By Juan Miguel Severo
Pangako 'yan, at totoo.
Hindi ko alam kung magiging ga'no kahaba
kung kasya ba sa isang pyesa, ilang pahina,
ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito
kaya posibleng hindi ko agad makabisado.Pero pangako 'yan...
Ito na,
ang huling tula
na isusulat ko
para sa 'yo.Itaga mo 'to sa bato
abutin man ako ng umaga dito
hindi ko ipipikit ang mga matang ito.
uubusin ko ang lahat ng salita
na posibleng tugma
ng pangalan mo
o ng anumang tawag ko sa'yo,
(mahal, sinta, irog, pangga, babe, beh,
bae, asawa ko, mine?
wifey, bae,
kulet, kapal, k*pal, walangya,
p*ki, p*king *na ka) ano pa ba?
Wala akong pakialam
kung abutin ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang,
dito sa loob ko,
ang mga salitang ito.Kaya pangako...
Ito na,
ang huling tula
na isusulat ko
para sa 'yo.Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira
hinidi mo nga pinansin,
ang mga agiw sa dingding.
Hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating
sa iyong pagbisita.
Pero hindi mo rin man lang din tinignan
ang mga libro
na nasa tabi ng kama ko,
natutulog din.
At tangi ko noong kapiling.Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong niyakap mo ako
noong sabihin ko sa'yong,
"Mahal Kita..."
Sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo
sabay sabi ng:
"Mahalaga ka..."
At ako naman 'tong si tanga,
tuwang-tuwa,
dahil hindi pa nalilinawan
na ayaw ko
na maging mahalaga,
ayaw ko
na maging mahalaga...Hindi ako antigong salamin
na matagal mo nang pag-aari,
na tinitignan mo lang
para ipaalala sa sarili mo na
maganda ka.Ayaw ko
na maging mahalaga.Hindi ako telepono mong
dududukutin lang sa bulsa,
kapag kailangan mo ng solusyon
sa kawalan mo ng koneksyon,
sa mundo mong masyado nang malawak
para bigyang atensyon ka pa.Ayaw ko
na maging mahalaga.Hindi ako kwintas na isusuot mo lang
sa piling-piling mga okasyon,
kapag mayroong mga sitwasyon
na pakiramdam mo ay kulang ka pa.
Hindi ako para ibalik
sa loob ng isang kahon
kapag matutulog ka na sa gabi
sa takot na masakal ka sa yakap ko
kapag mahimbing ka na.
O ibalik sa loob ng kahon
at itabi sa sulok ng isang aparador
sa takot na manakaw ako ng iba.Ayaw ko
na maging mahalaga..Ang gusto ko...
ay mahalin.Ang kailangan ko...
ay mahalin.Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng kape mo sa umaga,
tanggap ang tamis at pait,
kailangan para sa init
pero hindi isinasantabi
dahil lang nanlamig na.Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng sarili mong opisina.
Kabisado kung para saan ang ano
kabisado kung nasaan nakatago ang alin.
Kabisado ang mga itinatago kong patalim,
silbi, dumi, lihim..patalim...
silbi...
dumi...
lihim!Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng unan mo sa gabi.
Niyayakap sa ginaw,
sinasandalan kahit na mainit,
binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip.Ayaw ko
na maging mahalaga...Ang kailangan ko
ay mahalin...At nagsulat ako noon
hanggang sa mahalin mo..Kaya patawad
pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko
ang lahat ng salita,
na posibleng tugma
ng pangalan mo.Patawad.
Pero magsusulat ako,
para patawarin mo.
BINABASA MO ANG
Hugot Tula
PoetryAng mga hugot tula na andito ay mga hugot tulang tumatak sa aking puso.