Palayain mo na

282 2 0
                                    

By Jayme Rose Mundacruz

Palayain mo na, palayain mo na ang mga pangakong naiwan mula nung gabing tinalikuran ka nya
yung mga salitang pinanghahawakan mo at ginagawa mong dahilan para kumapit ka pa

Bitawan mo na, bitawan  mo na yung nakaraan nyong lagi mong binabalikan, umaasang kinabukasan pag mulat mo ikaw ay nasa isang masalimuot na panaginip lamang
panaginip na unti unti kang nilalamon ng pag asang yung dating kayo hindi na nya itatapon,

Iwanan mo na , Utang na loob iwanan mo na yung mga gabing nakikipaglaban ka , sa matapang mong utak at nanghihina mong puso na pilit lumalaban para sa taong dahilan ng iyong pagkabigo

Palayain mo na , palayain mo na sya ng walang pait at tanda ng pagaalinlangan ,
katulad ng hangin kung gaano sya kabilis magpaalam
Isilid mo na lamang lahat sa isang kahon, kahong kayang itago lahat ng sakit na unti unti ring gagaling  sa paglipas ng panahon

Tanggapin mo na, Tanggapin mong ang pagpapalaya sa kanya ang magiging gamot ,
gamot sa mga oras at gabing gusto mo ng makalimot
mga ngiting sa likod ay puro luha at pag-iyak
magdamag na pagyakap sa iyong basang unan ay matatapos  yan ang katiyak- tiyak

Palayin mo na, Oo mahirap talaga pero palayain mo na, palayain mo na yung sarili mong bugbog na bugbog na sa sakit
dahil ang pagpapalaya ang magpapabalik sa mga halakhak at ngiti mong nilamon na ng pait
Huwag kang manghinayang sa pagiwan,
Kung ito naman ang makakapagpalaya sayo katotohanang matagal mo na palang dapat binitawan.

Hugot Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon