(chapter 15) @home

11 2 0
                                    

=Chapter 15- @home=

At siyempre dahil sa hinatid ako ni Tan sa bahay, ay agad agad na akong naghain ng makakain..dun ko na siya pinakain ng merienda...Isang simpleng inumin at tinapay lang naman.

"Oh nak! Tan! Kamusta ang klase niyo?"tanong ni mama.

At si mama lang ang natira dito sa bahay dahil ang mga kapatid ko ay may mga pasok din. Si dada naman ay may trabaho kaya wala din siya.

At bago namin sinagot ang mga tanong ni mama sa amin ay nag mano muna kami sa kanya.

"Ay ok lang po tita! Ang kaso,ee may topic na kami kaagad medyo mahirap po."sagot ni Tan sa tanong ni mama.

"Eh kayo Jham?"tanong ni mama sa akin.

"Ok lang din po mama. Naubos lang po ang oras namin sa introduce yourself portion."pabirong sagot ko sa tanong niya.

"Eh pano pala kayo nagkita ni Tan?" Tanong ni mama sa akin.

"Ah..Habang naglalakad po ako nakita ko ang kotse niya. Kaya yun po,pagkababa niya siya nga yon."paliwanag ko.

"Eh buti naman at nagkita kayo Tan. Eh late na yan ee. Inatake na naman kasi ako ng sakit kong asthma sa sobrang excited na makakapasok siya muli." Sabi ni mama kay Tan.

At habang sila'y naguusap ako'y nagtitimpla na ng juice na maiinom.. Bumili narin ako ng tinapay.

"Tara kain na tayo.! Tan kain na.! Ma kain na po tayo.!"pagyaya ko sa kanila.

"Sige kayo na lang..at babantayn ko pa ang tindahan.."sabi ni mama.

"Sige po ma."sabi ko.

"Tan kain na." Sabi ko muli sa kanya.

At kami ay nagsimula nang kumain.

At nagsi-datingan na ang mga kapatid ko kaya naman niyaya ko narin silang kumain na.
Sabay na sila sa amin sa pag meryenda namin.

................

Nang kami ay matapos nang kumain ay agad ko na siyang pinaalahanan na gabi na kaya naman siya ay pinauwi ko na..

"Tan mag gagabi na .." Paalala ko sa kanya.

"Sige na aalis na ako." Sabi niya sa akin.

"Babye..ui bukas daanan mo na ako dito sa bahay."sabi ko sa kanya.

"Oo na sige na." Sabi niya.

At siyempre bago siya umalis nag mano muli siya kay mama.

"Alis na po ako tita..thankyou po." Sabi ni Tan kay mama.

At nang siya'y makalis na ay agad ko namang inasikaso ang kakainin namin ngayong gabi,dahil wala pa si dada.

Nang matapos na ako magluto. Agad ko na silang niyaya na kami ay kumain na..

At habang kami ay kumakain, biglang dumating si dada. At sinandukan ko na rin siya ng makakain niya.

"Da! Kain na po."sabi ko kay dada.

"Salamat anak."pagod na sabi nito.

At nang matapos na kaming kumain ay pinaghugas ko na si Aira dahil siya ang naka schedule ngayon sa paghuhugas.

Habang natulala ako naiisip ko nanaman ang sikretong malupet ni Tan. Ewan,para kasing may iba. Parang may iba talaga na hindi ko alam.

At ako'y natauhan bigla,kaya naman agad na akong nag asikaso ng mga bagay bagay. Tinulungan ko na din ang mga kapatid ko sa mga assignments nila. At nang di parin ako makatulog ako'y napatingin na lamang sa salamin.

"One Girl Who's Waiting For A Right Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon