Kung Malaya Lamang Tayo

188 2 0
                                    

By: Cy Belen

Kung malaya lamang tayo'y malamang kasabay tayo ng mga ibon sa paglipad,
sa bawat simoy ng hangin ay tatangayin hanggang sa kung saan mapadpad.
Kung hawak lamang natin ang oras, panahon, at ang kamay ng isa't isa.
Kung mas madaling sabihin ang mahal kita kaysa sa nararamdamang pangamba.

Siguro mas maipaparamdam ko na ang tunay na ibig sabihin nung sinabi kong mahalaga ka,
kasabay ng pagpapatunay na ang dalawang salitang iyon ay hindi lang basta basta.
Kung malaya lamang tayo na katulad ng tubig na walang tigil sa pagdaloy,
hindi na sana tayo magdadalawang isip kung tama bang ipagpatuloy.

Kung malaya lamang ang mga kakayahan natin,
sana'y ipinaglaban na ang bawat pagtingin.
Hindi na sana natin kailangan pang umiwas,
hindi na sana ipinagpaliban at ipinagpabukas.

Hindi na sana kailangang magsabi ng malungkot na pamamaalam
At wala na sanang dagdag na bigat sa ating mga pakiramdam.
Hindi na sana natin kailangang magbago.
Hindi na sana, kung malaya lamang tayo.

Hugot Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon