6th.

166 8 0
                                    

"May iba sayo."
Napalingon ako dahil nabigla ako nang biglang sabi ng taong nakaupo sa upuan sa harap ko, si Ashe.

Nakadungaw kase ako sa glass window. Ang pwesto ko ay syempre banda sa gilid ng room na'to banda sa dulo tabi ang bintana. Tanaw dito ang malaking bermuda grassy space sa labas. At banda doon pa, pinapanood ang ilang mga lalaking naglalaro sa soccerfield. At banda doon pa tabi ng soccerfield ang coveredcourt. Hindi ko na tanaw yon syempre hehe

May pagtataka ko syang tinignan.

"Oo nga girl, tama sya." Gatong pa ng katabi ko sa kanan na si Nikki.

"Baket? Anong  problema?" Tanong ko sa kanila.

"Wala namang problema doon, pero.. Wala, parang.. Ano kase, parang good mood na good mood ka. Iba lang ngayon."

"Ahh.." Mukhang alam ko na ang tinutukoy nila. Nangiti naman  tuloy ako.

"Kita mo! Ayan oh. Aynako, share mo naman yan girrrl!" Sabi ni Ashe.

"Yep! Parang di naman classmates!" Kunwari pang pagtatampo ni Nikki.

Malapit naman ako sa mga classmates ko. Lahat sila nakakasama ko, nakakasundo. Parang iisang barkadahan lang din naman kami. Pero siguro, wala akong masasabi o matuturing na mga o na bestfriend/s. Hindi sa may plastikang nagaganap o anuman, mababait sila. Supeeer! Kaya nga swerte ko narin sa block section na'to. Yung nag-iisang bestfriend ko kase, she left  the country. Hindi sa ayoko syang palitan, pero mas okay na ako sa maraming natuturing na kaibigan.
And for personal reasons, minsan mas gusto kong mag-isa. Basta, ewan, ganon.

"Let's say, I just had the best day and the greatest gift ever, yesterday." Ngiti ko sakanila.

"Aweh? Ano yon 'day?" Tanong ni Nikki.

"Hmm, isang kaibigan na nag-ayos at nagsagawa ng isang mini debut celebration para saken kahapon."

"Nakakatampo, may party ka pala kahapon di man lang kami na-inivite." Sabi ulit ni Nikki ng may pagpout at crossarms pa.

"Kaya nga. Hays" - Ashe.

"Sorry na agad. Eh hindi ko nga din alam ang tungkol dun e. Ginulat lang din ako. Surprise party. Pero sobrang sayaaa!" Sabi ko.

"Hmp! Pero okay yan. Atleast masaya naman ang naging 18th mo kahapon. We're happy for you." Ngiti ni Nikki saken na sinang-ayunan naman ni Ashe.

"Thankyouuu!" Sabi ko sakanila.

Sabay naman ay tila huling pagkikita na namin na kunwari mga naluluha at niyakap nila ako. May pag-"awwww" pa. Natawa ako sakanila. Mga baluga.

Mukha namang naagaw namin ang atensyon ng iba naming kaklase.

"Ey ey hey! Ano yan? Sali kameeee!" Biro ni Chai na unang nakakita samen.

"Aein dear! Sama ka mamaya, Mall tayo!" Aya nya.

"Aw. Hindi ako pwede. May part time ako e." Sagot ko.

"Ay? Sayang naman. Lilibre ka pa naman namen mga tatlong BFF fries tas sayo lang." Pang-asar nya. Sus, Isa kase ako sa samahan ng mga fav ang fries.

"Asus Chai! Anlakas ng loob. Palibhasa hindi ako makakasama." Ngiwi kong natatawa sakanya.

"Hahahaha! Oy seryoso kaya! Kaso sayang talaga." Tawa nya.

Bigla naman ay bumukas ang pinto. Andito na ang prof. Nagsiayos na kami ng upo.


--
Okay! So this is gonna be the real first day! God bless. Haha!

