Chapter 1

28 0 1
                                    


Bakit ba ang tanga pumana ni Cupid?

Tang ina lang. Parang nananadya eh.

Bwisit na Batang may pakpak at pana yan!

Kinakawawa yung mga client ko

, imbis na walang inaalala, umiiyak pa tuloy sa harap ko dahil sa simpleng problema lang.

Hindi naman sa gusto kong isisi sa kanya lahat, kasi may kasalanan din naman yung mga nananakit sa mga pinapayuhan ko.

Nakakaurat lang kasi minsan.

Alam ko para akong sira na kay Cupid nagagalit pero wala eh.

Imagine..

Yung gusto mo, ayaw sayo.

Yung may gusto sayo, ayaw mo sa kanya.

Yung mga taong nangi-iwan dun lang nila nare-realize na mahal nila yung iniwan nila. As if delayed yung effect yung pana ng bwisit na batang yon.

May mga tao din syang pinapana na hanggang tingin lang yung kayang gawin.

Meron naman na di ko alam kung naka-ilang palaso na yata yung tumama sa dibdib nila kaya subok ng subok dyan sa pag-ibig na yan. Ang ending, iyak parin si tanga.

Karamihan napupunta sa maling tao.

Merong mga niloloko.

Ito, nakakaurat! May mga ginawa lang parausan!

May mga umasa, pinaikot, sinamantala, etc.

HINDI KO DIN ALAM KUNG BAKIT SOBRANG KUMPLIKADO NG LOVE NA YAN!

Pero, what I know is, I can pull that stupid Cupid's arrow on your chest, and lessen the pain that you're feeling.

I'm Keeno Lorenzana. And i'm a LOVE DOCTOR.

--

Keeno's POV

*Alarm rings!*

I yawned as I turned off the alarm.

Isang araw na naman ng ka-dramahan ng mga client kong nasaktan.

Nasanay na ko na client ang tawag ko sa kanila kasi nagpaPa-appointment pa sila sa akin para bigyan sila ng advice as if naman napaka-busy kong tao.

Pwede namang lapitan nalang ako.

Binabayaran ako ng clients ko.

NG PAGKAIN!

Nililibre nila ako pag gusto nila ng payo about love.

NoonG una, ay hindi pa ko Napayag Dahil Nahihiya ako.

Pero dahil patay-gutom ako, Mahirap namang tanggihan kasi Chinese yung tropa ko.

Walang konek no?

Wag kayo mangialam kasi bagong gising ako. Hahaha sayang kasi yung pera nila pag di ko kinain yung binili nila! Dagdag pagkain na din yon.

Hindi ko nga din alam kung bakit ako binansagang Love Doctor ng buong university namin.

Eh di naman ako ganon kagaling mag-advice, pinagti-tripan ko nga lang minsan yung advice ko.

Pero nakakatulong parin daw sa kanila -__-

Epal kasing mga school journalists yan. Pasikatin daw ba ako?

Naalala ko lang, dito kasi nag-umpisa yung lahat ng bagay na yan eh.

5 months ago..

May nakita akong babae na naiyak noon habang nagha-hanap ako ng tatambayan.

Ang Tanga Pumana Ni Cupid 💘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon