--
R U S S E L L (pointofview)"She's really pretty bro!" Sabi ko sa kanya.
Sumang-ayon naman sila.
"Yeh, She's like a bubbly lil' sister!" Tawa ni Neil.
Katatapos lang namin sa shoot. And seems like busy parin sa pagtuturo ng mga to do's ng bagong P.A si Manager Ja.
"Pero bro, she'll gonna start her work tomorrow." Sabi nya sa tonong nag-aalala.
"Oh? e ano naman?" Singit ni Ford.
"Kaya nga, ayaw mo ba? Napilitan ka lang? Dapat sinabi mo agad." Isa pang singit ni Tristan.
"Gagi hinde. Birthday nya kase bukas. 18th birthday to be exact." Sagot ni Joao
"Eh?" - Neil
"Yeh. Eh may klase sya sa umaga then diretso sya dito, saken. How she'll gonna celebrate it then?"
"Oo nga naman. Special ang 18th birthday para sa mga girls." Sabi ko.
"That's why I'm thinking of.. Having a simple celebration for her. Tomorrow." - Joao
"Nice bro! Well, call ako dyan." - Ford
"Syempre call din kame! Di ba Russ?" Baling ni Neil saken.
"All for you, babe." Asar ko sakanya na waring kiniss ko pa sya.
"Hayp yan bro, mandiri ka naman. Tss." Pikon. Hahaha
"Okay, okay! So it's set. Tomorrow. Then maybe it could goes like this... "
E N D
//End of the character's (Russell) POV. Back to default (Aein's)--
Mga 7:30pm ako nakauwi kagabi. Pagtapos ako paliwanagan ni Ms Ja at matapos din ang shoot ng mga boys ay nagpahinga muna kami. Dun sa dressingroom nila, bumili ng mga snacks na pwedeng makain at yon, nagkwentuhan. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil masarap sila kasama at kausap o maiinis dahil anlalakas mang-asar. Lalo na yung Neil na 'yon. Wengya
But then syempre, nangingibabaw yung tuwa. Yung feeling na makakasama ko sila madalas. Para ko lang silang tropa. Yun ang turing nila sakin e. Mga natural na asaran, kantyawan, tawanan, kwentuhan.
Hindi na nga rin ako masyadong nakakaramdam ng awkwardness sa kanila, kay Joao. Such a great feeling. <3
So eto nga, lastsubject na namen at inaantay lang yung prof na almost 10mins late na.
--
Palabas na'ko ng university dahil syempre, tapos na ang klase.Deym! First day sa work.
Tinuro na din saken ni Ms Ja kahapon ang magiging sakay ko. Bale ang studio nila mismo ang venue ngayon. Sakay lang akong fx, sabihin sa driver, bababa ka sa may kanto, diretso lang tas grey gate #16.
Pero hindi pa ko nakakalayo sa gate ng school ay tanaw ko ang isang pamilyar na sasakyan. Tumawid ako sa kabilang side ng kalsada dahil dun malilim.
At tama nga ang nakita ko, same exact place at same time na uwian ko den. Ang sasakyan nila Ms Ja.
"Aein.." Bungad ni Mang Cris, yung driver.
"Manong.. Ba't po kayo nandito?" Tanong ko.
"Pinapunta ako nila dito. Sunduin daw kita." Sagot nya.
"Eh, wala namang nasabi si Ms Ja kahapon. Saka naturo nadin nya ang daan papunta dun." Taka ko.
"Haya'e na iha, halika na. Inaantay kana nila." Sabi nya.
Sumakay na rin ako para makaalis na kami. Sabagay unang beses ko palang pupunta doon.
--
(Ang description sa lugar ay mula pagbaba ng sasakyan hanggang pagpasok.)
Sa pagbusina ni Mang Cris ilang saglit ay bumukas ang gate. Kasya lang ang sasakyan kaya mukhang garahe lang ang may gate at may mas maliit o mas makitid na gate sa tabi nito sa kanan na kasya ang tao kaya mukhang gate para sa tao. Haha, oo nalang.Pader ang gilid banda sa kaliwa nito at banda naman sa kanan ay malalaking halaman at bulaklak. Bumaba ako ng sasakyan at sumunod lang ako kay Mang Cris at dumaan sa gilid tabi ng mga halaman. At dun makikita ang isang pool. Malaki namang pool. Sa kabilang banda ay may mga bench at tables. Lingon ka sa kaliwa at don makikita ang entrance. An openspace entrance. Pagpasok namin ay malawak nga talaga. Sa gilid ay may mga shelfs at estante. Banda dun sa dulo ay sofa centered with a centertable, gilid ay ang tv. Sagad sa pader. Tapat ng sofa set sa kaliwa ay hallway na may mga kwarto o pinto sa kanan tatlo at tatlo din sa kaliwa. Isa namang blurdy glass door sa dulo.
"Dun tayo." Aya sakin ni Mang Cris. Ngayon ko naman napansin na weird ang ngiti ni Manong. Akala ko natural lang.
Naglakad kami hanggang dulo hanggang sa makarating sa glassdoor. Hindi ko naman maaninag ang nasa loob dahil nga blurry ito. Iginiya nya ako sa tapat ng pinto, at pumwesto sya sa gilid hawak ang handle para buksan para sakin ang pinto.
---
BINABASA MO ANG
The Personal Ass
FanfictionHere's to every girl who drools over Joao Constancia! 😍 Cheers to us! ❤ We could all daydream and Imagine to be the girl in the story as sky is the limit! <3 Hehez. Peace out! 💕 - - -