At nang kami ay makauwi na, ako'y nagsulat na naman sa mahiwaga kong diary. About sa nangyari ngayong araw.
"Dear diary,
Ngayong araw na ito,nakaramdam ako ng saya at lungkot. Saya kasi,magkakaroon ako ng job ngayong bakasyon at lungkot naman dahil sa nakita ko ang tunay na panloloko ni Sedrick sakin. Pero may unting kilig na dapat di ko naman nararamdaman ,dahil sa pagsalo ni Tan sa kin kaya parang nasa heaven ako. Pero ayaw kong magkagusto sa pinsan ko. Pero ang hirap pa din mag move on kung yung ultimate crush mo dati ay pinsan mo pala,at ang maganda pa dito mabait at friendly pa,caring,loving ,at isa siyang ideal man . Isama na natin ang pagiging gwapo nya . Pero dapat padin akong maghintay kay mr.right...."At di parin ako makatulog kaya sinubukan kong i-paint kung ano ang nararamdaman ko ngayon.Kahit gabi na sinamahan pa din ako ni Tan sa sala para panoorin ako mag paint.
Pinipinta ko ang isang cherry blossoms bumabagsak sa mga lupa at nauubusan ng bulaklak ang pinaka puno.
At habang nakatingin si Tan sa pinipinta ko,nag tanong siya sa akin kung ano ang ibig sabihin ng mga bulaklak at punong walang bulaklak..sabi ko sa kanya....
"Yung mga bulaklak,yun yung mga
pag-asa na hinayaan lang ng puno na ito"habang itinuturo ng hintuturo ko ang puno."Na malaglag lang, kasi nag papatalo sya sa hangin o problema na dumarating sa buhay nya"paliwanag ko.
Habang nakatitig lang sa mga mukha ko si Tan.
"Halimbawa ako,akala ko malakas ako,akala ko,kakayanin ko,akala ko di ako masasaktan ,akala ko di ako magpapatinag sa anumang problema,kagaya ng isang cherry blossoms na yan,pero lahat pala ng iyon ay isang malaking akala lamang."sabi ko nang may padrama."sorry ahh ang drama ko na bes"sabi ko pa ng pabiro habang pinupunasan ang mga luha ko sa mata.
Habang siya'y nakatulala at para bang may malalim na iniisip,ako'y nag tanong sa kanya ng....
"Bakit ,Tan?anong nangyari? Tanong ko sa kanya habang nakatulala pa din."hoy ,Tan!"sigaw ko para matauhan .
At nang napatingin siya sakin ,ang mga mata niya'y parang may gustong ipahiwatig.
"Ano,may gusto ka bang sabihin?bat di ka mapakali ?!"tanong ko sa kanya habang lumuluha na siya.
At tinapos ko na lang ang paggawa ko sa pag pipinta..
Pero nang mga alas dose na, ako'y pumasok na sa kwarto at pinahanginan ko na ang gawa kong art at dahil sa inaantok na ako ako'y matutulog na pero bumabagabag pa rin sa isipan ko kung ano ang dina-drama niya kanina.
BINABASA MO ANG
"One Girl Who's Waiting For A Right Man"
Teen FictionWaiting.... Waiting.... Waiting.... Hanggang kailan ba ako maghihintay? May darating ba?o ba ka naman naghihintay lang ako sa wala? Totoo ba ang DESTINY?Paano pag nakita ko ang destiny ko? Sya na ba talaga? O baka naman may iba pa? Hi.I'm Jham Sant...