(chapter 14) Introduce yourself portion

11 3 0
                                    

Dahil nga sa back to school na...nadag-dagan na naman ang mga priorities ko sa buhay...pero laban lang...

At ngayong araw ang unang araw ko sa school..nakiusap ako kay ate Leny na kada sabado-linggo na lamang ako mag tinda...dahil yun lang naman ang free sched ko.. Dahil buong weekends ay hectic ang sched. ko...

At nang kinaumagahan ay ginawa ko na ang palagi ko namang ginagawa...magluluto,kakain,maliligo,magbibihis,mag-aasikaso sa sarili at iba pang pa-churvakels na ginagawa ko palagi...

At nang matapos ako sa ritual ko tuwing umaga...agad na akong nag paalam kila mama at dada....nang biglang....

"Ma, da, alis na po ako..."sabay halik sa kanila..

"Sige mag ingat ka.."habang nakahawak si mama sa dibdib niya..

"Bakit po ma?!"sigaw ko..dahil parang naninikip ang mga dibdib niya..nahihirapan siyang huminga.

"Ma,saglit lang..kukuhain ko lang ang inhaler mo..."sabi ni dada kay mama.

"Diyan ka lang..saglit lang!"paliwanag ni dada sa akin.

At nang mga ilang segundo ay nakabalik na rin naman si dada kaya agad din itong naresulbahan.

Medyo nakahinga na si mama..Si mama ay may sakit na Asthma...kaya ganun nalamang siya pag sobrang na e-excite,sobrang natutuwa at sobrang emotional..kaya nga 'di namin ginagalit si mama ee..yung tipong hindi kami gagawa ng mga bagay na ikina-gagalit niya.

Nang pasadong alas otso na...late na ako..hinintay ko pa kasing makahinga muna si mama nang maayos bago ako umalis..

Nag dalawang isip ako bigla kung papasok pa ba ako o wag na muna...
Kasi pag pumasok ako panigurado,palakpak ang matatanggap ko mula sa kanila. Pag hindi naman ako papasok,isang introduce my self portion ang makakaligtaan ko ngayon.

Kaya naman nang habang naglalakad ako papuntang labas ng mga bakuran namin ay bigla ko namang nakita ang itim na kotse..na paniguradong si Tan naman ang naroroon.

Pagkalabas ng taong nasa loob ay bigla akong nakakita ng isang gwapong lalaking naka uniform.

"Baklaa....!"sigaw ko..

"Shhhh..wag ka maingay..marinig pa yan ni tita ee.."sabi ni Tan sa akin.

"Shurna bes..."sagot ko sa kanya..ang saya ko talaga pag kasama ko siya.

"Oh siya,tara na...malalate na tayo..."pasingit ni Tan.

At nang kami ay nasa school na...

—+—+—+—
(School)

Pinagtilian na naman ang pinsan ko na si Tan...di talaga siya nalalaos dito..hay nako!kung malalaman lang nila ang totoong pagkatao nito ni Tan ay paniguradong maraming manghihinayang dito.

Tinignan ko muna ang section ko sa mga papel na nasa bulletin board. Kaya naman nagkahiwalay muna kami ni Tan pero bago yun....

"Oi..mamayang recess dun tayo magkikita sa gilid ng canteen."paalala ni Tan sa akin.

"Opo.!"isang malaking 'opo' nalang ang nasabi ko sa kanya.

"Oh sige na...pupunta na akong room."sabi niya sa akin..

At habang ako'y naghahanap pa rin kung ano ang section ko. Nang biglang nakita ko ang pangalan ko sa section I kung saan makikita ang mga matatalino.. Mas na challenge ako sa mga pwedeng mangyari.

Habang umaakyat sa mahabang hagdanan ay nakita ko na rin  kung saan ako nakabilang.

At nagkatotoo nga ang expected ko na mangyayari sa akin...
Ayun pinalakpakan ako..

"One Girl Who's Waiting For A Right Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon