Sapat na ba ang Paniniwala?

196 0 0
                                    

By kenneth edcel Cantos
Siguro nga
Siguro nga , hindi pa rin sapat yung mga bitwin na sinungkit ko para sa'yo.
Hindi pa rin sapat yung mga nagdaang mga bulalakaw na nakarinig ng mga hiling ko.
Nakakapagod na din kasi na maniwala sa mga imposibleng bagay na sinasabi mo.
Yung mga panahon na sabi mo,
"Tatawirin natin ng sabay ang kalawakan at gagawa tayo ng sariling mundo".
Oo alam ko,
Alam ko na hindi pwedeng magkatotoo.
Pero ganyan talaga kapag nagmamahal ka .
Kahit mga imposibleng bagay basta sinambit niya .
Paniniwalaan mo.

Hugot Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon