Huh?!
At hindi ko siya pinansin...pero ng sinabi niya na pakinggan ko siya.. Ito ang naging reaksyon ko ....
Humarap ako sa kaniya..kahit medyo may kalayuan na ako sa kaniya..
"Ano?! Ano ang gusto mong sabihin? Ano? may sikreto ka pa bang di nabubunyag?huh? Alam mo baliw ka na ata ee..hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko tungkol sa pagkataong meron ka! Importante ba yan?! Kung yung sasabihin mo naman,yung patungkol kanina...wag na! Wala na sakin yun!"sabi ko sa kaniya ng pasigaw dahil nakaramdam ako ng inis sa kaniya...feeling ko meron ako*
At siya'y tumigil muna sa kinatatayuan niya at pinapakinggan lang ang mga sigaw ko sa kaniya...
Lumapit siya sa akin..
"Sorry na besh.."sabi niya sa akin ng pabiro..
At ako'y naglakad na lamang palayo sa kaniya at patuloy na naglakad hanggang sa ako'y makauwi na sa bahay namin...
...............
(Bahay)
Ako'y pumasok at dumiretso muna sa c.r.,inayos ko ang sarili ko..nagbihis ako ng damit at ako'y lumabas para mag mano kay mama sa labas..nauna pa kasi akong mag c.r. dahil sa sobrang sasabog na ang pantog ko...
"Ma..mano po.."sinabi ko ito kay mama ng may matamlay na tono ko ng pagsasalita.
"Ba't ang tamlay mo?!"tanong ni mama sa akin.
"Wala po ma! Mainit lang po talaga.."palusot na sagot ko naman sa kaniya.
"Eh! Si Tan?! Ba't di kayo magkasabay umuwi?"tanong nanaman ni mama.
"May ginawa pa po kasi ako sa library kasama sina Fat."palusot ko na naman.
"Oh siya.!sige na kumain ka na sa loob..nagluto na ako diyan..torta yan..natatakluban ng takip sa lamesa.."paliwanag pa ni mama.
At agad akong pumasok at patuloy ng magsimula para sa aking pag memerienda ng kanin...lupet noh?!
...........
Mga 20 minuto ang nakalipas ng matapos akong kumain at may biglang tumawag sa bahay....Kumatok siya sa pintuan namin kahit kita ko naman siya...ano?!papansin be like?
"Tao po!"sabi niya..
Si Tan pala yung dumating...
"Alam ko! Tao ka! Ano sadya mo?!"pambabara ko sa kaniya.
"Ahm...iinbitahan sana kita sa isang band...kung gusto mo? Gig din toh...kikita ka dito.. Para din yun sa school..pero lalabas naman din yun pag may gig sa gabi.. Ano sama ka?"paliwanag niua sa akin.
"Ahm...oo sige ba...!"sabi ko sa kaniya na para bang nawala ang buong inis ko sa kaniya.
"So.....okay na tayo?!"tanong niya pa sa'kin.
"Oo na...bakla ka talaga..!"sabi ko habang natawa.
"Hahahaha"tawa niya.
"Sige na...di na kita maa-alok kasi ubos ko na yung kanin.."sabi ko sa kaniya.
Pag kumain pa naman ako pang construction worker..hahaha..
"Hindi ok lang...kumain narin naman ako bago ako pumunta dito."sabi niya.
"Ahm..kailan pala yung simula nun?"tanong ko sa kaniya bago pa siya umalis.
"Start na bukas!?"sabi niya sa akin.
"Wait ano ba ganap ko dun?"tanong ko sa kaniya.
"Uhmm...ano ba kaya mong gawin?o tugtugin na instrument?"tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
"One Girl Who's Waiting For A Right Man"
Teen FictionWaiting.... Waiting.... Waiting.... Hanggang kailan ba ako maghihintay? May darating ba?o ba ka naman naghihintay lang ako sa wala? Totoo ba ang DESTINY?Paano pag nakita ko ang destiny ko? Sya na ba talaga? O baka naman may iba pa? Hi.I'm Jham Sant...