At natapos na akong mag ayos ng gamit ko papunta sa Manila para sumabak sa realidad na dapat nga ako magtrabaho."Nak,andito na yung bus na sasakyan mo!bilisan mo na!"sabi ni mama.
"Opo ma!patapos na ako."sagot ko.
At habang nasa bus na ako,hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin kila mama,dada at sa mga kapatid ko.
"Babay!"sigaw nilang lahat sa akin,at sila'y kaway lang ng kaway.
Gusto ko nang umiwas ng tingin sa kanila kasi kahit ilang kilometro pa lang ang layo ko sa kanila namimiss ko na sila agad.
At habang palayo na nang palayo ang bus na sinasakyan ko I decided na magsulat sa diary na binitbit ko para naman isang experience naman ang laman nito.
"Dear diary,ito napalayo ako sa mga magulang ko para magtrabaho but,masaya din toh kasi new experience din ang mararanasan ko sa Manila,at matututo din akong maging independent and I accept this challenge na kinakaharap ko ngayon."
At nang makarating na ako sa babaan,hindi na ako nag sayang ng oras para magpabagal maglakad,feeling excited
=====
Manila, iba't ibang klase ng tao ang makikita mo dito , mayaman,mahirap,mga batang hamog o palaboy laboy ,mga taong nanlilimos,buntis,bakla,tomboy,kulot,
straight, matangkad,maliit,nerd,fashionista, studious,at marami pang iba.Sa Manila rin makikita ang mausok,masikip,madumi pero pili lang ang mga parte sa Manila na ganito ang iba dito ay magagandang buildings ang makikita.
Ngayong hapon nakarating na ako dito,naghanap muna ako ng pwede kong matirhan pero bago yun naghanap muna ako ng trabaho na pwede kong pasukan kahit janitress,waitress,yaya,taga stapler sa municipal,or taga tinda lang sa mga muslim.Pero pag medyo nakaipon na ako, mag hahanap pa ako ng trabaho na mas mataas ang sweldo,pero dahil sa newbie here pa lang naman ako,hindi muna ako magpapabebe,I'll gonna do my best para naman makapag padala ako kila mama at dada.
At may nakita akong naka paskil na (wanted tindera)
"Ate naghahanap po kayo ng tindera diba?!ok lang po ba ako magtrabaho?ito po ang mga papeles na kailangan nyo!"sinabi ko ng may masayang ngiti at pagsasalita ng tono.
"Ah sorry nene,nakahanap na kami,nakalimutan ko lang tanggalin ang paskil na (wanted tindera)"sinabi ni ate ng may malungkot na mukha.
"Ah sige teh!ok lng po."masaya ko padin sinabi na 'ok lng' kahit hindi.
Sabay tinanggal na ni ate ang paskil na 'wanted tindera'.
And sinubukan ko naman sa isang karinderya kahit dish washer lang.
At nang magtatanong pa lamang ako,nakataas na agad ang kanyang kilay.
"Ate pwede po bang mamasukan bilang....tagahugas ng plato?!"takot ako ng itanong ko ito.
"Wala na,meron na kami.Wala na rin akong pang sweldo"sabi nya ng pataray.
Ako'y umalis na lamang at sumubok pa sa iba pang pwedeng pasukan.

BINABASA MO ANG
"One Girl Who's Waiting For A Right Man"
Teen FictionWaiting.... Waiting.... Waiting.... Hanggang kailan ba ako maghihintay? May darating ba?o ba ka naman naghihintay lang ako sa wala? Totoo ba ang DESTINY?Paano pag nakita ko ang destiny ko? Sya na ba talaga? O baka naman may iba pa? Hi.I'm Jham Sant...