This week is sooooo tiring! Haaaaays! Call time ng almost 3am then byahe kung saan saan dahil BANDA RITO may guesting, BANDA ROON may interview, BANDA DYAN may mallshow at BANDAAAA! Hahaha wews
Ayon nga, naintroduce na kase at its a week since ng narelease ang album nila. Kahit pagod, kita ko ang saya nila kaya suporta nalang ang maibibigay namin. :)
Today guesting ang pagkakaabalahan nila. Malay ko na kung anong talk show ba yon. Basta.
"Everything's ready?" Tanong ni Ms Ja.
"Ofcourse!" Pagsang-ayon nila.
- -
A live talk show. Named Daughter & Dad. Dad pero sa nakikita e tagilid ang lalaking nakaupo sa harap nagrerehearse habang inaayusan. Alam nyo naman na siguro ibig kong sabihin sa tagilid, may pagka-vakler. Yon. Katabi nya nama'y mukhang ang daughter, isang babaeng kasing edad ko lang yata. Balingkinitan, maputi.. Di maganda maputi lang sya. Lol hehehe
Same with the dad inaayusan din at nagrerehearse sya.They are accompanied with a table, typical na table sa mga talkshow. Then sa harap nila ang sofa kung saan nakaupo ang boys na nag-uusap lang, bahagyang magtatawanan, iniintay na mag-roll na ang camera.
Syempre medyo slant sila para kita sa camera, then yon nga magkaharapan sila. Leftside ang hosts at rightside ang boys.
Sa magkabilang side ay ang mga audience na sumatotal e mukhang isandaan sila lahat dito, na mostly e syempre, girls.
Andito lang ako sa harap nila banda sa likod, malapit sa ilang cameramen. Nakahalukipkip, kasama ang ilang staffs ng show na ito at si Ms Ja na nakaupo sa upuan katabi ko.
"Okay, okay! Camera rolls in a minute! Get everything's ready!" Sigaw ng director ata.
"Camera ready!" Sigaw ulit ng kanina din sumigaw. Katabi sya ng cameraman na nasa gitna at nakatingin din sa monitor.
"In 3.. 2.. 1.. Action!"
Pinangunahan ito ng palakpakan at sigawan ng mga audience.
"Good afternoon our dear televiewers! At sa mga kasama natin dito sa studio, ayan!" Masiglang bati ng Dad.
"Welcome to, Dad.." Matinis na sabi ng dalagita sabay ang turo nya sa dad nya kuno.
"And daughter!" Turo naman din ng dad sa daughter. Sabay ang palakpak nila kasabay ng audience.
Psh. Corny.
"Dadeeee! I'm so kilig todaaay! Myghaaaad! Sabay lapat at hawak pa nya sa mga pisngi nya na bahagyang namumula. Kilig nga.
"And and! Ofcourse hindi lang ako, I'm sure pati ang mga manonood natin at ang mga kasama nating super faaaaans! Wiiiih!" Hyper nya. Sabay naman ang sigawan din ng audience.
"Sya namang talaga nakshie. Ramdam ang wildness at intense dito sa studio!" Dagdag ng dad.
"Paano ba naman, kasama natin ngayong araw ang one of the hottest na talagang mainit init pa," Tigil nya saglit sabay nagtinginan sila ng dalagita.
"Ang BOYBANDHP!" [Yes HP. Harry Potter. Charot!] Sabay na sabi nila. At syempre, ang sigawan nga ng audience.
"Yo, yo! Hello!"
"Magandang hapon po!"
"Hello, goodafternoon everyone!"
Mga bati nila.
Btw, ang pwesto nilang nakaupo ay si Ford - Russell - Tristan - Joao - Neil.
"So, so! Hiii! Kamusta naman?" Kilig na tanong ng daughter. Na mula pa kanina ay hindi natatanggal sa labi ang labis na tuwa at ang bahagya nyang pamumula.
"Well okay lang," Sabay tingin din ni Ford sa mga kasama nya na tila hinihingi ang opinyon ng bawat isa, na syang pagtango at pagngiti din nila.
