"Haaaays!" Mga pabagsak na upo nila sa sofa nang makarating kami ng studio.
Prente namang umupo rin si Ms Ja sa isang sofa pero isinandal ang ulo at pumikit tanda na pagod din sya.
Umupo narin ako sa isang gilid.
Pero naisip kong kumuha ng inumin para sa aming lahat.
Kaya tumayo ulit ako.
"Where are you going again?" Tanong ni Joao na pinigilan ako sa pamamagitan ng paghawak nya sa kamay ko.
"Kukuha lang ng inumin," Sagot ko.
"Oh okay." Saka ay binitawan narin nya ako.
May ref dito, ricecooker, oven, mga electrical appliances pero walang lutuan. Ewan ko kung balak pa nilang maglagay e total puro bili lang naman kami ng pagkain.
May laman ang ref dito. Minsan yung mga tira, at syempre yung mga binili talaga para stock.
Naisip kong juice nalang kaya tinimpla ko ang lemon flavored juices na nakita ko.
Dala ang pitcher at sa kabila ang isang cake. Ewan ko kung saan galing e eto lang ang pwedeng kainin na nadoon. Hahaha.
"Yoooon! Thanks!" Mga salubong nila nang makita ang mga dala ko.
"Hindi ko alam kung para saan at saan galing 'tong cake.." Bahagyang tanong ko.
"Well, surprise?!"
"Ay! Sa'yo ba'to Ms Ja? Hala sorry sorry." Nahihiyang sabi ko.
"No! Dyan mo'na. Okay lang para sa inyo naman talaga 'yan. A small treat lang."
"Eh pero dapat ikaw ang magpapakita. Sorry talaga."
"Okay na 'yan, atleast di na ko tatayo. Sarap na ng upo ko dito." Tawa nya.
Nagtawanan nalang din kami sa kagagahan ko. Hehe
"Wait, kuha kong plato't baso." Sabi ko sabay balik sa semi-kusina.
"Oh, tara na manong." Saktong papasok si Mang Cris.
Inilapag ko na ang mga plato, kutsara't baso at nagsikain.
Oo nga, treat nga ang cake na'to. May greetings sa ibabaw na 'Congratulations boys! Love, Manager Ja'
"Btw, luckily yung kanina ang last guesting and events for now. The next will be three days after pa. A noontime show guesting. So, wanna chill out under the sun?" Makahulugang ngiti ni Ms Ja matapos ng litanya nya.
"Beeeeeeach escapade!" Sabay sabay na sigaw ng boys na tila nagkaintindihan na agad.
Natawa pa ko nang makitang may tumalsik na piraso ng cake mula sa bibig ni Tristan.
"Pft! Oh ano hahahaha!" Tawa ko sakanyang tinawanan lang din nya.
"Hahaha, no no. Resort lang muna tayo ngayon."
"Hala naman manager, beach na! Marami namang undiscovered or private beaches ngayon e." Pagtantrums ni Tristan.
"Psh, okay oo na." Sabay kuha nya agad sa phone nya na mukhang magreresearch agad ng pwedeng puntahan.
"Oraaaaayt!" Pagbunyi nila.
"You'll come with us, Aein." Ilang saglit ay dagdag ni Ms Ja nang hindi man lang lumilingon sa akin.
La?
"An--"
"No buts. You'll come with us." Putol nya sakin, nananatili ang tingin sa phone nya.
Wengya. Walang no choice.
"It'll be the first summer time with you, Aein." Ngiti ni Ford.
"Yeh." Pagsang-ayon naman din ni Joao.
"Gotcha!" Biglang sabi ni Ms Ja na ikinalingon namin sa kanya.
"Meron na. Can't promise na tayo lang andon pero hindi pa naman sya kilala e, me personally ngayon ko lang nakita ang pangalan ng beach na 'yon but yun nga, hopefully tayo lang." Dagdag nya.
And again, nagbunyi nanaman ang boys. Hahaha wews.
"5am tomorrow morning." Sabi ni Ms Ja.
"Eh? Ang aga naman." Komento ko.
"Fine. 6am." Palit nya.
Napangiwi ako. Ang aga parin e hayz T___T
"Halika Aein, hatid na kita. Maaga pa tayo bukas." Suhestyon ni Mang Cris nang matapos kaming makakain at makapagligpit.
"Mabuti pa nga Mang Cris. Sasabay nadin ako sa inyo." Sabi ni Ms Ja.
Hindi pala dito natutulog si Ms Ja. Akala ko kasama na sya dito ng mga boys na may kanya-kanya namang kwarto dito.
Isinukbit ko na sa akin ang shoulder bag ko at iniintay nalang si Ms Ja.
"Byeeee!" Pagkaway at pagpaalam ko na sa boys.
"Bye Aein. Seeyou tomorrow."
"Ingats!"
"Take care. Be safe."
Mga pagba-bye din nila.
"Bye boys!" Sabi ni Ms Ja nang lumabas na sya at lumabas narin kaming tatlo para pumunta sa sasakyan.
---
BINABASA MO ANG
The Personal Ass
FanfictionHere's to every girl who drools over Joao Constancia! 😍 Cheers to us! ❤ We could all daydream and Imagine to be the girl in the story as sky is the limit! <3 Hehez. Peace out! 💕 - - -