At ito palang ang simula ng buhay ko dito sa Manila.At yun na nga,dito muna ako pinatira ni tita sa bahay nya.At dun narin ako sa salon nya magtrabaho.Sa katunayan dun nga daw ako sa branch ng salon na ito ,marami kasi pala talagang salon si tita.Ngayong araw na ito ,I started a day ng masaya ,at nang lumabas na ako sa kwarto ko,nag cr ako sa taas sa may labas ng kwartong itim na kwarto ata ng anak nya, nakita ko ang pamilyar na mukha..at ako'y napatakbo sa mahabang hagdanan at para bang nakakita ng multo..hingal na hingal ako..at di ko ba alam kung sya nga ang nakita ko .nakatopless with six pack abs...
"Kung 'di ako nagkakamali,si Tan Winston ba yun?"at nabubuo na ang puzzle sa isip ko na kung winston ang apelyido ni tita ,maaaring sya nga ang nakita ko. "Pero hindi,hindi,hindi,namamalik mata lang ako"habang sinasabi ko sa sarili.
At nang kumatok na si tita sa kwarto ko at ito ang sabi nya...
"Ahm Jham ,nakalimutan ko nga palang ipakilala sayo ang anak ko,si Tan ,sasabihin ko na sana sayo kagabi pero nakatulog ka na"At di ko ba alam kung namamalik mata lang ako..
Umakting akong di ko sya kakilala.
"Hi Jham nga pala."sabay naka ready na ang kamay ko sa tapat nya.
At para bang nag iisip sya na kung kilala nya ako kasi parang kinikilatis nya ang mukha kong ganon padin ka pangit...
"Familiar ang pangalan at ang face mo sakin"sabi nya sakin ng may pagsisiguro.
Kinakabahan ako ...
"Parang nagkita na tayo dati"pahabol nya pa.
Edi mas kinabahan ako.Isip lang sya ng isip kung totoo nga bang nakasama ko na talaga sya ...
"Jham Santos ,right?!Naging classmate ko sya Ma,sa DESTINY INTERNATIONAL ACADEMY"sinabi nya kay tita ng may pag mamalaki na para bang kilalang kilala nya talaga ako..
So yung crush ko dati pinsan ko pala..saklap lng mga bes...
"At magkakilala naman pala kayu ee"sabi ni tita habang nakangiti.
At ako'y ngi ngiti -ngiti nalang dahil sa nahihiya ako.
"Nice one insan!Ma magaling din yan mag paint",habang pinagmamalaki sa mama nya..at nag high five pa sya sakin..
"Talaga ba?!sige ipapakausap kita sa kaibigan kong painter."sabi ni tita.
At wala talaga akong nasabi sa kanila ,tinititigan ko nalang sila,pero masaya ako dahil sa ipapakausap ako sa kaibigan ni titang painter edi sideline na din toh.pagkakataon na dis.
Edi hindi rin ako natuloy sa salon na papasukan ko kaya naman ito ang sabi ni tita....
"Bibigyan kita ng allowance every month ₱5,000.00 at ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong bilhin at kung may session kayo ng kaibigan kong painter ,magpahatid sundo ka nalang kay kuya Romano, sa driver naten"pagpapaliwanag ni tita sa akin..
..Grabe ang laking pera nun..para na akong sumwesweldo buwan buwan..kaya naman mag sisispag pa ako ....
=====
At isang araw nag meet kami ng kaibigan daw ni titang painter sa isang sosyal na restaurant nakung saan kasama ko naman si tita at si Tan para sa usapang ito...
"Hi ,I am Alvin Rodriguez"sabi ng lalaking painter na nakaabang ang kamay sa harap ko.
"Ako naman po si Jham."sabi ko habang nahihiya.at nakipag kamay na rin..
"So sya ang mag eenhace sayo ng talento mo sa art ,kaya magusap na kayo kung saan kayo magkikita at kailan ang schedule nyo."sabi ni tita.
Di ko maiwasang tumingin kay Tan.
Napapansin kong pangiti ngiti lang si Tan sa kin.Kaya di ako maka pakinig ng mayos kung kailan at saan ba ako tuturuan..
"Ito nga pala number ko,09********2"sabi nya.
At binigay na nya ang maliit na papel kung saan nakasulat ang profile nya.