Paglabas ko syempre pumuntang sakayan pa-studio. Wala namang sinabi o ininform ako na nasa ibang lugar sila kaya palagay ko andun naman sila.



Pagpasok ko ng sala ay andon nakaupo sa sofa si Ms Ja habang nagbabasa ng magazine ata. Dumiretso ako sa kanya at umupo sa tabi nya.

"San sila Ms Ja?" Tanong ko.

"Nagrerehearse." Simpleng sagot nya.

Napatango naman ako. At saka ay tumayo na. At dumiretso sa dulong kwarto kung saan sila nagrerehearse.

Habang papalapit ako ay ramdam at dinig ko na ang soundsystem sa loob.

Hawak ang handle ng glassdoor, binuksan ng kaunti, pumasok at sinara ng dahan.

Syempre ayokong makaistorbo.

Kaso pagtingin ko sakanila ay mga nakatingin sakin. At mga nakangiti. O nakangisi.

Napatulala lang ako. Iniisip kung anong problema ng mga 'to. Hindi naman bawal pumasok dito kahit pa nagpapractice sila. Ramdam ko tuloy ang pamumula ko.

Ilang saglit ay lumapit sakin ang nasa harap na lalaking naka-eyeglasses, mukhang ang choreo nila.

"You must be Aein. Belated Happy 18th Birthday." Ngiti nya.

Lah. Nahiya naman ako.

"Ahehe, s-salamat po." May pagyuko pa ako. Haha wengya

"You're welcome." Mas matamis na ngiti nya.

Tapos ay bumalik na sya sa harap, nire-start ang sound at pumalakpak saka ay nagpatuloy na ulit sila. Nakita ko pa ang ngiti saken ni Joao. Napangiti din ako. Haha nemern

Pawis na sya. Pawis na sila. Mukhang kanina pa sila.

Papalabas na ulit muna sana ako pero napansin ko na andon na sa gilid ang mga pakay ko. Ang mga bag nila kasama ang bag ni Joao.

Dumiretso na ako dun sa gilid at naupo. Kinuha ang tumbler sa loob ng bag ni Joao at nilagyan ng tubig mula sa water dispenser na narito.

Saka bumalik at kinuha naman ang towel sa bag nya. Syempre kailangan nya 'to.

Para naman sa apat pa na kumag dito (hehehe peace!) ay kinuha ko na ang mga towel sa bag nila, nilabas at pinatong sa mga bag nila para madaling kunin at kumuha narin ng tubig.

Ngayon naman ay nakasandal na ako at diretso ang tingin, kay master. ❤ Haha sakto kase ng pwesto nya saken.

Hays, ang ganda ng view. ❤


Hindi ko na napansin kung ilang minuto o oras sila bago natapos.

Mabilis naman ay kinuha ko na ang towel at tubig saka iniaabot sa papalapit na si Joao.

Inabot nya ito pero umupo at nag-indianseat din sya sa harap ko. Shet, pawis na ang bago paren. Lugeeeee! Joke

"Thanks." Ngiti nya.

Nangiti nalang din ako.

Nakatingin lang ako sakanya habang umiinom ng tubig. Shet na malagket, yung adam's apple namaaan! 😍

Hangga't maaari pinipigilan kong masyadong magnasa at magdaydream sakanya baka di na ako makabalik sa tino. Haha

Napansin kong nakatingin sya sa damit ko.

Nang matapos uminom, pinunas ang tubig na tumulo sa bibig.

"Saan ka galing?" Tanong nya.

"Sa school. Saturday ngayon, wash day." Sagot ko.

Tila naman nalinawan sya at napatango. "Hm okay okay."

Nanibago siguro sya. Nakashirt at jeans kase ako ngayon sakabila ng naka-uniform ako these past few days.

"Maybe I should go take a bath? What d'you think?" Tanong nya.

"Yeh. Ikaw bahala. Much better. Para fresh." Ngiti ko.

"Okay. Ligo lang ako. Haha" paalam nya.

---

The Personal AssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon