Itutuloy ko pa ba or ititigil ko na?

370 4 0
                                    


By joanna Bagasin Morana

Puro "malay" at "sana" na dapat "oo" at "oo" lang walang labis walang kulang.
Mga bagay-bagay na una palang itinigil ko na.
Mga araw na una palang iniwasan ko na.
Gusto kita pero bakit hindi mo madama?
Gusto kita pero bakit hindi mo mabigyang halaga?

Ano ba talaga ang aking nadarama? Tunay nga ba o panandalian lang?
Sa bawat oras na lumipas ikaw ang nasa isipan, ikaw ang laman.
Nahulog ako ng hindi ko inaakala pero ikaw heto't nahulog sa iba.
Pinagmamasdan kita pero pinagpapantasyahan mo siya.

Mahal, may pag-asa pa ba?
Ako'y susuko na.

Hugot Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon