approached her. "Mariel." Tawag ko rito. She looked at me. Pero agad ding lumipad ang tingin nito sa likod ko.

"Oh. Tapos na agad?" Puna niya.

"Oo." Sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa counter para makapagbayad. I was rummaging through my things for my credit card when Clifford Tyler suddenly put his card on the counter table.

Napanganga ako. What? Tiningnan ko siya. Doon ko napansing nakanganga rin pala ang babaeng nasa counter. Ganoon din si Mariel.

"I'm paying for this." Salita niya sa akin.

Inabot ng babae ang itim na card ni Clifford Tyler. Tila hindi pa rin makapaniwala iyon.

"Pirma nalang po, sir." Inabot ng babae ang isang receipt at ballpen kay Tyler.

He signed on it. Kitang-kita ko kung paano siya nagsulat doon. It showed the veins on his arm.

"Let's go." Yaya sa akin ni Tyler nang maibalik sa kanya ang card. Nginitian niya si Mariel bago ako hinawakan sa kamay at hinatak.

GravityWhere stories live. Discover now