And then sa buong usapan na nagyari,wala akong nagets.Kasi si Tan tingin ng tingin.Uy perowala akong gusto dun ahh.I just want to clear it,para sa lahat.Pinsan ko sya.
=====
And now nag mall muna kami nila tita at ni Tan para bumili ng mga bagong damit at mga gamit para sa pag p-paint ko daw sabi ni tita.Kaya naman pinapili ako ng mga damit na babagay sakin.
At nang kami ay naglalakad sa mall nakita ko ang Ex kong si Sedrick, nung forth year ako,at may kasama syang babae..sila pa din ,ung babaeng kasama nya dati,..aba stay strong sila..
Habang tinititigan lang ako ng babae nya ng head to toe.
"Ui musta na!"sabi nya habang ka-holding hands ang babae nya.
Syempre may pag ka unting awkward nang makita ko sila ..
Sila tita at Tan ay tumitingin padin ng damit...at nang nakita ni Tan na may kumakausap sa akin ...ito ang ginawa nya....
"Inaano ka ba ?!"pagalit na sabi ni Tan ,na para bang mag boyfriend kami..
"Wala pre,,chill ka lang...baket kayo ba?!"sabi nito nang may patanong at yabang
Naglalapit na sila at nag aambahan ..
At pinipilit kong awatin sila sa ambahan na 'yon ,baka kasi kung saan pa mauwi yun.
At lumayo si Tan at sinabi na..."hindi!pinsan ko sya,bakelit may angal ka!"mayabang din nya itong sinabi.
"Oo,!bat ang panget nya?!"sabi ni Sedrick ng may payabang na tono.
At nasaktan din naman ako mga bes,masakit sa bangs ,nag t-throwback tuloy sakin ang mga katagang...."oo na ,ako na pangit,higante,kulot,maitim..oona tanggap ko na.Wag mo nang ipamukha pa.!"sigaw ko kay Sedrick sabay walk out.
At hinabol ako ni Tan hanggang makapunta na kung nasaan si tita at biglang akong nadulas dahil sa sobrang pagmamadali kong maglakad.
Pero hindi hinayaan ni Tan na madulas lang sa sahig at mapahiya pa.
Kaya sinalo nya ako..nagmaganda naman ako at sabay mataray look ko pa din para di halata na kinilig ako,unti..pero ang problema,he's my pinsan ,kaya naman nga-nga ako and hintay nalang para kay mr.right 👉 yung hindi nangagaliwa di katulad ni Sedrick..
Inayos ko ang damit ko at pinagpagan pagkatapos nya akong saluhin.
"Salamat"sabi ko ng walang emosyon.
"Welcome insan!"masayang sabi nito.
"at pag may nanakit pa sayong iba ako ang bahala!sabihin mo lang sakin sapak ang matitikman nila sakin."pahabol na sabi nya sakin.
=====
At nang matapos na ang pamimili namin ng gamit sa pag p-paint at mga damit na bago para sa akin,kami ay sumakay na sa sasakyan at pinasok na ng driver ang mga gamit sa likod.Gabi narin dito sa Maynila at mas maganda dito dahil sa sobrang daming ilaw. Tuwang tuwa talaga ako sa mga makukulay na ilaw.
At habang bumabyahe na kami ay patingin tingin lang ako sa mga magagandang buildings at maiilaw na kulay nito,sobrang ganda lalo na sa dagat at mga tower na may iba't ibang kulay ,sobrang nakakabighani habang nakikinig ng love song,nakakakilig,napaka romantic...sobra...
I wish may isa akong lalaki na makasama sa paglalakad sa mga maiilaw na kulay ng mga buildings.
Pero kaya ko bang maghintay para sa tamang lalaki para sakin?napapaisip ako sa sinabi dati ni Rhea na"pag mas matagal kang maghihintay,mas matamis ang darating para sayo."
Lahat kasi ng dumarating sa buhay ko na lalaki....sa simula, getting to know each other... tapos ang ending ,who you?!di kita kilala...
Sakit lang mga bes..
BINABASA MO ANG
"One Girl Who's Waiting For A Right Man"
Dla nastolatkówWaiting.... Waiting.... Waiting.... Hanggang kailan ba ako maghihintay? May darating ba?o ba ka naman naghihintay lang ako sa wala? Totoo ba ang DESTINY?Paano pag nakita ko ang destiny ko? Sya na ba talaga? O baka naman may iba pa? Hi.I'm Jham Sant...