"Okay naman kami, everything flows swiftly." Dagdag nya sabay ang pagbalik ng tingin sa mga host at pagngiti.
"Ahm sorry kung masyadong maaga ang question na ito but too curious that kanina ko pa gustong malaman, D'you all guys have girlfriends?" Tanong ulit ng daughter.
"Me, wala." Ngiti ni Ford.
"Don't have. Hahaha." Tawa ni Russell.
"Single and free." Ngiti ni Tristan.
"Nah." Iling at ngiti ni Joao.
"Wala po." Ngiti ni Neil.
Syempre hiyawan ng audience.
[Authorsnote : Again, its a fanfiction so not related to the REAL relationship status of the real ones. :) Gebye.]
"Awwwwwww! Why babies?!" Tanong nyang di makapaniwala pero tumawa nalang sya.
"Ano ba mga ideal girls nyo baka naman pasado ako kahit sa isa sa inyo. Hahaha kidding!" Dagdag nya ulit. Kunyari pang biro. Wew
Ang alam ko nandito kami, err-- andyan sila iniinterview para sa promotion ng album hindi para sa personal stuffs questions wew. Ay hahahaha I so much sounds bitter dafuq. :D
"Well, attracted talaga ko sa mga fun to be with, girls." Sabi ni Ford.
"Someone who loves to eat. Hahaha so para magkasundo kami." Tawa ni Russell.
"Ako e ayoko muna talaga. Focus sa family and work."
"Ihhh! Ideal girl lang naman, Tristaaan!" Pagpout pa ng daughter.
"Hahaha, okay uhm, siguro someone who's dedicated with everything. Like mga gusto nya or goals nya." Sabi nya.
"Well for me, I can't say any idea of an ideal girl. 'Coz if you'll feel it, that's it. She is." Kabilib na litanya ni boss. Grabe namaan ❤
"Woah!" Pagka-amaze at pagtango pa ng daughter.
"Ako siguro.. sweet, caring, supportive, loyal. Typical girls hehe." Sabi ni Neil.
Wala lang 'tong masabe. Hahahaha!
"Okay, okay. Uhm, one more thing, Mr. Joao right? You're so hot! Urgh those piercing!" Kulang nalang literal na mag-heartshape ang mga mata nya.
"Oh, hahaha. Thanks, thankyou." Ngiti ni Joao.
"Is that masakit kase parang gusto kong magpaganyan den. Kidding! Hahahaha! Anyway," Pagbalewala nya sa tanong nya at pagbaling sa katabi nya na panandaliang tila nalimutan nyang may kasama sya.
"Ay okay na 'ko. Hihihi," Bungisngis nya sa dad nya sabay ang bahagyang paghampas sa braso nito. Hindi yung malakas na hampas.
"Okay kana nakshie? Nakakaloka ka." Biro nito.
"Hahaha, sorina dadee." Tawa ulit nito.
"Anyway, Goodafternoon boys, So ayan, this is it na nga. You already have your first album, congratulations! So tell us about it, the album." - Dad
"Hey Ms Ja, labas lang po muna ako." Paghawak ko sa balikat ni Ms Ja.
Bahagya syang lumingon sa side ko at tumango, kaya umalis na ako.
Tinungo ko ang isang side ng kwartong ito, binuksan ang sliding door na nandon.
Sa paglabas mo ay veranda. Pero since pader ang tabi ng grills kaya mukha nalang itong hallway.
Diniretso ko at pumunta sa dulo kung saan doon na kita ang magandang tanawin. Kasabay ang nakakaginhawang ihip ng hangin. Sana pala simula pa kanina ay dito na ako tumambay, mas masarap pa.
Idinantay ko ang mga braso ko sa grills at dinamdam ang ihip at tanawin.
---
BINABASA MO ANG
The Personal Ass
FanfictionHere's to every girl who drools over Joao Constancia! 😍 Cheers to us! ❤ We could all daydream and Imagine to be the girl in the story as sky is the limit! <3 Hehez. Peace out! 💕 - - -